Halos ang ibang tao ay nais pasukin ang malaking bahay na ito sapagkat gusto nilang tuklasin ang misteryong naganap rito.

       Kung ang ibang tao ay nais dito pumasok at alamin kung ano ang nangyari, Ang iba naman ay tila natatakot sapagkat may nagsabi dito na delikado ang bahay na ito.

        Ang iba ay patuloy pa rin sa pagtuklas kung ano ba talaga ang mayro'n dito, Dahil sa lahat ng bahay sa lugar na ito, Ito lamang ang kaisa-isang malaki at itim kaya tila ito'y agaw-pansin sa mga tao.

        May nagsabing may nakatira raw dito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may masamang nangyari rito ng ilang araw lamang ang lumipas.

        Napag-alamang ang pangalan ng nakatira dito ay Anna Faye Wallace kasama ang kasintahan niyang si Allen Samseon.

       Kalilipat lamang ng magkasintahang Anna at Allen ngunit lumipas lamang ang ilaw araw ay nabalitaan na lang na patay na si Anna. Lahat ay nagulat sa balitang kumalat kaya'y kumalat na naman ang lugar na ito lalo na ang bahay na ito.

       'Wala ng pag-asang mabuhay ang babae kung kaya't 'wala na ito. Sa nangyari ay tila hindi alam ng kasintahan niya ang gagawin.

        At sa ilang araw na lumipas nabalitaan na lang ng nakararami na nagpakamatay raw ang kasintahan ni Anna na si Allen sa mismong bahay na ito.

       Sa nangyaring iyon, 'Wala ng balita pa'ng narinig mula sa bahay na iyon sapagkat ang mga tao na malapit roon ay napag-desisyunan na tumahimik na lamang at huwag ng pakiialaman pa ang nangyari doon.

       Hindi na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari, Hindi rin alam ng nakararami kung nalibing ba si Allen o hindi.

      Hanggang sa lumipas ang panahon at 'wala na talagang balita pa si Bahay na iyon, Ngunit ito'y mukhang maayos pa naman kung ito'y titignan.

      'Walang nakakaalam kung ano na ang nangyari pa doon, Basta't ang huling balita lamang doon ay may nag-aalaga dito na isang lalaki at hindi na piniling magsalita pa.

Napailing na lang ako sa aking nabasa about dito sa bahay, Agad kong inilapag ang dyaryo at tinignan sila Zayn at Marlo na tila abalang-abala pa rin ngayon sa pagbabasa ng pinili nilang dyaryo.

Napataas kilay na lamang ako sa nabasa ko habang nalilito pa rin.

Napapikit muna ako ng sandali upang makapag-isip ng maayos at para hindi malito.

Wait lang.... Ibig sabihin dito dati nakatira si Anna?!

Tsaka.... tsaka kasama niya ang kasintahan niya na nangangalang Allen?!

Tapos namatay na lamang si Anna makalipas ang ilang araw na paglipat nila rito?!

Tapos makalipas naman ang ilang araw na pagkamatay ni Anna ay nagpakamatay si Allen?! Dito mismo?! Dito mismo sa bahay na ito?! Waaait! W–what the fuck!

"Shit!" Isang boses ang narinig ko kaya agad akong napadilat at napahilamos sa mukha.

Napatingin na lang ako sa gilid ko at nakitang si Zayn ang nagsalita, Nakababa na ang hawak niyang dyaryo habang hinihingal dahilan upang mapataas kilay ako.

Napatingin naman ako kay Marlo habang dahan-dahang binaba ang dyaryong hawak niya at pansin na napabuntong hininga muna ito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi naman! Tanginaa! Hindi ko ito kinayaaaa!" Ani Zayn kaya napatingin na lang ako dito ng masama.

Hinampas ko siya sabay sigaw, "Ang OA mo! Ano ba ang mayro'n ha?!"

The Revenge of the Dead Girl Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang