E PI S O D E 4 7 - M I S T A K E

Magsimula sa umpisa
                                    

"Because I love you! Sagabal siya sa atin! Chaze, I'm for you! Tayo ang para sa isa't isa at sagabal lamang ang babaeng iyon. She even forced you to get married, right?! Paano mo nagawang mahalin ang spoiled bitch na iyon?! Tayo ang para sa isa't isa, hindi kayo na hinahadlangan nang lahat. Can't you see? Even his own father!" umiiyak na sigaw niya. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko nang makaramdam ako nang panibagong poot sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sumang-ayon ako sa huling sinabi niya. Kahit hindi niya totoong ama si Robert. Bakit ang sakit?

"You just realized, huh?" siya naman ngayon ang ngumisi. Ako naman ay nanlumo sa mga sinabi niya dahil totoo gaya nang sinabi sa akin ni Shara kagabi na paulit-ulit na naglalaro sa utak ko.

"Damn you!" dinampot ko ang baril at akmang ipuputok ito nang may humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako kay Darwin. "Don't fucking stop me!"

"Huwag dito baka mas lalong magalit si Ms.Shara kapag gumawa tayo nang gulo rito" saad niya. Pumikit ako nang mariin, pinipigilan ang galit ko. Saka ko binigay sa kaniya ang hawak kong baril. "Magpahinga ka muna" dagdag niya pa.

Pinasadahan ko nang tingin ang takot na takot na si Camille bago pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Paggising ko ay pumasok ako sa banyo upang maligo pagkatapos ay nagbihis.

"What time is it?" tanong ko kay Darwin na kakapasok lang.

"It's already 11:46 am" mabilis naman na sagot niya. "Anong gagawin natin doon? Patayin kaya natin tapos itapon natin sa dagat?" he suggested smirking. What a great idea but no here. Hindi sa teritoryo nang mahal ko.

"Kailangan niya munang maghirap" sagot ko nalang. Lumabas ako at halos mapamura nang makitang lubid nalang ang naiwan sa bangko na kinalalagyan dapat ni Camille. "Darwin, where the fuck is that bitch?!"

"Iihi daw eh, ayoko namang umihi diyan. Kadiri!" rinig kong reklamo niya. A fucking idiot, hindi man lang inisip na tatakas ang hayop na iyon.

Akmang hahanapin ko na ito nang marinig ko ang doorbell. Nagmadali naman ako at doon ko natunton si Camille na binuksan ang pinto. Humarap siya sa akin at hinila ako papunta sa kaniya. Hinalikan niya ako sa labi. Tinulak ko siya at parang tumigil ang lahat nang makita kung sino ang nasa labas.

Natulala kami sa isa't isa hanggang sa tumalikod ito at nagtatatakbong umalis. "Shara!" tawag ko. Tumingin naman ako ngayon kay Camille na nakangisi na tila nagtagumpay. "Fucking bitch!" tinulak ko siya dahilan upang matumba siya at mabangga ang katawan sa pinto.

"Oh! Anong nangyari?" tanong naman ni Darwin na ngumiwi pa nang makita ang nangyari kay Camille.

"You stupid! Fucking kill her!" utos ko. Agad ko silang tinalikuran at hinabol si Shara. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod nang palad ko. Nakalabas na ako nang hotel ay hindi parin siya makita. Agad naman na nagliwanag ang mata ko nang makita ko siyang mabagal na naglalakad sa tabing dagat. Dala-dala niya ang sandals gamit ang isang kamay.

Sumasabay ang buhok niya at ang kaniyang dilaw na dress sa hangin na nagmumula sa dagat. Dahan-dahan rin akong naglakad papalapit sa kaniya ninanamnam ang magandang tanawin.

"Shara" I called her. Natigilan ito ngunit dahan-dahan ring lumingon. Halos kapusin ako nang hininga nang sa wakas ay humarap na siya sa akin.

"What?" tanong nito, bakas ang galit sa kaniyang mata.

"That was a mistake" paliwanag ko kahit hindi niya naman hinihingi.

"Anong mistake? Iyong pagdala mo sa kaniya roon at paghalik mo sa kaniya sa harapan ko mismo o ang mga sinabi mo kagabi?" sarkastikong saad niya. She crossed her arms with her maddening eyes on me.

"No, please hear me out. Dinala ko siya rito-"

"At dinala mo pa siya?! Now, we're even! So hindi ka naniwala sa mga sinabi ko kagabi? Okay!" namumuo na ang luha sa kaniyang mga mata ngunit hindi parin natatanggal ang galit rito.

"Naniwala ako, naniniwala at maniniwala ako sayo! Please just let me explain. That was a mistake, alright? She kissed me, I didn't" muling paliwanag ko. Hindi ko alam kung paano ko mapapaliwanag kung bakit naroon si Camille. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na nandito si Camille para paghigantihan ko sa ginawa nito sa kaniya.

Darwin is a fucking stupid!

"This is the last time, Chaze. Huwag kanang magpapakita sa akin kahit kailan!" sigaw niya at tinulak ako. Natulala ako sa kaniya na marahas na pinunasan ang luha niya gamit ang likod nang palad. Nanghina ako at para akong sinaksak sa puso. Hindi ako nakagalaw at pinagmasdan lamang siya.

Ngunit bago pa siya tumalikod ay may naramdaman akong kirot sa balikat ko. Nakita kong nanlaki ang mata niya ngunit walang mas sasakit sa sinabi niya kaya naman nanatili akong nakatingin sa kaniya.

"Bawiin mo iyon" utos ko. Nanginginig ang kamay niyang lumapit sa akin ngunit bago pa siya makalapit ay bumuwal na ako sa kinatatayuan nang makaramdam ako nang matinding sakit sa tagiliran ko.

"Oh my God!" umiiyak na sigaw niya na agad lumapit sa akin at niyakap ako sa kaniya.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon