Chapter 17

1.5K 57 0
                                    

"Okay guys! Tama na yan please. Alam niyo naman kung paano magalit yang si Steve 'diba? Wag ng palakihin 'tong gulo na 'to." Sambit ni Vanessa.

"Kailangan kasi magsalita muna ako at magsabi ng masasakit na salita para lang tumigil kayo sorry naman kung nasabihan ko kayo ng masasakit na salita guys." Pag-uumanhin ni Steve.

"You're not sorry Steve, Sanay naman akong ganyan ugali mo kahit sa room pa tayo kaya okay lang sa'kin yun Hindi naman ako katulad ni Shan at Collen na papatol pa kaya okay lang." Tanging sagot naman ni Belle.

"It's okay hindi ka namin itatakwil Baby Steve love ka namin ni Belle." Ani ni Lei sabay halakhak.

"Daming ka-dramahan e 'no? Ubusin niyo kaya muna yang kinakain niyo bago kayo mag drama dito sa harap ng pagkain." Pagtataray ni Collen.

"I agree." Naka-poker face na sagot ni Shan.

"Sayang yung niluto ni Kelly kung magda-Drama lang kayo dito, Kain muna guys." Sambit ni Zayn.

"Uhm.. Guys, By the way 'di ba dito pumunta si Mang Feliciano?" Pagtatanong ni Dave.

"Well, Hindi pa siya dito dumalaw simula nung gabing muntikan ng mahulog si James sa Underground." Pagsasagot ni Kelly.

"Siguro busy siya dun sa kabilang baryo marami din kasing inaasikaso si Mang Feliciano kaya siguro nakalimutan ng dumalaw dito." Sabi naman ni Dave.

"Dave bakit parang ang creepy dito sa bahay niyo? Tsaka bakit ang layo ng mga bahay ninyo sa mga bahay ng tao dito? E doon sa kabilang baryo medyo magkakadikit naman at maingay." Pagtatakang tanong ni James.

"Bakit? Nakapunta ka na ba doon sa kabilang baryo?" Pagtatanong ni Dave.

"Oo, kanina lang kasama ko si Zayn para bumili ng pangluto ni Kelly sa sopas at para din mamayang tanghalian natin."

"Hindi ko rin alam e. Siguro ito ang nagustuhan ni Daddy at Mommy dahil nga malaki ito kaysa sa kabilang baryo puro maliliit ang bahay."

"Pero iba kasi ang pakiramdam ko dito Dave e." Nakahawak pa ang magkabilang kamay na tila nanginginig na sabi ni James.

"Uhm.. Guys wag naman kayong manakot ng ganyan 'di nakakatuwa e." Takot na sabi ni Vanessa.

"Hindi ko intensiyong takutin kayo guys, I'm telling what i feel inside this house. Para kasing hindi ako komportable dito e." Seryosong sabi ni James.

"Baka naman naninibago ka lang James." Sambit ni Belle.

"I don't think so. Alam niyo naman na mahilig ako magtravel 'diba? So every travel ko kung saan-saan ako natutulog tapos okay naman at hindi ako naninibago pero dito lang talaga naging ganito yung pakiramdam ko e."

"What's wrong here Dave?" Tanong ni Zayn.

"I don't know wala pa naman akong  creepy experience here e." Sagot niya.

"Baka naman sa'yo ang may problema James?" Tanong ni Marlo.

"I feel uncomfortable here too." Binasag ko na ang katahimikan ko at nagsimulang magsalita.

Lahat sila ay natahimik ng ilang segundo at napatingin sa akin.

"What the hell did you mean Adelaide?" Tanong ni Collen na nakatingin sa akin ng diretso.

"Ewan ko Collen, Since first day ko pa lang dito i feel na hindi lang tayo ang nandito. May kasama tayo dito and i don't know kung sino." Ang tanging sagot ko.

"What the hell! Hindi 'to oras para magbiro Ade!" Natatakot na tinig ni Belle.

