Chapter 79

601 28 1
                                    

Zayn's Point of View

Habang kumakain kami dire-diretso lang ako wala ng nguya-nguya ang sarap kasi ng pagkain lalo na 'yung niluto nila na Adobo kaya naka-ilang kanin na rin ang nakain ko, Gaya nila James at Marlo na gutom na gutom rin.

Muntik na akong mabilaukan ng biglang sumuka si Kelly na nasa harap ko.

Ang pwesto kasi ng upuan eh nasa left ako katabi ko si Ade na nasa kanan ko at katabi niya naman si James. Kaharap naman namin si Vane at Kelly tapos nasa gitnas si Marlo, Kung naguhuluhan kayo, Nasa unahan siya naka-upo kung saan kitang-kita niya kaming lahat kasi nasa gitna siya.

Buti na lang at may baso at pitsel na nakalagay sa harap ko kaya agad ko itong nilagyan ng tubig at dali-daling ininom.

Nagulat kasi ako kung bakit bigla na lang sumuka si Kelly, Wala naman akong naalala na may sakit siya kasi kanina magana at okay naman siya pero bakit bigla na lang siyang sumuka?

Hindi naman ata 'yun dahil sa pagkain kasi ang sarap-sarap ng adobo at kanin kaya wala naman ata itong kinalaman doon.

Sa nangyaring iyon naka-diretso lang ang tingin namin kay Kelly na tila gulat na gulat sa nangyari.

Habang sumusuka naman siya, Hinihimas-himas lang ni Vanessa ang likod niya.

Sa ilang minuto, Napa-tigil na rin siya at pinunasan ang bunganga niya gamit ang bimpo niya, Pero no'ng pinunasan niya hindi siya sa amin naka-tingin kaya nakatalikod siya no'ng punasan at bigla bg humarap.

Medyo na creepy-han ako sa kan'ya kasi agad siyang napa-ngiti sa amin na tila walang nangyari.

Sunod-sunod ang mga tanong na nanggagaling sa kanila habang ako naka-tingin pa rin kay Kelly na naka-ngiti pa rin sa aming lahat ngayon.

"Okay ka lang ba, Kels?"

"T–teka ano'ng nangyari sa'yo?"

"O–okay ka lang ba?"

"Bakit ka sumuka?"

"Kelly, May lagnat ka ba?"

Sa tuloy-tuloy nilang tanong eh halos hindi na ako maka-tanong kasi sabay-sabay silang nagsitanungan, Ni hindi nga nasagot ni Kelly ang mga tanong nila e.

Sinagot niya lang ito gamit ang pagngiti...?
Ang creepy talaga tingnan ngayon ni Kelly, Bakit siya naka-ngiti sa amin?

Agad-agad namang nag-utos si Ade na bigyan si Kelly ng tubig dahilan upang mapa-tayo kaming lahat at sila'y nilapitan na si Kelly.

Nagpasa-pasahan kaming tatlo nila James at Marlo sa tubig pero agad naman na itong naibigay kay Kelly at uminom siya ng kaunti lamang.

After niyang uminom, Bigla na lang siya nawalan ng malay kaya agad na kaming nag-panic sa nangyayari ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin, Naka-tingin lang ako ng diretso kay Kelly habang ginigising nila Adelaide at Vanessa habang umiiyak.

"ANO BAAAA?! DALHIN NIYO NA SIYA SA SALAS!!! AT IHIGA SA SOFAA!!" Sigaw ni Adelaiade kaya agad akong natauhan.

At binuhat naming tatlo si Kelly patungong salas, Pansin ko habang binubuhat namin siya eh namumutla at tulog, Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Kelly.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now