Ganoorin rin ang nakalagay, Ngunit buhok naman ni Collen ang nakalagay dito na parang blonde kaya halatang buhok niya ito since nakasulat naman ang pangalan niya.

Pero ang way ng pagsulat ng pangalan nila ay pansin kong gamit rin ito sa dugo kaya mas lalong creepy kung titignan mo. Ngayon ay speechless kami kaya nagpatuloy pa rin si Adelaide sa paglipat ng page.

Dave John Brain

Si Dave?! Ito naman ang sumunod kong nakita kaya napahawak na lamang ako sa aking baba at napahimas.

Steve Dutch Ferliñeva

Ngayon ay nalilito na ako kung bakit dito nakalagay ang mga pangalan ng mga kaibigan ko na may kasamang buhok tapos pa-cross na dugo.

Teka bakit kaya? Ano ba'ng mayro'n dito?!

Ngunit 'walang umimik sa aming tatlo kaya pinagpatuloy pa rin ni Adelaide ang paglipat nito sa susunod na pahina.

Shandeia Stone

Si Shan naman ang sumunod na nakasulat dito habang gano'n pa rin ang nakalagay.
Nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko'ng isa siya sa mga nandito at halata rin ang manipis ngunit soft niyang buhok na nakalagay dito.

Bakit ba kasi kailangan lagyan pa ng buhok nila ang libro na 'to? Para malaman ang mga napatay niya na? Ganoon ba?

Lei Paul Anderson

Kaibigan namin na pinakay-maingay sa lahat. Oo bobo 'to pero maaasahan mo 'yan tsaka kapag malungkot ka? Nandiyan lang si Lei para pasayahin ka, Kahit na nagmumukha na siyang tanga, Pero matagal na talaga siyang mukhang tanga so ayun.

Kelly Ash Sheldon

Si Kelly. Siya naman ang sumunod na nakita naming nakaguhit ang pangalan dito sa libro.

Grabe, kung tutuusin si Kelly 'yung may naranasan na pinakamalalang pagkamatay sa aming lahat.

Kasi naman, nagkasakit siya before mamatay tapos akala namin okay, Tapos isang araw nakita na lang namin na duguan siya kahit na 'wala na itong buhay, Kaya ayun nakakadurog lang ng puso bilang isang kaibigan.

James Mershen

Ang isa ko pang kaibigan na concerned sa aming lahat, Oo isa rin 'tong bobo pero kahit na ganito 'to maaasahan rin ito, Kasi isa si James na tunay na kaibigan.

Kahit na bobo 'yan, Kahit na hindi niya alam 'yung sagot sa exam namin nagpapakopya pa rin 'yan. Para daw damay-damay ng score.

Bigla na lang akong nanginig ng ilipat ni Adelaide ang susunod na page.

May nakalagay dito na...

Adelaide Hathway

Marlo Reign Parties

Zayn Edward Hutcherson

Feliciano Caloy Jr.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin pero agad ni Adelaide naisara ang libro ay agad itong natapon.

Apat na pangalan ang nandoon kaya mas lalo akong kinilabutan sa aming nakita.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now