Chapter 23

1.1K 48 1
                                    

              Steve's Point of View

Nagpa-alam sa amin sila Kelly at Collen na matutulog muna sa silid nila Kelly at Dave. Umupo muna ako sa Sofa at mag-facebook para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit ganito lang. Focus na focus lang ako dito pati na rin ang aking mga kaklase para din siguro mag-chill ang aming utak.

Lahat ng atensiyon ko itunuon ko na lamang sa aking cellphone nakaka-chill din kapag may headphone ako kaya nagpatugtog ako ng sobrang lakas as in wala kang maririnig sa paligid mo  nakita ko rin na dumaan si Belle sa harapan ko baka siguro iihi lang siya kaya dinedma ko na lang ito.

Ang sarap pakinggan ng mga kanta at kahit na paulit-uulit ko itong pakinggan ay hindi pa rin ako nagsasawang patugtugin lalo na yung Magbalik by Callalily.

                              ***

Mga ilang minuto na rin ang lumipas at nakaramdam ako ng antok kaya gusto rin munang matulog.

"Uy guys! Naantok ako sino pa diyan pwedeng kasama matulog sa kwarto?" Ani ko ng malakas para marinig nila.

"Tara Steve! Dun tayo sa kwarto namin ni Shan mapresko kasi doon." Ani ni Marlo.

"Uhmm.. Shan okay lang ba matulog muna ako sa higaan mo?" Ani ko.

Tanging tango lang ang kaniyang sinagot sa akin tanong at ibig-sabihin naman nun ay payag siya.

"Sige guys matutulog muna kami, Tawagin niyo nalang kami kapag kakain na." Ani ni Marlo.

"Sige lang." Ani ni Lei.

Nagsimula na kaming umakyat si Marlo sa silid nila nakita rin naming bukas ang silid nila Dave kung saan natutulog sila Kelly At Collen kaya nagpatuloy nalang kaming umakyat sa silid nila Marlo.

Pag akyat namin may sumalubong sa aming mabahong amoy na tila sobrang sakit sa ilong.

"Steve ano ba! Pwede namang umutot sa C.R 'diba kailangan talaga dito?" Aniya.

"Hoy! Hindi ako umutot baka nga ikaw yun e! Ang dugyot mo pa namang gago ka." Ani ko.

Para kaming tanga na tawa ng tawa dahil sa walang kwentang usapan na yun kaya naglakad nalang kami sa silid nila para makatulog na.

Ngunit biglang kaming napatigil ni Marlo sa paglalakad at yung mukha namin na kanina na tawang-tawa ay biglang nawala dahil sa nakita namin.

May dugong nakakalat sa pintuan nila Lei, At ito nga yung masangsang na amoy na naamoy namin kanina. Oo dugo. Ngunit bakit sa kwarto ito nila Lei nangagaling?

Napatingin ako kay Marlo na tila gulat na gulat ang kaniyang mukha sa aming nakita.

"Marlo, buksan natin ito." Ani ko.

"S–sige." Aniya.

Dinahan-dahan naming buksan ang pinto ng silid nila Lei at pagkabukas nito ay amoy na amoy mo ang napaka-masangsang na amoy. Nagulat kami ng nakita namin si Belle na nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo, Hindi namin alam kung buhay pa ba siya. Agad naman kami ni Marlo na tinawag ang aming mga kasama.

"Guys! Guys! Si Belle!" Pagsigaw ko ng sobrang lakas para marinig nila.

"Guys! Umakyat kayo ngayon dito!! Si Belle!" Ani naman ni Marlo.

Agad namin narinig ang kanilang mga paa sa hagdan na tila nagmamadali.

"Teka ano'ng nangyayari dito?!" Ani ni James.

"A–ano meron kay Belle?!" Pasigaw na sambit ni Lei.

"S–si Belle w–wala na." Ani ni Marlo

"Ano'ng pinagsasabi mo Marlo?! Ano'ng wala?! Nasaan si Belle?!" Nagwawalang tugon ni Lei.

"Nasa kwarto niyo siya Lei." Ani ko.

Lahat naman sila ay napatingin sa kwarto nila Lei na tila kitang-kita ang dugo ni Belle.

Wala ng nagsalita pa sa kanila dahil agad silang tumakbo sa silid ni Lei para tignan kung ano'ng nangyari. Tumakbo na rin kami ni Marlo upang makita kung bakit naganon si Belle.

