Chapter 98

810 30 4
                                    

Adelaide's Point of View

After namin makita ang laman ng libro na nakita ko, Hindi ko alam ngunit agad ko itong nabato ng 'wala sa oras.

Agad akong napahawak sa ulo ko at doon na nagsilabasan ang mga iba't-ibang thoughts kaya agad akong nalito.

Nakita ko lang naman kasi ang mga pangalan ng mga kaibigan namin habang nakalagay ang buhok nila dito at may dugo.

Nandoon rin ang pangalan ko. Hindi, Hindi lang pala sa akin, Kundi pati na rin kila Marlo at Zayn, Nandoon rin ang pangalan nila kaya mas lalo akong naguluhan kung bakit.

Mas lalo akong nalito ng pati ang pangalan ba naman ni Mang Feliciano nandoon rin?!

Teka! Bakit ba ganoon? Bakit pati si Mang Feliciano nandoon rin? Bakit pati buong pangalan niya nakasulat doon? Ugh! What the fuck! I feel something bad.

Tsaka sa listahan pangalan ko pa ang nangunguna! Bakit?!

"Guys! Bakit sa listahan ang pangalan ko ang una?! So it means baka ako ang unang patayin?! Ganoon ba?" Kinakabahan kong tugon.

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa habang si Marlo ay nakatingin sa akin ng nakakunot ang noo at si Zayn naman ay nakatingin sa akin ng masama kaya tinignan ko lang rin sila.

"Para 'tong gago! Ang OA mo, Ade! Umayos ka nga!" Asar na tugon ni Zayn.

"Eh paano nga kung totoo?" Banat ko.

"Imbis na mag-isip ka ng ganiyan na 'wala namang kasiguraduhan, Siguro mas mainam kung hindi negative ang isipin natin at tsaka umpisahan na lang natin ang pagtingin sa mga bagay na ito." Suhestiyon ni Marlo.

Napakagat na lamang ako sa aking labi at isina-'walang bahala na lang ang naisip ko since parang tama naman ata si Marlo. Kaso lang baka kasi mamaya tama 'yung naisip ko na....

Na baka ako na ang susunod? Kasi naman e! Ako ang nasa unahang pangalan na nakalagay, Pero kung gano'n nga, Dapat maging handa na lang ako sa bawat oras.

"Oh ano pa'ng tinutulala niyo d'yan?! Umpisahan na natin ito sapagkat ang oras ay tumatakbo!" Sambit ni Marlo kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Sa'yo kaya muna, Marlo ang unahin natin? Kay Zayn naman tapos na e, Itago na lang natin 'yung sa'yo, Zayn." Ani ko kaya agad namang tumango si Zayn.

"Go 'head! Buksan mo na 'yan." Ani Zayn kaya agad namang binuksan ni Marlo ang laman ng kahon na dala-dala niya at agad na inilabas ang sobrang daming dyaryo.

Tinabi ko muna ang kahon na dala ko at inilagay sa tabi ko, Ganoon rin naman ang ginawa ni Zayn kaya agad na akong dumukot ng isang dyaryo upang basahin kung ano ang mayro'n dito.

Tinignan ko ang dyaryo at halatang ito'y makaluma sapagkat kakaiba ito dahil may litrato na nakalagay dito ngunit ito'y black and white since dati ay uso pa ito at hindi pa uso ang litrato o larawan na makulay.

Buti na lang at may dyaryo pa ritong nakatago, Hindi naman ako gaanong nahirapan basahin ito sapagkat mababasa mo pa rin naman ito, Ang mga iba nga lang ay hindi kasi nga matagal-tagal na rin ito.

Agad kong napansin na may nakalagay ditong litrato ng bahay na ito, 'Yung pinakafront talaga.

BIG BLACK HOUSE AT SAN JOSE

         Ang malaki at itim na bahay na ito ay maaaring makita mo sa San Jose. Kung pupunta ka rito'y hindi mo agad ito makikita sapagkat maraming bahay dito at maluwag sa lugar  na ito.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now