Chapter 55

617 34 0
                                    

            Vanessa's Point of View

"Steve! Mauna na ako sa taas ha?! Sumunod ka nalang ha?!"

Walang imik ang lalaking 'to na busy na busy sa kan'yang laptop. Aba! Hindi ko na 'to makausap ha? Ano ba'ng pinanggagawa nito? Masyadong abala.

"Uy! Steve! Mauna na ako ha? Inaantok na ako!" Sigaw ko ulit sa kan'ya.

At wala na namang imik ang lalaking 'to, Tinarayan ko na lang siya dahil hindi naman ako pinapansin para akong tanga ditong sigaw ng sigaw.

Nagwalk-out na ako dahil baka kapag nagsalita na naman ako ay hindi na naman ito magsalita.

Iniwan ko na siya at umakyat nalang sa taas. Dahil sobra na akong naaantok at lutang na rin sa nangyaring away kanina.

                            * * *

"Vane? Are you okay?" Pagtatanong sa akin ni Kelly. "Kanina ka pa kasi nakatulala diyan."

"H–huh uhm.. O–okay  lang ako." Ani ko.

Hinagod niya na lang ang aking likod upang makapag-kalma sa akin kahit papa'no.

Nagulat ako dahil nag-iwan ng clue sa amin si Steve. Kahit mamamatay na siya naisipan niya pa rin ang bigyan kami ng kahit maliit na impormasyong makakatulong sa amin.

Niligpit ko lang ang laptop niya at hawak-hawak ko ito dahil parang siya na rin ito kasi lagi niyang hawak.

"Guys, Sa nangyari pala kagabi pasensiya na ha?" Pag-uumanhin ni Marlo.

"Sorry sa mga nasabi namin nadala lang talaga kami sa galit. Sorry." Dagdag ni Shan.

"Okay lang 'yun, Ang importante bati-bati na tayo ngayon." Ani ni Lei.

"Hindi ko ine-expect na 'yun na pala ang huling sermon sa atin ni Steve." Ani ni Zayn.

"Namatay si Steve na magkaka-away tayo. Sobrang saklap naman." Pagsingit ni James.

"At least kahit gano'n naisipan niya tayong bigyan ng clue." Dagdag ni Kelly.

"Guys. Hindi niyo ba napansin?" Ani ni Ade.

"Napansin ang?" Pagtatanong ni Zayn.

"Kasi nga 'diba naglagay siya ng letter 'A' so it means kilala niya ang killer kaya nagsulat siya ng gano'n. Kung gano'n nga he really knew the killer before he died naisipan niya pa nga ang isulat 'diba?" Aniya.

"Oo nga 'no? Baka nga alam niya na talaga at kilala yung Killer, Tama ka, Ade." Pagsasang-ayon ni Shan.

Tahimik lamang ako na nakikinig sa kanilang mga opinyon at sa tingin ko tama naman ang ibang sinasabi nila.

"Ang kailangan lang natin gawin ay ang makilala na ang killer, As soon as possible. Dahil maaari tayong maubos kapag hindi pa rin natin malalaman ngayon." Dagdag ni Ade.

"Paano natin ito masisimulan?" Pagtatanong ni Lei.

"Alam niyo guys, Maraming chance na ang nasayang. 'yung una si Dave, Siya lang naman kasi ang kilala ni Mang Feliciano kaya siya lang ang kakausapin no'n ngunit wala na siya, Sayang. Sumunod si Steve isa sa mga kaibigan natin alam kung sino ang killer kasi naglagay ng clue." Aniya.

"Medyo nacu-curious lang ako, Guys." Ani ni Zayn.

"Eh? Curious saan?" Pagtatanong ni Ade.

"Kay Steve, Kasi 'diba kung nagbigay siya ng clue edi kilala niya yung killer bakit hindi niya sa atin sinabi agad?" Aniya.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now