Chapter 61

626 33 1
                                    

Lei's Point of View

Ang ganda na sana ng tulog ko pero may narinig akong ingay kaya agad naman akong nagising.

Tinignan ko ang bawat pagilid ng gumising ako, Bigla naman itong tumahimik kaya agad na akong bumangon dahil hindi na ako makatulog.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko naman 'yung dalawang masungit dito na babae, Sila Adelaide at Kelly. Pero si Kelly nandoon nakatayo banda sa pintuan kaya hindi ko na lang ito pinansin, Si Adelaide naman nakaupo habang umiinom ng kape.

Since medyo nauhaw ako naisipan ko'ng magtimpla rin ng sarili kong kape para pang-pagising ng umaga.

Nang makatimpla umupo na agad ako sa lamesa na kasama ni Ade. Napansin ko rin na gising na ang mga ibang gunggong pero pinili ko na lang na humigop ng aking kape.

Habang nag-uusap kami ni Ade kung ano'ng nangyari kanina agad namang pumunta si James sa akin sabay lagok ng kapeng tinimpla ko para sa akin. PARA SA AKIN. PARA SA AKIN. PARA SA'KIN. PARA SA AKINNNNN!!!!!!!!!!

Abayga! Ang dugyot nitong lalaking 'to ah? Nakakagigil ang aga-aga 'yan 'yung pamungad niya? The fuck!

Since nainom niya na mah magagawa pa ba ako?! The fuck. Syempre wala na! Wala na akong magagawa dahil nainom niya na! Alangan namang ipasuka ko sa kan'ya tapos i-shoot sa baso ko.

Kaya ayun tinignan ko siya ng masama tapos nagawa pa'ng ngumiti? Abayga!!! Tapos kumindat pa sa akin.

Nako! Nakakainis juice ko lord! Hays!

At dahil nawala ako sa mood agad akong tumayo at nag-walk out at piniling iwanan na lang 'yung kapeng may laman pa sa lamesa. Paano kasi ang bastos e! Ang dali-dali lang naman ang magtimpla ng kape ah?! Nakakagago!

Habang papalabas ako may nagsalita naman agad mula sa aking likuran.

"Hoy, Lei! Hugasan mo 'tong baso mo! Aba!" Sigaw naman ni Madam. Madam Adelaide.

Lumabas na lang ako sa kusina na tila walang naririnig, Bahala sila diyan! Bahala si James! Gago e ang bastos errr! Nakakainis!

Pagka-punta ko ng salas agad ko namang nakita na gising na rin sila Vanessa at Shan.

"Ano oras kayong natulog kagabi tapos ngayon pa lang kayo gigising?! Ang OA ha?! Tumayo na nga kayo diyan anong petsa na!" Sigaw ko sa kanila.

"Eh bakit ba?! Alam mo namang pagod na pagod kami! Masama ba'ng magpahinga?! At tsaka bakit ba ang sungit-sungit mo ha?! Inaano ka ba namin? Paepal ka rin e." Pagtataray naman nitong si Shan.

"Kung nandito lang si Belle kinonyatan kana nun." Sambit ni Vanessa sabay halakhak.

Lakompake!

Hindi ko na lang ito pinansin at Sabay punta sa Swimming Pool Area kung saan ay nandoon si Marlo na isa ring beastmode dahil nga sa nangyari kanina dahil kwinento sa akin ni Ade.

Nakaupo lang si Marlo sa tabi ng Swimming Pool habang ang paa ay nasa tubig.

Tinabihan ko ito at ginaya rin ang pwesto niya.

"Sup, Men? Beastmode ka ba? Well, ako rin e." Ani ko.

"Minsan kasi nakakagago na sila e." Aniya.

"Oo nga e, Nakakainis hindi naman kasi lahat ng bagay ay joke na lang palagi."

"Bakit, Lei? Ano'ng nangyari?"

The Revenge of the Dead Girl Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora