Chapter 62

624 33 0
                                    

Shandeia's Point of View

Nagising ako dahil ginising ako ni Vane na katabi ko. At first i was curious dahil sa sofa kami natulog? Kagabi kasi ang sakit-sakit talaga ng sugat ko sa paa tsaka pagod ako kaya ayun nakatulog na lang ako or kami ni Vane.

"Hey! Okay na ba 'yang sugat mo?" Tanong niya.

"Oo, okay na siya i feel better na not like yesterday."

"Oh, okay mabuti naman. Uhmm.. Tara shan punta tayo ng kusina baka nandoon sila."

"Ah sige."

Napansin ko rin 'yung mga kumot at unan sa mga katabi naming sofa at sa lapag. Maybe they sleep here kaya may mga ganito.

Tinignan ko ang aking paa at tinanggal ang nilagay ni Ade dito upang matakpan. I feel better than yesterday. Hindi na siya gaanong masakit at kumikirot.

"By the way, Vane. Ikaw? Okay ka na ba? Kamusta ka naman?"

"Ako? Oo. Okay lang ako. Napanaginipan ko si Steve kaya napasarap ang pagtulog ko."

"Wow! Talaga? Eh ano naman ang sabu niya?" Sabik kong tanong.

"Ayun sabi niya sa akin masaya daw siya at kasama niya na sila Belle, Collen at Dave lagi niya raw tayo babantayan tapos naka-ngiti lang siya sa akin. Hanggang sa magising ako nakita kita doon ko lang nalaman na panaginip lang pala."

"Did he tell you about the clue that he wrote?"

"Hindi e. Hindi niya ako binigyan ng clue doon, Nag-usap lang kami about memories at napaka-saya namin. Sana nga hindi na lang ako nagising para kasama ko na siya forever."

"Uy! Ano ba! Alam mo naman na masaya si Steve 'diba? Oh edi bakit hinihiling mo na hindi kana magising? Nako Vane ah! Ikaw talaga."

"Wala lang gusto ko kasi palaging maka-usap at makasama si Steve."

"Hays ikaw talaga! Tara na nga pumunta na tayo sa kusina, And don't worry kaya ko ng tumayo okay na itong sugat ko."

"Then, let's go."

Patayo na sana kami ni Vane ng bigla naman kaming sinermonan si Lei na papuntang Swimming Pool Area. Aba? Ano'ng nangyari sa lalaki ito? Jusko.

Syempre palaban ako kaya sinagot ko rin siya pati rin si Vane ay nainis sa kan'ya kaya ayun, Uminit 'yung dugo namin sa kan'ya. Pero after namin sagutin abay nagwalk-out lang si koya.

Agad na lang rin kami ni Vane pumunta sa kusina.

Pagpunta namin doon nakita namin sila Kelly at Adelaide na nagkakape sa lamesa habang nag-uusap.

Ngayon dalawa na lang sila. Naalala ko tuloy dati no'ng unang araw namin dito kompleto pa 'yung squad namin.

'Yung dati sila Collen, Belle, Vane, Ade, Kelly tapos ako.

'Yung pupunta ako sa kusina na puro girls lang 'yung tipong kompleto pa kaming nag-uusap.

Pero ngayon? Ayun dalawa na lang silang nasilayan ko dito sa kusina hindi katulad dati na masaya talaga dahil kompleto pa kami.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now