Chapter 93

585 28 2
                                    

A/N: I am not yet ready na matapos itooo💔 huhu pero ito na e, de jk hindi pa pero malapit na talaga😭

Zayn's Point of View

Sabi ni Adelaide naiwala niya raw 'yung papel na kung saan ay doon nakasulat 'yung code na hindi pa naman alam kung ano kasi hindi pa ito naka-crack.

Dahil sa hindi pagtuon ng pansin doon sa clue ay agad itong nawala, Kaya ayun medyo nakaka-sad, Muntik na ngang magsagutan sila Marlo at Adelaide pero ako ay pilit na iniiba ang topic sa gayon hindi sila magsagutan paano ba naman kasi matalino VS matalino anuena?

At dahil ayaw nilang tumigil, Hindi sa nag-away sila pero kasi napansin ko 'yung titigan nila na tila magkagalit dahil halata ito sa mata nila, Hindi ko rin alam pero parang feeling ko nagalit si Marlo.

Kaya lumabas na ako sa silid, Oo, Napagdesisyunan ko na mauna na lang ako para sumunod na sila Vanessa at Adelaide.

Pero in the end, Nagbati rin naman sila Marlo at Adelaide, Alam kong oa lang ako na parang nag-away talaga sila pero at least ngayon okay na sila.

So 'wala kaming magagawa kundi ay ang hanapin ang papel na iyon, Importante pa naman 'yun dahil nga may mahalagang nakasulat doon na number kung saan ay nakita ito ni James sa ibabaw ng ref.

Hapon simula gabi ay ang tanging ginawa lang namin ay ang hanapin ang isang maliit na papel na iyon, Tama naman kasi 'yung sinabi nila na hindi raw dapat namin itong pabayaan sapagkat ito'y importante kaya 'wala kaming nagawa kundi ay ang hanapin ito.

Pero 'wala kaming nahanap, Kung saan-saan na kami naghanap dito sa buong bahay, Sa hagdan, Sa salas kahit na labag sa kalooban ko pati kay Marlo kasi nga dahil sa T.V pero 'wala kaming choice kaya naghanap na lang kami doon sa salas at tila inisip na 'walang nangyari sa T.V na ikuwento nila.

Sa bandang Swimming Pool Area 'wala rin, Hinanap na namin kung saan-saang parte ng bahay na ito ngunit 'wala kaming nakitang papel, It means hindi namin ito nakita kaya sad.

So syempre, Umaga, Tanghali, Hindi man lang kami nakakain ng kahit ano, Kahit isang butil ng bigas hindi kami nakakain kaya ngayon ay nakaramdam kami ng gutom kaya ayun, kumain na lang kami.

Gabi na rin ngunit  hindi pa rin namin nagawang mahanap ang papel kung kaya't napag-desisyunan namin na itulog  na lamang ito.

Sobrang dami ng nangyari ngayong araw na ito kaya hindi na talaga kami nakayanan, Pagod na pagod na ang katawan namin kaya umakyat na kami upang matulog at bukas na lang hahanapin ang papel.

Pumasok na sila Vanessa at Adelaide sa kanilang silid kaya pumasok na rin kami ni Marlo sa silid namin.

Nakakalungkot na tatlo ang kama dito kung saan ay sa isa sana si James kaso lang iniwan niya na kami.

Since 'yung kama ko is nasa gitna ay doon ko na lang napag-pasyahan na matulog at si Marlo naman ay nasa left side ko which is doon ang kaniyang kama.

Hindi ako makatulog kasi sobrang dami kong iniisip. "Bro, sayang 'no? Nag-effort pa tayong dalhin itong kama dito para tatlo sana tayong nandito, Pero bigla namang namaalam si James."

"Oo nga e, Hindi naman ako tumulong na buhatin itong kama mo patungo rito, Pero alam ko naman ma-effort talaga ang paglagay niyo niyan dito kaso nga lang... Sa to say iniwan na tayo ni James, Ang bilis ng oras, Bro. Habang tumatagal mas lalong bumibilis ang pagpatay ng Killer, Kaya kailangang lagi tayong handa." Tugon niya habang parehas kaming nakatulala sa kisame.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now