Chapter 24

1.2K 47 5
                                    

Adelaide's Point of View

Habang nagpapahinga kami dito sa baba biglang nagpa-alam sa 'min sila Collen at Kelly na matutulog daw muna.

Natulog silang dalawa sa silid nila Dave dahil nga sa usapang bawal ang mag-isa sa bawat silid.

Pinayagan naman namin sila dahil dalawa naman silang magkasama sa kwarto. Pagka-akyat nilang dalawa tinuloy ko nalang na
mag-facebook at makinig sa songs para naman ma-chill ang aking utak.

Halos lahat din kami ay busy sa kaka-facebook at ang iba naman ay may nilalarong mga games sa kanilang cellphones kaya wala munang nagsasalita sa 'min. 

Sinubukan ko munang mag-idlip habang nakikinig ng songs habang naka-upo para naman mabawasan ang kahit kaunting stress sa aking katawan, Masarap din namang matulog dahil tahimik silang lahat.

Naka-idlip naman ako kahit na ilang minutes lang, At nabawasan na din ang kaunting stress sa 'kin.

Nadistorbo ako sa pag-iidlip ng mag-paalam sila Steve at Marlo na matutulog daw muna sila dahil siguro naantok na din sila.

Hinayaan ko nalang silang dalawa dahil sobrang naantok na rin ako at gusto ko lang muna ang mag-idlip kahit sandali lang para naman maging okay ang aking pakiramdam.

Nasarapan ang aking pag-idlip dahil sa tulong ng mga songs na nakasaksak sa aking tenga.

Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw sila Steve at Marlo kaya ayan nanaman nadistorbo nanaman ang aking pag-idlip nananaginip na sana ako e epal naman nito. Medyo na-curious ako dahil lahat sila tumatakbo na papunta sa taas at ako nalang ang nahuli dito sa baba. Well dahil chismosa ako umakyat din ako hindi ko alam kung ano'ng meron pero tumakbo nalang rin ako dahil ako nalang ang mag-isa dito sa baba.

Pagka-akyat ko sa 3rd floor dahil wala naman sila sa 2nd floor may masangsang na amoy akong naamoy hindi ko alam kung ano ito. kaya tinuloy ko pa rin ang paglalakad.

Nagulat nalang ako na humahagulgol na si Lei, May nakita rin akong dugo at hindi ko alam kung saan ito nanggaling pumunta ako ng malapitan para makita kung anong meron dito.

Hindi pwede 'to! si Belle nakita ko nalang na nakahandusay at parang minurder dahil naliligo na siya sa sarili niyang dugo.

"A–anong nangyari kay Belle!!" Ani ko ng pasigaw at simulang umiyak.

Hindi. hindi pwede 'to. Buhay pa si Belle. Buhay pa siya. Hindi siya pwedeng mamatay! Totoo nga ba talaga na may mali sa bahay na 'to? Pero bakit? Bakit niya pinatay si Belle.

Pumasok ako sa silid nila Lei at nagsimulang mag-inbestiga kung saan sakaling pumasok ang killer.

Hindi siya makakapasok sa bintana dahil naka-lock ito at mabubuksan mo lang ito kapag nasa loob ka ng silid kaya hindi siya sa bintana pumasok.

Tinignan ko naman ang ibang parte ng kanilang silid at wala akong nakita kung saan maaaring pumasok ang pumatay kay Belle.

Kung gano'n saan siya pumasok? Maaaring hindi tao ang pumatay sa kanya. May point na yung nakita ni Marlo ang pumatay sa kaniya. Pero kung gano'n bakit naman niya yun gagawin sa aming mabait na kaibigan na si Belle?

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now