Chapter 31

894 40 4
                                    

Kelly's Point of View

Maaga ako nagising kasi hindi na ako makatulog sumililip ako sa pintuan namin dahil may narinig akong footsteps.

Pagka silip ko nakita ko si Shan na naglalakad pababa, Aba! Ang aga ata nitong magising ah? Ano meron?

Sinundan ko nalang siya pababa dahil hindi na rin naman ako makatulog. Dahan-dahan lang akong bumaba para gulatin siya.

No'ng nasa likod niya na ako dahan-dahan kong hinawakan ang balikat niya at biglang sumigaw.

"Waaaaaaaaaah!!!" Sigaw ko.

At bigla din naman siyang sumigaw ng P*taaaaaaaa. At habang siya'y nanginginig ako naman ay humahagalpak sa kakatawa. Halos mamatay na ako sa sobrang tawa nakakatuwa kasi yung reaksyon ni Shan.

Tinarayan niya ako sabay walk out at puntang salas para manood ng T.V, Aba! Ang aga-aga T.V agad?! Nako. Nako.

Pinabayaan ko nalang siya kasi beastmode sa 'kin. At dahil bored ako naisipan ko nalang na magsimulang magluto dahil ito naman ang nakapag-gawian kong gawin.

Nagluto ako ng Sinangag at ang ulam naman ay Sausage at Maling. Oh 'diba! Ang sarap nito.

Author gusto mo ba? Lika dali! Charot lang. Hihihi.
A/N: Enge ako!

***

Katatapos ko lamang magluto kaya inutusan ko si Shan na tawagin na ang mga kaibigan namin upang kumain. Si Adelaide naman ay bumaba na, Buti naman at maaga nagising 'to.

Si Shan naman ay agad ding sinunod ang aking utos pero bago niya yun sinunod may pataray pa siyang ginawa. Wow ha? Galit pa rin ata 'to sa 'kin sa ginagawa ko kanina.

After a few minutes ang mga iba ay nagsiba-baan na upang makapag-almusal. Pero hindi pa rin kami kompleto dahil ang iba ay tulog pa rin.

Pero ang iba ay nagsikuha na ng kanilang mga kanin at ulam dahil hindi na siguro makapaghintay pa sa iba kaya maging ako ay kumuha nalang rin dahil gutom na rin ako.

After ng ilang minutes ay sa wakas bumaba na rin ang iba sa 'min.

Tahimik lang kaming kumakain at tanging yung mga kutsa't tinidor lang ang maririnig mo. Pero after namin kumain at mag-ayos tumambay ang iba sa salas. At ako naman pati ang iba ay nasa Swimming pool area para doon mag-chill dahil malakas ang simoy ng hangin.

Ang ginawa ko lamang ay mag-facebook at ang iba naman ay sumasayaw sa harap ko pa dahil nagpapatugtog sila sa loob.

"Vanessa naka-drugs ka ba? Masama yan wag mong araw-arawin ah!" Tawang-tawa kong sabi sa kan'ya.

"Che! Tumigil ka nga d'yan Kels! Pake mo ba ha? Minsan na nga lang sumayaw e Tss." Pagtataray niya.

"Okay, Madam!" Ani ko.

Tinuloy niya nalang ulit yung mema niyang sayaw para daw exercise kuno so pinabayaan ko nalang siya muntanga lang.

***

Ilang minutes ng pagchi-chill ay naramdaman ko'ng naiihi ako kaya pumunta agad ako sa C.R para umihi.

Pagkarating ko dito ay naka-lock kaya kumatok ako dahil baka may tao sa loob kita ko rin kasing nakabukas ang ilaw sa loob kaya malamang ay may tao nga rito.

Kumatok ako no'ng una. Hinintay ko ang responce ngunit wala akong natanggao ni isa. Sinubukan ko muling kumatok ng pangalawang beses ngunit wala pa ring nagsasalita, Naghintay nalang ako sa labas ng CR.

Halos ang tagal ko ring naghintay buti nalang hindi ako sobrang naiihi dahil kung sobra akong naiihi ay kanina pa siguro basa ang short ko. Hays.

Hindi na ako nakapaghintay pa at kumatok ulit ako dahil ang tagal na ay hindi pa rin tapos 'tong maligo.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now