E P I S O D E 3 8 - E X

5.6K 123 7
                                    

Chapter 38

Shara's PoV

Dumating kami ni Arthur sa mansyon at dumiretso kami sa likod ng mansyon. Sa hardin, naroon si Mommy at Daddy nagmemeryenda. Masinsinan silang nag-uusap. Napalingon sila sa amin nang maramdaman nila ang presensya namin.

"Mommy, Dad, what's with the call? Ito rin ba ang sinasabi mo sa akin kagabi?" tanong ko habang nakipagbeso ako sa kanila ni Daddy. Pilit na ngumiti si Mommy na mukhang hindi maganda ang ibabalita sa akin habang si Dad naman seryoso lang.

"Umupo ka muna rito, anak" Mom tapped the chair beside her. Umupo naman na ako habang nakapaskil sa mukha ko ang pagtatakha. Nagpaalam naman na kaagad si Arthur na aalis matapos ko siyang paalalahanin ang lakad namin bukas. Hindi naman nagsalita si Mommy at hindi rin ako inasar kay Arthur. I guess, it's really serious.

"Pupuntahan mo pala ang anak mo, bukas..." umpisa ni Mommy. Tumingin ako sa kaniya at tumango. "Yes, and what's the problem here?" tanong ko. I tried to make it cheerfully but still the same reaction. What's bothering them? Really?

Napatingin naman ako kay Daddy nang kunin niya ang kamay ko. Tumingin ulit ako kay Mommy bago ako bumalik kay Dad. "Really? Anong nangyayari? You're freaking me out, sabihin niyo na" tanong ko habang pinagmamasdan ang reaksyon nila. Humigpit ang hawak sa akin ni Daddy.

"Forgive us, anak. We don't have any choice dahil na-approve na namin, alam mo naman na tumatanda na kami ng Daddy mo at nakakalimutan na namin ang mga bagay-bagay. Sa amin na kasi dumiretso ang kompaniya dahil halos sakop natin ang isla rito" my Mom is really sorry and nervous as well habang nagpapaliwanag. Kumunot ang noo ko kay Daddy na nag-aalala namang tumingin sa akin si Dad. Company? Hindi ko talaga maintindihan.

"Shara, dapat ay kagabi pa namin sinabi ito sayo but your Mom is really nervous you might freaked out or baka magalit ka sa amin. Inaprubahan namin ang kompaniya ng dati mong asawa para rito maganap ang business travel seminar nila" tuloy naman ni Daddy. Natigilan ako sa sinabi nito.

"W-What? Come again?" I asked. Tila hindi naprocess ng utak ko ang sinabi nila sa akin. Para akong nanigas sa kinauupuan ako. Sumikip ang dibdib ko ng hindi namamalayan. Relax! Nakamove on kana diba? 5 years na simula ng lokohin ka niya, ngayon ka pa magugulat? Tsaka malamang may sarili na siyang buhay.

"It's okay, Mommy. Dapat sinabi niyo na sa akin kagabi para mapaayos ko man ang meeting place nila. Are they using the hotel? Ang conference room ba? Or ang pagkain? Aasikasuhin ko na" dada ko kaagad. Hindi ko maiwasang kabahan. Ano na kayang itsura niya ngayon? Kasal na ba siya? Bakit ko ba iniisip ang cheater na iyon? Move na ako!

"It's okay with you?" halos magsabay silang dalawa. Mukhang hindi naman pinagpraktisan.

"Oo naman, Mom, Dad. Ilang years na ang lumipas, okay na ako" saad ko. Hindi pinahalatang kinakabahan ako. Kinakabahan ako kasi malaking project ito, iyon na nga. Ngumiti ako kina Mommy at Daddy. Kinuha ko ang french toast na nasa table at agad na nilamon.

"Don't worry, anak. Kami na ang bahalang mag-asikaso sa lahat, iwan mo muna ang hotel sa amin and get some rest after mong bisitahin ang apo namin" si Mommy ngayon na mukhang nakahinga ng maluwag. Tumango na lamang ako habang ngumunguya dahil hindi ko alam kung makakaya ko bang makita ang isang taong manloloko. Manloloko siya! Move na ako!

Pagkatapos noon ay pumanhik ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit naligo na naman ako kahit na naligo na ako kanina. Sinuot ko ang white floral flowy dress ko na hanggang taas ng tuhod ko. Tinernuhan ko ito ng white sandals. Nagpasya na akong lumabas para kitain ulit ang dalawa, sina Callie at Jane.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now