Chapter 48

691 41 0
                                    

              James' Point of View

Ngayon ay nandito na kami sa silid nila Adelaide dahil natapos na kami sa dalawang silid dito sa ikalawang palapag. Noong sa silid nila Kelly at Dave wala kaming nakita nila Vane at Steve tapos doon naman sa silid nila Vanessa at Steve wala rin kaya ngayon ay nandito na kami sa pinaka-huling silid sa 2nd floor kung saan ay silid nila Adelaide at Zayn.

“Shit Nakakabanas naman wala tayong nahanap sa dalawang silid! Sana sa silid nila Ade at Zayn mayroon na.” Naa-asar na sambit ni Steve.

“Gano'n talaga, kung wala tayong mahanap edi wala! Baka kasi hindi talaga dito nakatago.” Ani naman ni Vane.

“It's okay, guys! Tara na para matapos na rin tayo.” Sambit ko.

Wala naman silang nagawa kung hindi ang sumunod dahil wala naman silang choice dahil kailangan talaga naming maghanap ngayong araw.

Pumasok na kami sa silid nila Adelaide at Zayn kung titignan mo pare-parehas lang naman ng design ang bawat silid kaya alam na namin kung saan kami maghahanap.

“Tara na simulan na natin dito baka sakaling may mahanap pa tayo dito sa silid nila Ade.” Sambit ni Steve.

“Alam niyo naman kung saan kayo 'diba?” Ani ni Kelly.

“Oo, Alam na namin 'yun kaya pumwesto na tayo.” Ani ko.

Agad na naman kaming pumunta kung saan kami naka-pwesto or kung saan maghahanap.

Gaya nga ng mga natapos na silid ako ang laging naghahanap sa kama kaya pumunta na ako dito. Si Vane naman ay naka-assign sa mga Cabinets tapos ang naaasar naman na si Steve ay sa side ng Bintana.

Dedma nalang ako dahil abala na agad silang maghanap sa sarili nilang buhay kaya naisipan ko'ng magsimula na rin, Oo may isip ako. Hays.

Una kong ginagawa ay ang tanggalin ang mga unan at ilagay muna sa sahig dahil malinis naman kaya go lang. Syempre bago ko ito ilapag sa sahig  chine-check ko muna kung sakaling mayroong nakalagay na bagay sa unan or sa bedsheet.

Dalawa ang kama kaya inuna ko ang sa left side kung saan ay malapit banda sa bintana kung saan si Steve naghahanap obvious namang kay Adelaide ito dahil mayroon picture niya sa kama, Aba akala mo naman kung sa kan'ya talaga 'to debale baka trip niya lang lagyan.

Medyo napatawa ako dahil pinagmasdan ko muna ang kan'yang mukha doon na nakadikit sa kama na naka-duck pose HAHAHAHAHA wow! Gumaganon si Ade!

Pagkatapos kong tawanan na parang tanga yung picture ni Ade agad ko na lamang tinuloy ang aking ginagawa. Sa tatlong unan ay wala akong nakita sa loob nito na kahit anong bagay kung hindi ang napaka-lambot lamang na foam, Ang sarap tuloy. Matulog kung hindi lang talaga kami naghahanap at kung walang problema matutulog nalang ako.

At dahil wala akong nakita sa tatlong unan na 'yun agad ko na itong nilagay sa lapag. Sinunod ko naman ang kama kinakapa ko ang bawat sulok kung mayroon bang gamit na nakatago, Bawat sulok ay sinigurado ko upang sure na sure.

Noong nasa baba ako banda ng uluhan mayroon akong nakapang bagay kinabahan naman agad ako kung ano ito kaya agad ko itong dinukot. Buong akala ko ay makakatulong na sa amin ito bagay na ito ngunit hindi pala! Dahil isang..







EARPHONES! Earphones lang pala! Jusmiyo dodong! Akala ko naman kung ano na! Ito lang pala! Akala ko naman maliligtas na kami pero hindi pala! Yung excitement ko napunta sa simangot nakakainis kasi ito! Hays! Nilagay ko muna ang earphones ni Ade sa lapag upang magkapa muli at baka sakaling sa pangalawang pagkakataon ay mayroon na akong makapang totoong bagay.

Ngunit sa pagkakataong inaasahan ko ay WALA! Wala akong nakitang kahit ano! Kaya ay nilagay ko nalang muli yung Earphones na paasa sa ilalim ng foam na hinihigaan. Hays!

Yumuko naman ako upang silipin ang baba ng kama ngunit wala akong natagpuan dito mutanga lang ako! Ayoko na talaga nakakainis! Kahit ako na naba-Bad trip na rin dito e! Kung hindi lang talaga 'to para sa amin hindi ko 'to gagawin! Kainis!!

At sa kamang ito ay wala akong nakitang kahit ano maliban nalang doon sa Aaaaarrrrghhhhhhhh!!! Basta wala akong nakita dito!

Agad ko namang nilagay ang unan ni Ade na nasa lapag at tinignan muli ang kan'yang picture na naka-duck pose sabay tinignan ng masama. Doon ko nalang nilabas yung galit ko epal kasi 'to si Adelaide! Well, baka doon niya lang natago ang kan'yang earphones dahil bawal na nga kaming gumamit nito.

Pagkatapos sa kama ni Adelaide ay dumako na ako sa isa pang kama dito sa silid na ito na obviously kay Zayn.

Inuna ko rin ang kan'yang mga unang malalambot at isa-isa rin itong chine-check.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng paghahanap ay naka-amoy naman ako ng nakaka-bahing na amoy kaya agad anong bumahing.

“Ano ba naman yang amoy na yan?! Nakaka-destruck naman!” Pagrereklamo ko naman habang niru-rub ang aking ilong na nangangati.

“Ah-Eh, Sorry naman James ang bango kasi nitong Axe ni Zayn kaya nagpabango ako Hehe!” Ani ni Vanessa habang may pekeng ngiti sa labi.

“Ang bango kaya, James!” Pagsingit naman ni Steve.

“Para sa akin hindi! Ang tapang ng amoy e! Kung magpapabango ka nga h'wag dito, Vane!” Sambit ko.

“OA nito! Edi sorry naman! Tao lang kyah! Nagkakamali! Sorry ulit!” Aniya with matching pagtataray pa sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy na lamang ang aking paghahanap, Baka kasi kapag pinatulan ko pa ito baka lumaki pa ang gulo kaya tumahimik na lang ako.

Unfair talaga e! Ako dapat ang magalit dahil ako yung nainis sa ginawa niya tapos ngayon ako pa yung tatarayan niya?! Wow ha?! Hindi ba't ako dapat ang may karapatang magalit? Kung hindi lang talaga ito babae kanina ko na 'to nasapak!

Lagi naman kasi kaming mga boys yung naga-adjust kahit na minsan ay mga babae ang may kasalanan dahil kung hindi baka ay lalo pang lumala ang gulo kaya minsan at pinipili na lang namin ang tumahimik.

Hindi ko na lamang masyadong inisip ang nagyari kanina at nagpatuloy na lang ako sa paghahanap dito sa kama ni Zayn.

Sa ilang minutong paghahanap ay ni isang bagay na maliit wala na naman akong nahanap dito. Sabi ko na nga ba e! Wala na naman akong mahahanap dito nakakainis na naman tuloy.

Agad na akong tumayo at nag-strech muna ng aking katawan bago ilagay ang mga unan na nasa lapag. Damang-dama ko yung mga butong tumunog sa aking likuran dahil sobrang akong napayuko sa paghahanap kaya ay medyo sumakit ang aking likuran.

“Guys! Sa dalawang kamang ito wala akong nakita na kahit ano.” Sambit ko.

“I tried my best na maghanap ng maayos but sad to say, Wala rin akong nahanap na kahit anong bagay na sakaling makatulong sa atin.” Ani ni Steve.

“Dito naman sa mga Cabinet wala rin akong nahanap na kahit ako kung hindi ay ang mga gamit lang nila ni Adelaide at Zayn.” Ani naman ni Vane.

“Hindi ba't ang napag-usapan ay maghanap lamang hindi ang mangi-alam?” Nakasimangot kong tugon.

“Pake mo ba kung naglagay ako ng Axe! Eh ang bango kaya! Tsaka hindi ko naman 'yun pinake-ialaman sinubukan lang!” Aniya.

“Tama na yan! Tapos na tayo guys pahinga muna tayo dito.” Pagsingit ni Steve.

“Oo nga! Magpahinga nalang muna tayo nakakapagod rin kasi yung ilang oras na paghahanap!” Sambit ko.

Sa wakas ay makaka-pagpahinga na kami kahit papa'no. Hays. Nakakapagod kasi talaga. Thank you, Lord!

A/N: Yeeey tapos naaa! HAHAHAHA Salamat po sa patuloy na pagbabasa nawa'y pagpalain kayo ng diyos hehehe labyu Nonats!

P.S: MALAPIT NA TAYO MAG 1K READERS GUYS WAAAH MASAYA NA AKO DOON HAHAHAHA SUPPORT NIYO PO AKO SA #Wattys2018 sana manalo tayo! Salamat!!!! Ily'all God bless!

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now