Chapter 39

742 35 8
                                    

                   Marlo's Point of View

Habang kami'y nasa Swimming Pool Area upang magpahinga ay ako naman ay nagfa-facebook lang habang kumakain ng Cookies na binake nila Kelly at Vane. Ang iba naman ay lumalangoy at ang iba naman ay kumakanta dahil may pa-music effect pa kami dito habang ang kanta ay "Love me Harder" ni Ariana Grande.

A/N: Special shout out kay Ariana! Yan kasi talaga yung music ngayon habang nagsusulat ako. kaya wala lang. skl.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagpapahinga at malo-lowbat na rin ang aking cellphone kaya pinatay ko muna ito dahil ang boring na mag scroll up at down sa news feed ko na puro ka jejehan at ka-famewhoran naman ang mga post kaya lalo na akong na boring-an.

Naisipan ko na ang tumayo at syempre punta muna sa pool upang mabasa ang aking binti habang tinitignan ko silang nagsasaya doon agad naman akong binasa ni Steve. Aba'y gago! Ang bastos ah! Agad naman akong tumayos dahil nabasa ang aking damit ang epal kasi nito ni Steve e! Sarap dibdiban kung hindi ko lang talaga ko kaibigan nako!

“Tangina mo, Steve!” Pasigaw kong sambit sa kan'ya.

“Luh! Sorry naman bakit kasi ayaw mo'ng lumangoy para naman mapreskuhan yang katawan mo ang dugyot mo pa naman.” Patawa niyang sambit.

“May araw ka rin sa 'kin Steve!” Ani ko sabay taas ng aking gitnang daliri sa kan'ya.

At dahil badtrip na nga ako sa mga facebook posts na-badtrip pa ako kay Steve. Abay ang bastos naman ata ng araw ko ngayon? Hays!

Pagka-punta ko sa salas nakita ko naman sila James, Lei at Zayn na mapayapang umaawit at tumutugtog ng kanilang gitara at iba pang instruments.

“Hey, Marls! Wanna join to us?” Pamungad na tanong ni Lei.

“No thanks.” Ani ko sabay ngiting peke na kunwari ay masaya ako pero yung totoo hindi naman talaga dahil puro ka shitan nangyari sa 'kin kanina.

At dahil nabo-boring ako ay umupo nalang muna ako sa kabilang sofa upang makapag-idlip kahit papa'no dahil medyo nakaramdam din ako ng ng antok.

“Uy, Marlo, Cookies oh!” Ani ni Zayn sabay abot sa akin ng Cookies.

“Ah, Thanks nalang Zayn. Ayaw ko mag-iidlip nalang muna ako.” Ani ko.

“Ah, Sorry naman. Sige lang.” Aniya.

Pinipilit ko ang mag-idlip ngunit hindi ko talaga kaya dahil pa'no ba naman kasi may tumutugtog dito sa harapan ko tapos rinig pa yung speaker hanggang dito edi mas nakaka-badtrip! Hays kung pwede lang talagang mag-isa kanina pa ako umakyat ngunit bawal e baka kasi mamaya may ano na namang mangyari.

Sobrang Na-boring ako kaya naisipan kong lumabas upang tignan ang kapaligiran at ang mga bulaklak sa garden dahil dito ay tahimik ngunit rinig pa ring yung tugtog nila pero dedma nalang ako at patuloy na lumabas. Pagka-labas ko ay ibinukas ko lang ang front door nagpa-alam muna ako sa kanila na buksan ito at agad naman silang pumayag kaya binuksan ko na lang ito.

Pumunta ako sa Garden at pansin na pansin ko naman dito ang mga magaganda at mababangong bulaklak kagaya ng Rosas, Sunflower, Santan at iba pang maagara ding tignan. Kinuhanan ko ito ng mga litrato upang i-post sa aking facebook. Pagkatapos ko namang malibot ang Garden ay babalik na sana ako sa loob ngunit nakita ko ang sasakyan ni Dave na may sabon, Oo nga pala nililinisan niya ito dahil nagpa-alam siya sa amin kanina.

Agad ko naman itong pinuntahan upang may kausap ako dahil napaka-boring ng araw ko ngayon. Ngunit pagkapunta ko doon ay wala si Dave.

“Dave.” Ani ko ngunit wala akong boses na narinig mula sa kan'ya.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now