"H–hindi pwede 'to!! Belle! Belle!!
G–gumising ka! Belle!! Nandito ako!! Belle gumising ka!!" Pahagulhol na sambit ni Lei habang yakap-yakap si Belle.

"B–Belle!!" Ani ni Shan na humahagulhol din.

"A–anong nangyari kay Belle!!" Pasigaw na sambit ni Adelaide.

"H–hindi pwede 'to!! Hindi!!" Ani ni Vane.

"T–teka! Dalhin natin sa Hospital!" Ani ni Zayn.

"H–hindi na aabot, Zayn." Ani ni Dave.

"Tangina! Ano'ng nangyari sa'yo Belle!" Ani ni James.

"S–sinong hayop ang gumawa nito sa'yo Belle?!" Pasigaw na sambit ni Lei.

May narinig kami na paakyat dito sa taas at ito ay sila Collen at Kelly na tila hindi pa alam kung ano'ng kahayupan ang nangyari dito.

"Guys! Bakit kayo nagsisigawan? Nagising tuloy kami ni Collen." Ani ni Kelly.

"Oo nga, ano bang meron?" Ani ni Collen.

"S–si Belle guys. W–wala na." Ani ni Vane habang umiiyak.

"H–huh? A–nong pinagsasabi mo Vanessa?" Ani ni Kelly.

Bigla nalang tumakbo si Collen sa silid nila Lei upang tiganan kung totoo ba ang sinasabi ni Vanessa.

"N–no!! Probably no!!! H–hindi pwede!!! B–bakit ngayon pa Belle!!!" Ani ni Collen na yakap-yakap ang kaniyang kaibigan.

Sumunod si Kelly na pumunta sa silid nila Lei. At napatayo nalang siya sa kaniyang nakita halos umiyak ka din si Kelly sa kaniyang nakita.

"S–sinong gumawa sa'yo nitooo?!!" Pagsigaw ni Lei.

"B–baka yung nakita ni M–marlo na babae! H–hindi kaya siya ang gumawa nito?" Pag-iyak na sambit ni Shan.

"Oo, P–wede ring siya ang gumawa nito kay Belle!" Ani ni Vanessa.

"The windows are closed. At nakalock pa hindi naman mabubuksan ang bintana sa labas dahil sa loob ang lock nito. So hindi siya galing sa bintana." Ani ni Adelaide.

"Oo nga, Hindi siya maaring makapasok sa bintana." Ani ko.

"P–parang feeling ko hindi tao yung nakita ko, Multo siya." Ani ni Marlo.

"G–guys ano'ng gagawin natin kay Belle? Saan natin ilalagay ang bangkay niya?" Ani ni James.

"Dito sa silid nila Lei." Ani ni Ade.

"B–bakit dito, Ade?" Ani ni Lei.

"Dito nalang muna natin ilagay ang bangkay ni Belle wag niyong ipaalam sa mga tao dito dahil baka magkalat ang chismis kapag sinabi natin." Ani ni Adelaide.

"T–teka saan matutulog si Lei?" Ani ni Dave.

"Doon sa kwarto nila Marlo, Kasi sabi kanina ni Marlo no'ng paakyat sila ni Steve mapresko daw sa silid nila kaya doon ka nalang muna, Lei. Okay lang ba?" Ani ni Adelaide.

"O–okay lang sa akin. Gusto ko munang magpahinga guys. Please." Ani ni Lei.

"Vane at Shan. Kunin niyo ang mga damit ni Lei at ilagay sa silid nila Marlo tapos magbihis ka na rin Lei. Dahil puro dugo ang damit mo. James at Steve linisin niyo yung mga dugo. Zayn at Dave buhatin niyo si Belle at ilagay sa kama tapos takpan niyo na rin ang katawan niya ng kumot. Marlo samahan mo si Lei sa silid niyo. At ikaw naman at Kelly pumunta tayo sa baba para mabigyan na si Lei ng pagkain niya. Ani ni Adelaide.

Lahat naman kami ay sumunod sa utos ni Adelaide dahil magaling na 'to at parang boss namin kaya okay lang. Hayss. Sana naman maging okay na si Lei.

"Paalam, Belle." Ang tangi naming nasabi at tuluyan ng ginawa ang pinapagawa ni Ade.

A/N: Chapter 23 check! HAHAHA pagod na si otor guys bukas naman. Salamat po ulit sa patuloy na pagbabasa Happy New Year! Cheers! Charot. Labyu guyss! AHAHAHAH

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now