E PI S O D E 4 7 - M I S T A K E

5.3K 101 10
                                    


Chapter 47

Chaze's PoV

The sun is almost setting when Darwin came with the bitch.

"What the hell is this, Hailstorm?!"gulat na singhal niya sa akin matapos kong tanggalin ang piring at duck tape sa kaniya. Nakaupo sa bangko at nakagapos ang buong katawan. Maswerte siyang nakakaupo pa siya dahil kung hindi siya babae ay baka nakagapos siyang nakahandusay sa sahig.

"What's shocking you? Hindi ba ginawa mo narin ito?" ngisi ko sa kaniya na agad ring nawala at pinalitan ko nang masamang tingin. Pormal akong umupo sa couch kaharap niya. Sumimsim muna ako sa aking kape bago ito nilapag sa glass table sa gilid ko. Si Darwin ay nagpapahinga sa kama.

"Wh-What a-are you ta-talking about?" nangangatal na saad niya na bumakas ang takot sa kaniyang mukha. Kinuha ko ang kape ko at tumayo. Bahagya akong umiling at ngumisi na lumapit sa kaniya.

"Ang tapang mo para gawin iyon sa asawa ko" seryosong bulong ko sa kaniya. Umayos ako nang tayo nang hindi inaalis ang pagkasuklam na tingin ko sa kaniya. Nagugulat siyang tumingin hindi mawala-wala ang takot.

"I d-don't know what yo-you're talking about" nag-iwas ito nang tingin. Inubos ko ang kape at sinadya kong binitawan ito sa harap niya. Nagkalat ang piraso nito sa sahig kasabay nang pagsinghap niya. Bahagya niya pang iginalaw ang kaniyang binti na tila may kakayanang pang umiwas sa kabila nang pagkakagapos nito.

"Sasabihin mo sa akin ang totoo sa presinto ang bagsak mo o magsisinungaling ka't maghihirap muna bago mo marating ang impyerno" bulong ko ulit sa kaniya. Nilayo ko ang mukha ko sa kaniya at ngumisi nang makitang mas nadagdagan pa ang takot sa kaniya. "You choose" dagdag ko.

"Hindi ko a-alam! Wa-wala akong-"

Agad siyang natigilan nang mabilis kong kinuha ang baril na nakaipit sa likod ko at walang alinlangan iyong ikinasa. "You're saying?" tanong ko at tamad na kinamot ang sentido gamit ang nguso nang baril.

"I s-swear I didn't-"

"Where's the silencer?" tanong ko sa sarili ko na inilibot pa ang tingin ko. Kinapa ko ang bulsa ko at nang makapaka ko iyon ay kinabit ko nang walang kahirap-hirap saka ko itinutok sa kaniya. "You may shout but no one will help you here. Oh...anyone can but I doubt it kapag nalaman nila ang ginawa mo sa nagmamay-ari nang lugar na tinatapakan mo"

"Sh-She's a-a-alive?" gulat man ay mababakas mo ang galit sa kaniyang mga mata. Tuluyan nang nawala ang ngisi ko at mabilis na dinakot ang buhok niya at hinila ito. Nanginginig ang mga kamay ko at nagbabadya na ang luha ko sa galit.

"What the fuck did you do?!" gigil na sigaw ko sa kaniya at mas hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang buhok. Nagsisisigaw na naman ito sa sakit na nakapagpainis sa akin. "Answer me!" sigaw ko ulit.

"Stop it, Hailstorm! I'm hurting! Please stop!" maarteng sigaw pa niya na lalong nakapagpa-usbong sa galit ko. Mariin kong binitawan ang buhok niya at halos itapon ko na ang ulo niya paalis sa katawan niya. Kapag hindi ako nakapagpigil ay mapatay ko siya kaagad. Sa ganoong paraan ay hindi siya maghihirap.

"You're a monster! Isa kang demonyo! She turned you into an evil person! That spoiled bitch is really-" hindi niya na natapos dahil mabilis kong binaba ang baril at nasampal ko na siya. Umiiyak na humarap siya sa akin dahil napatagilid ang kaniyang ulo sa sampal ko. Maswerte siya't hindi ko ginamit ang buong lakas ko dahil kung nagkataon ay katawan na niya lang ang natira at pumalaot na ang ulo niya palayo.

"Then what are you?! Kung ganiyan ang tingin mo sa akin dahil sa nagawa ko sayo, ano ka sa tingin mo?! Unang-una ang pagpunta mo sa office ko nang walang permiso para lagyan nang kung ano ang inumin ko at babalik para halikan ako kapag alam mong wala na sa kundisyon ang katawan ko. Puwede kitang kasuhan dahil sa ginawa mong iyon ngunit pinalampas ko at sinesante lang kita! Pagkatapos ang asawa kong walang kalaban laban ay ipinadukot mo?! Kinuntsaba mo pa ang kanang kamay ko! Ngayon sabihin mo sa akin kung anong klaseng tao ka? O kung tao ka pa ba, huh, Camille?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. Hindi ko na kontrolado ang galit ko.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now