Jealousy 1

12.3K 185 16
                                    

Rica's POV

"Ballesteros shoots! 3 points for St. Mary's Academy!"

Halos magiba ang buong gym ng school namin dahil sa nakakabinging hiyawan ng mga manonood. Championship kasi ngayon between our school and St. Paul High School. Puro tilian ang maririnig at siyempre pahuhuli ba naman ako sa pagchi-cheer?

"GO MARCO! I LOVE YOU!"

I shouted. Mukhang narinig naman niya kaya kumindat siya sa akin at ibinigay ang kaniyang makalaglag panty na ngiti. Ang gwapo talaga ng mokong. Walang kakupas kupas.

"Nakita mo 'yon? He winked at me!"

Narinig kong sigaw ng isang babae sa likod ko.

"Sa akin kaya siya nakatingin kanina!"

Kontra naman ng kasama niya. Kilig na kilig pa pareho ang mga froglets. Hindi yata nila alam kung sino ang nasa harap nila.

"Really?"

Sabi ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. Tinaasan ko sila ng ng isang kilay.

"Sa pagkakatanda ko kasi, ako yung girlfriend niya, kaya obviously, ako yung kinindatan at nginitian niya."

Siniko ako ni Shiela na kasama kong nanonood.

"Chill, girl."

Sabi niya at nagkibit-balikat na lang ako at ibinalik ang atensyon sa court. Hindi ko rin naman na narinig na nagsalita ang dalawa.

Ang init ng laro. Magaling naman kasi talaga pareho ang dalawang team. Mula kaninang first hanggang ngayong fourth quarter ay dikit na dikit ang score nila.

Nilibot ko ang paningin ko sa sa audience. Karamihan ay schoolmates namin na naka-black which is kulay ng uniform ng players ng SMA pero may mga nakikita din akong naka-blue na obviously ay taga-kabilang school. Siyempre, para suportahana ang team nila.

Pero hindi nakakaligtas sa paningin ko ang ilang nakikitili din sa amin sa tuwing nakaka-score ang players ng school namin. Sarap sabihan na may team naman sila para i-cheer.

Itinuon ko ulit ang pansin ko kay Marco. Kahit pawis na pawis na siya, hindi maipagkakailang ang hot niya tignan. Bumagay sa kaniya ang uniform niyang may Eagles na tatak sa harap na pangalan ng team nila at apelyido naman niya sa upper part at number 21 sa lower part sa likod.

Hindi ko napigilang mapangiti. Kinikilig talaga ako sa tuwing nakikita ko yung number 21 sa likod. Nung naging kami kasi pinapalitan agad niya ang number 1 sa 21 dahil sa surname ko which is Dosono. Corny na kung corny but I find it cute.

"Sino kayang mananalo? I'm so kinakabahan! They're both magaling naman kasi."

I heard Shiela say.

"Eagles will win. Marco and Vance are working really hard. Hindi naman siguro nila hahayaang hindi sila ang mag-champion this year."

I commented. Maganda ang tandem ng mag-bestfriend. Kay Vance ang rebound at si Marco ang pointer. They are playing the game seriously. Ibang iba kapag nasa labas sila ng court. Of course, ginagalingan din teammates nila. The have been preparing for this game. Pero hindi rin papahuli ang team ng SPHS. They are great also. Pero siyempre, I need to think positively.

"10...9...8...7...6..."

Napatalon ako ng marinig ko ang countdown. I looked at the score. 84-86 in favor of SPHS.

"OMG! This is it!"

I heard Shiela shout. Nakita ko ang pagpasa ni Vance ng bola kay Marco who is beyond the three-point line.

"5...4...3...2..."

I closed my eyes and crossed my fingers as he threw the ball.

"The ball entered the basket! St. Mary's Academy's Eagles won!"

The emcee declared and loud screams filled the place. I opened my eyes and saw Marco being lifted by his teammates while holding the trophy.

"Panalo tayo!"

"Ang galing nila!"

"Champion ulit tayo!"

"Sina Marco at Vance naman talaga ang nagpapanalo. Ang ganda ng tandem nila!"

The students around us said.

"I don't agree with them."

Shiela pouted her lips as I stared at her with disbelief.

"Only Marco made them panalo. Vance? Duh? He only knows how to flirt with girls. He's not even magaling."

She added. Well, what's new? Shiela hating Vance is normal.

After shaking hands with the rival team, I saw Marco coming here but he was blocked by two sexy girls from SPHS asking if they could take a picture with him. Before he could even answer, kumapit pa talaga ang mga higad sa magkabilang braso niya sabay ngiti sa iphone ni ate.

Nakakainit ng dugo, kaya dahil ako ang GIRLFRIEND niya, nagmamadali akong bumaba sa bleachers para lumapit sa kanila.

"Where are you going?"

Dinig kong tanong pa ni Shiela pero hindi na ako sumagot.

"Naku! Wala yata kayong pambili ng monopod. If you want, ko nalang ang kumuha sa inyo. You know, para whole body."

I gave them my sweetest fake smile at ang mga bruha, tumango naman. Hindi man lang yata na-offend sa unang sinabi ko sa sobrang tuwa. Iniabot na nila pareho ang iphone nila at dahil nga ako ang GIRLFRIEND, I threw them. Joke! Dinelete ko LANG naman ang mga na-take na picture kanina.

"1...2...3...Say pissed!"

I uttered. Halos mapunit ang bunganga ng dalawa sa sobrang lapad ng ngiti nila habang si Marco naman ay naka-awkward smile at parang kinakabahan. Tse! Dapat lang!

"Yung kaming dalawa lang!"

Sabi ng nasa left kaya lumayo ng kunti yung nasa right. Clinick ko yung iphone ng nasa left.

"Kami rin!"

Request din ng nasa right at lumapit na ulit kay Marco.

"Sure!"

Sagot ko. Gusto daw, e di pagbigyan. Pagkatapos ko silang picturan ay lumapit na ulit ako at ibinalik ang phones nila.

"O sige, balik na kami don' ng BOYFRIEND ko ha? Mukha kasing pagod na pagod na ang BOYFRIEND ko at pawis na pawis na rin kaya kailangan ko nang painumin at punasan. Tara na, babe?"

I said clinging on his left arm as I felt his hand on my waist. We left them with their jaws hanging. Yes, bitches! He's mine. At dahil nga ako ang GIRLFRIEND niya, wala kayong makikita sa iphone nyo na mukha ni Marco. All you can see there are your ugly faces na parang na-crop.

I took some pics but I made sure na kahit isa, hindi siya nakuha. I am that evil when it comes to him.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon