At doon muling umiyak si Yheng..

“I’m sorry, Yheng..kasalanan ko ang lahat..” - Cydric

“Cyd, ang hirap tanggapin..ang sakit...hindi ko akalain na maging ganito ang sasapitin ko..matapos ko s’yang mahalin..hindi ko akalain minahal ko na pala s’ya nang matagal na panahon..ngayon ko nauunawaan kung bakit hindi ko kayang MAGMAHAL NG IBA...simula nang unang gabing nagsama kami..aaminin ko sa ‘yo..UMASA AKO NOON NA MAKITA KO S’YANG MULI; KAHIT NA NATATAKOT AKONG MAKITA S’YA AT DI KO ALAM KUNG ANONG GAGAWIN.. PERO DITO..DITO SA PUSO KO PINANGARAP KO S’YA.”

-Yheng

“Yheng..marahil ganun din s’ya sa ‘yo..pero..ito ang totoo..IBA ANG NOON SA NGAYON..”

-Cydric

Napayakap ng mahigpit si Yheng kay Cydric..

-------------------------------------

Nang araw na lumabas sina Yheng sa hospital..ay araw din mismo na makakalabas si Kristine..

Kalong kalong ni Yheng ang sanggol habang si Cydric naman ay dala dala ang ilang gamit ng bata..

Nagkita kita sila sa Parking area..magkatabi ang kanilang mga sasakyan.

Nakita ni Yheng na may benda pa ang kamay ni Kristine; At tila mukhang walang tulog. Ngunit masakit sa mga mata ni Yheng na makitang magkahawak ang mga kamay ng dalawa..Samantala, iniwas namang tignan ni Clint sina Yheng at Cydric..dahil alam n’yang SI CYDRIC NA ANG MAY KARAPATAN NGAYON KAY YHENG; DAHIL ISINILANG NA ANG BATANG MAGBIBIGKIS SA KANILA.

Naunang umalis sina Yheng at Cydric..sumunod naman sina Clint..sa loob ng sasakyang walang imikan ang mag-asawa. Malayo ang isip ni Clint..habang si Kristine naman ay nag-iisip kung anong gagawin upang mawala sa landas si Yheng.

“Habang nakadikit ang babaeng ‘yon kay Cydric, malaki ang posibilidad na magkikita parin sila ni Clint. Kailangang mapigilan ko ang lahat ng ito bago paman makapagdesisyon si Clint na maghain ng divorce sa akin.”

-Kristine.

CYDRIC’S POV

Magbilang ka na ng masasayang araw mo Kristine..nakahanda na ang lahat para sa ‘yo.

--------------------------------------------

Pagkaraan ng ilang linggo..napapansin ni Cydric na tila hindi gaanong nagsasalita si Yheng sa kanya..tanging nakatuon ang lahat ng atensyon nito sa bata..Iniisip ni Cydric na baka iniisip na ni Yheng ang gagawin pagsapit ng takdang araw.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now