"Do you think im pranking you all? Sasabihin ko bang hindi ako komportable dito kung wala akong nararamdaman dito?" Seryosong sabi ko sa kanila.

"Uhm.. Ano guys? Tapos na ba kayo kumain? Pwede ba mamaya nalang natin pag-usapan yang topic niyo?" Pagsingit sa usapan ni Kelly.

"Well siguro nga kailang muna natin maglinis dito ng pinag-kainan pero boys lang muna. Dahil nag-promise sila kagabi kaya girls! Doon na tayo sa salas!" Sambit ni Shan.

"Diyan ka naman magaling Shandeia e! Hayss." Ani ni Lei.

"E bakit ba! Kami na kaya yung naglinis dito so para fair ngayon kayong mga boys naman!" Aniya.

"Sige girls doon na kayo sa Salas kami na bahala dito." Ani naman ni Zayn.

Hindi na nagpa ligoy-ligoy si Shan agad siyang lumabas ng kusina para pumuntang salas.

Hayss ang tamad talaga nitong babaeng 'to! Kahit anong itutos mo kailangan may kapalit or kaya susunod siya pero tatamad-tamad Ewan ko dito naalala ko tuloy dati yung inutusan siya ni ma'am tapos biglang tumayo at  binalibag yung upuan niya 'diba ang lupit? That's the power of love este Shandeia Stone Hahaha.

Pumunta nalang din ako sa salas para manood ng T.V since nandoon naman lahat ng girls. Mga iba ay naglalaro at nagfafacebook sa kanilang mga Cellphones.  Mga naka-Data lang naman kawawa AHHAHA

"Hey guys! Pa-like naman ng Profile Picture ko dito sa Facebook paki-pusuan ma rin para hart hart ganern." Nakangiting sambit ni Collen.

"Maganda ka ba para pusuan yang Dp mo Collen?" Pagtataray ni Vanessa.

"Magcocomment ako ng 1 = like 1 = Prayer para naman dumami likes mo!" Nakakatawang sambit ni Shan.

"Isha-share ko nalang para dumami likes nakaka-awa kasi si Collen." Ani ni Belle.

"Sabi ko pusuan hindi yung magcocomment at magsha-share pa jusko ang titigas ng mga ulo niyo!" Itritang tugon ni Collen.

"Pa-pusuan mo nalang kay James baka maawa pa sa'yo."  Natatawang sabi ko naman sa kanya.

"Kayo kasi yung pinapa-pusuan ko hindi si James mga epal e." Pagtataray ni Collen. 

"Ang pangit mo diyan tas ipapalike mo sa'min jusko naman Collen." Sabi naman ni Vanessa na mamatay na sa kakatawa.

"Si Adelaide diyan ka magpa-like famous yan e!" Pagbibiro ng Kelly.

"Oo nga tignan mo naman yung mga likes niyan." Pagsasang-ayon naman ni Belle.

"Pake ko ba diyan sa likes na yan 'di naman yan nakakain tapos yung iba gustong-gusto ng likes! Kapopost mo lang kasi Collen kaya onti pa lang baka mamaya dumami na yan relax ka lang." Habang ako'y maka-poker face.

"Uso kasing maghintay Collen diba? Atat masyado e." Naiiritang sagot ni Vanessa.

"Di pa ba tapos mga boys dun? Ang tagal naman nila?" Pagtatanong naman ni Kelly.

"Hayaan mo lang sila doon! Baka may pinapag-usapan pa silang importanteng bagay doon." Pagsagot ni Shan.

"Baka nag-uusap about churva este Ulam mamaya." Sambit ni Vanessa sabay halakhak.

"Kung ano-ano nalang nasa isip mo Vane 'no? Ano nangyari sa'yo?" Pagtatanong ko namam dito.

"Vane 'diba sabi ko naman sa'yo wag kang suminghot ng katol?" Sambit ni Shan na hinihimas ang likod ni Vanessa.

Lahat nalang kami ay napahalakhak ng malakas dahil sa kagaguhan nila kaya mahal ko 'tong mga 'to e ang lakas ng trip. Hahaha

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon