E P I S O D E 3 0 - F A R T H E S T

7.6K 163 1
                                    

Chapter 30

Shara's PoV

Nagising ako sa isang madilim at abandunadong lugar. Lumukob kaagad ang takot sa akin lalo na nang maramdaman ko ang mahigpit akong nakatali sa metal na upuan gamit ang magaspang na lubid. Tanging siwang lang galing sa maliit na bintana ang gumagawa nang liwanag kaya naman nalaman kong nasa inabando na akong silid.

"Tulong! Tulong niyo ako! Chaze, tulungan mo ko! Please, save me! I need help" paulit-ulit na sigaw ko. Halos magmakaawa ako at paulit-ulit na akong nagradasal sa isip ko. Nag-umpisa nang magluha ang mga mata ko. Takot ako sa maaaring mangyari at takot ako lalo na't wala si Chaze. Is it Robert?

"Help! Tulong! Chaze, tulungan mo-" natigil ako nang may marinig akong dagundong ng kung ano. Nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo, lalong nadagdagan ang takot ko. Wala akong ibang magawa dahil pagkahigpit higpit ng pagkakatali sa akin. Mukhang nagkaroon na nga ako nang sugat o pasa sa higit ng tali lalo na't magaspang pa ito.

Nang lumipas ang ilang minuto ay nagsisisigaw muli ako. Desperadang despereda na ako at nagdarasal na sana man lang may mabuting taong makarinig sa akin. "Tulungan niyo ko! Help me out! Chaze, hanapin mo ako! Tulungan-" natahimik ako nang pabagsak na bumugkas ang pinto. Napapikit ako sa lakas noon na kala ko ay masisira lalo na't tumama nang pagkalakas-lakas sa pader.

"Ang ingay mo!" pumasok ang isang lalaking napakalaki nang katawan. Para ito ang mga bouncer sa club. Tinikom ang bibig ko ngunit hindi ko maiwasang mapahikbi lalo na't kanina pa ako iyak ng iyak.

Lumapit ito sa akin at sinampal ako. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko marahil ay galing sa marahas niyang sampal, may suot itong singsing na lalong nagpasakig sa sampal. Parang namanhid ang mukha sa ginawa niyang pagsampal. Tumawa ito at nilapit ang mukha niya sa akin.

Kalbo ito at kayumanggi, nangingintab ang kaniyang ulo. Makapal ang labi nito at malaki ang butas ng ilong. Nakikita ko sa kaniya si Shrek. Taas-baba ang dibdib ko sa bigat ng aking paghinga samahan pa nang sobrang init rito.

"Tatahimik din pala" tatawa-tawa pa nitong saad habang nakamasid parin sa mukha ko. "Ben, ang ganda pala at ang sexy nitong alaga mo. Mukhang masarap!" dinalaan niya ang kaniyang labi. Malaswa niyang hinawakan ang pisngi ko na iniwas ko naman. Pero tama ba ako nang narinig? Si Ben?

"Aba, matapang ka ah!" napapikit na ako at handa nang saluhin ang panibagong sampal ngunit pinigilan ito nang pamilyar boses. "Dagul! Tangina, anong ginawa mo bakit dumudugo ang labi nito?! Sinabi na ni Ma'am Camille na bawal 'tong saktan!" asar na saad nito, natakot ako dahil parang papatay na ito sa galit. Hindi naman umimik ang kalbo at masamang tingin lang ang ipinukol kay Ben. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Ben lalo na't dumugtong ang pangalan ng isang bitch!

"Paano mo nagawa ito? He trusted you! Wala kang utang na loob!" sigaw ko. Nang dahil sa galit ko ay naduraan ko siya. Kanan kamay niya ito? Anong ginagawa niya at nakikipagsabwatan siya sa malanding higad bitch manyak na babae?

Pumikit ito nang mariin at gamit ang kaniyang damit ay pinunasan ang pisngi niya na naduraan ko. Tumawa naman ang kalbo sa gilid na tumahamik kaagad nang samaan ito nang tingin ni Ben. "Wala kang alam sa nangyayari kaya tumahimik kana lang kung ayaw mong mamamatay" seryoso nitong saad. Gamit ang kaniyang hintuturo ay mariin niyang tinulak ang noo ko dahilan para mapatingala ako. Tumindig ang balahibo ko sa takot. Galit at poot lamang ang namayani sa damdamin ko.

Pinagkatiwalaan siya nang asawa ko? Bakit niya nagawang pagtraydurin nito? Bakit ganito ang ginagawa nito sa kanila? Kaya nagpaalam itong umalis para isagawa na ang masama nilang binabalak?

Tinalikuran niya ako at sumunod naman ang kalbo sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nasa kukote niya't kinidnap pa ako. Lalo na si Camille? Halos manginig ang kalamnan ko sa galit habang wala sa sariling umiiyak. Chaze, please come and save me. Please.

Ilang minuto lang kalalabas nila ay pinilit kong makawala sa tali. Kahit na alam kong nagkakaroon na ako nang gasgas ay nagpatuloy parin ako. Napapangiwi na lamang ako tuwing nakakaradam ako nang hapdi dahil sa magaspang na lubid. Unti-unti dumudulas ang kamay ko paalis sa tali. Malapit na, malapit na.

Ngunit malagutan ako nang hininga nang may marinig ulit akong dagundong at doon ko na napagtanto na nandito na talaga ang salarin kung bakit naririto ako ngayon. Palakas ng palakas ang maarte niyang boses habang papalapit ang mga ito. Hanggang sa bumungad siya sakin dala-dala ang kaniyang tagumpay na ngisi.

"Shine bright, Shara! Oh? Why are you crying?" tanong pa nito na umaarte pang naaawa at lumalabi pa. Kung hindi lang ako nakagapos ay kanina ko pa nahila ang nguso niyang pagkakapal-kapal ang lipstick. Lumapit ito sa mukha ko ay ngisihan niya ako. "How do you feel? Don't worry ibabalik ko sayo ang ginawa mo sa akin noong araw na dapat mapapasakin na ang ang asawa mo!" ngayon ay poot at galit na kasama ang pagtikwas ng kaniyang labi. Nanginginig pa ito.

Dinuraan ko siya sa ilong. My only power for now. "How dare you filthy whore!" mag-asawang sampal ang natanggap ko. Napapikit nalang ako sa sakit ngunit hindi ko parin maiwasang ngumisi sa sitwasyon.

"Filthy whore, huh?! Are you talking to the mirror? Kasi sa pagkakaalam ko ay ako ang asawa at ako ang mahal. Ikaw ang sabit, kabit, sampid at marumi rito! Dahil nagagawa mo pang painumin ng kung anu-ano ang asawa ko para lang magasaha mo siya. Ikaw ang filthy-" magkakasunod na sampal na naman ang inabot ko. Namamanhid na ang mukha ko hanggang sa maramdaman kong may likidong umaagos sa pisngi ko. Hindi luha kundi dugo.

"Kill this bitch and throw her to the farthest place!" halos maghisteriya na siya at humihingal habang dinuduro ako. Doon na ako nagpumiglas lalo na nang maramdaman kong tinatanggal na nang kalbo ang pagkakagapos sa akin.

Sa likot ko ay hindi matanggal-tanggal nang maayos ng kalbo ang pagkakatali niya sa akin. Hindi ako tumigil saa pagpupumiglas habang sinusumpa si Camille na papalayong humahalakhak. Narinig kong may sinasabi sa kaniya si Ben ngunit patuloy parin siya sa paghalakhak.

"Tangina mo! Tumigil ka baka maaga kitang mapatay!" saway sa akin ng kalbo ngunit tila wala akong narinig at nagpatuloy sa paggalaw. Nakita kong umalis sa pwesto niya ang kalbo kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon na iyon. Tinuloy ko ang pagtatanggal sa tali nang mabilis pati na rin sa paa. Dali-dali akong tumakbo palabas nang magtagumpay ako. Ngunit isang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko para mawalan ako nang malay.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now