"Kaya nga e, Biruin mo 'yun, Pati si Kelly na 'wala ng buhay pilit pa ring pinatay ng Killer."

"Gano'n talaga, Tama 'yung sinabi kanina ni Adelaide, Gusto lang ng Killer na masigurong patay na talaga si Kelly. Kahit na hindi tayo gaanong nakapag-meeting kanina at least kahit papaano may napag-usapan naman tayo."

"Oo nga e, Pero bro, Matanong ko nga lang, Bakit kanina pinalabas mo kami kahit ilang minutes lang? Nahilo ka ba kanina? Or okay ka lang ba kanina?" Pag-iiba ko ng topic since gusto kong malaman kung bakit niya kami pinalabas kanina, Hindi niya pa kasi nasasabi kaya curious ako.

"H–huh? Hindi pa ba halata? Malamang nagalit ako kanina, Kasi naman badtrip na nga sa nangyari kay James at Kelly tapos dadagdag pa 'yung papel na nawala, To be honest gusto ko na talagang magwala kanina pero i still keep calm, Gusto ko muna kayong palabasin kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko baka magwala ako, Kaya ayun. Medyo naging okay na rin ako ng umalis kayo kahit na sandali lang." Paliwanag niya.

"Ah gano'n ba, Alam ko naman na nagagalit kana kanina, Pero kasi alam mo naman curious ako tsaka gusto ko'ng marining 'yung main reason na naggaling sa'yo, Pero ngayon alam ko na kaya no worries."

"Sige bro, Gabi na rin. Naaantok na rin ako e, Good night Sweet dreams! Fuck youu!" Aniya.

"Same to you bro, fuck you rin!" Ani ko.

Ganito lang talaga kami maglambingan ng mga friends ko, Wow lambingan talaga? lol.

No, i mean ganito kami magmahalan... Magmahalan? What the fuck! No! I mean... Hindi ko ma-explain e, Pero ganito lang talaga kami magsalita kapag nag-uusap, Minsan every word hindi talaga mawawala 'yung pagmumura pero ewan ko ba, Ganito kami e.

After nun, Pansin na tumalikod si Marlo at nakaharap sa gilid niya samantalang ako ay nakatingin pa rin ng diretso sa kisame at tila hindi makatulog.

Parang kanina gustong-gusto ko ng matulog pero ngayon na matutulog na ako, Hindi naman ako makatulog. 'Yung totoo?!

Papikit na sana ako ngunit may mahinang tunog akong narining na tila nanggaling sa baba, Ngunit hindi ko na lang ito pinansin kasi baka pusa lang iyon na nakapasok dito or kaya baka naman may nahulog lang, Kaya ito ay dinedma ko na lang at nagpatuloy na lang sa pagtulog.

Buti na lang inantok na ako, Pero syempre bago ako matulog nagdasal muna ako.

Pinagdasal ko lang naman ang aking mga kaibigan na pumanaw, Sabi ko lang ay sana gabayan niya sila at huwag pababayaan, Sana'y masaya na sila ngayong kapiling siya sa langit.

Pinagdasal ko rin ang mga magulang naming iniwan namin, Hindi ko inaasahan na ayun na pala ang huling araw na makikita ng mga iba kong kaibigan ang nga mahal nila sa buhay, Ayun na pala ang last na good bye.

And lastly, Ipinagdasal ko rin kami. Kami ditong naiwan at pinipilit na magpakatatag, Sinabi ko sa kaniya na bigyan niya kami ng sapat na lakas upang bumangon bukas, Hinayaan ko siyang siya na ang gumabay sa amin, Nagwish rin ako na sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan namin.

Alam ko namang hustisya ang gusto nilang makamit. Hindi ko man mapangako, Ngunit gagawin namin dito ng mga kaibigan king natira ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

* * *

10AM na rin pala ng ako'y magising, Akala ko nakabangon na si Marlo kasi maaga itong nagigising palagi pero ngayon ay mahimbing pa rin itong natutulog.

The Revenge of the Dead Girl Where stories live. Discover now