E P I S O D E 3 4 - R E M E M B E R

7K 161 7
                                    

Chapter 34

Shara's PoV

Haggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Ang mga taong nagligtas sa buhay ko ay walang iba kundi ag pamilya ko. Buhay si Mommy, nagkaroon ako nang ama at kapatid. Talagang makapangyarihan ang tadhana.

Hanggang ngayon ay wala parin akong matandaan sa nangyari. Bukas ay nakatakda akong ihatid sa Manila para makita ko na si Chaze para ipaala sa kaniya na may pamilya ako rito. Napangiti ako sa isiping iyon, sigurado akong magiging masaya na kami sa wakas. Sisiguraduhing ko makukulong si Camille at si Robert sa ginawa nila sa akin.

"Shara, you want to roam around the island? Baka matagal ka pang bumalik kasama ang asawa mo anak" si Mommy na nakanguso ngayon. Nalaman ko na pinakulay niya lang ang buhok niya para magmukha daw siyang dalaga at maganda para kay Dad. She looks gorgeous in everything dahil nagmana ako sa kaniya!

Nasa livingroom kami ngayon at nag-uusap. Girl talk. Gusto ko sanang tanungin si Mommy kung saan nakalibing ang totoo kong ama but I don't want to ruin this moment. I will ask her kapag maayos na ang lahat kapag wala na kaming inaalala pa.

"Mommy, babalik kami kaagad and yes, I want to roam around the island!" I said excitedly. Binigay sa akin ni Mommy ang mga damit na sinabi niyang pangbagets at ayaw ipasuot sa kaniya ni Daddy kaya sakin na napunta. I'm wearing a floral print short jumpsuit.

Gusto sanang sumama ni Mommy sa Manila pero hindi siya pinayagan ni Daddy dahil baka makita siya ni Robert at may mangyaring masama. Hindi rin makakapunta si Dad dahil may inaasikaso pa siyang pasyente. Si Zion ang isasama ko dahil gusto siyang ipa-explore ni Mommy para naman raw magkaroon ito ng girlfriend. Hindi naman tumutol ang kapatid kong masungit. Can you believe that my brother is just 17? Akala ko ay mas matanda pa siya sa akin dahil ang mature na ng pangangatawan nito at ang kaniyang gwapong mukha ay parang binatilyong version ni Daddy plus the fact that he's so tall.

"Alright, let's go!" tumayo na kami at lumabas na nang mansyom.

"Ma!" natigilan naman kami nang sumulpot ang masungit kong kapatid. Nakakunot ang noo nito at magulo ang buhok. Mukhang nagmadali ito para mahabok kami.

Magkatabi kaming natulog ni Mommy kagabi habang si Dad ay nakitulog naman sa kwarto ni Zion. Nagtalo pa sila ni Daddy dahil ayaw makatabi ni Zion si Dad, ayaw rin naman matulog ni Dad sa guestroom dahil hindi naman daw siya guest. Nakamaong pants ito at grey longsleeve. Nakatsinelas ito katulad namin ni Mommy.

"Bakit? Ipapasyal ko lang ang ate mo bago kayo bumyahe pa-Maynila" saad nito. Lumapit naman na nang tuluyan sa amin si Zion.

"Pinapatawag ka ni Papa sa opisina niya, may kailangan daw kayong pag-usapan. Ako nalang ang magpapasyal kay ate" pagbibigay-alam nito. Tinignan muna niya ako bago bumalik ng tingin kay Mommy.

"Oo nga pala, nakalimutan ko. Okay, huwag mong sungitan ang ate mo!" nanlaki ang mata ni Mommy na parang may importanteng naalala. Tumaas ang kilay niya nang paalalahanin niya si Zion tungkol sakin. Kagabi kasi matapos ko siyang yakapin ay lumabas na siya sa kwarto niya. Ganoon lang daw talaga ito.

"Of course!" he rolled his eyes as she assured our mother. Hinalikan kami sa pisngi ni Mommy bago pumanhik papasok sa mansyon. Nagkatinginan kami nang kapatid ko, nakataas ang kilay niya kaya naman masungit ko ring itinaas ang akin. Ako ang ate!

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now