E P I S O D E 1 4 - F A S T

10.2K 209 0
                                    

Chapter 14

Shara's PoV

Natext ko na ang dalawa na sa Sunshine's Restaurant nalang kami magkita-kita. Pumayag naman ang dalawa. Saka ko lang napagtantong naistorbo ko pa nga sila dahil kagagaling lang nilang mag-aral tapos ako ito bigla bigla nalang mang-aaya nang hindi man lang sila kinakamusta.

"Dito nalang" saad ko kay Chaze na nag-abala pang magmaneho kahit na alam kong pagod siya sa ginawa niya kanina at kahit na alam niyang may driver. Akala ko ay sasama lang siya sa paghatid.

Sa bagay, gusto naman niya lagi na nasosolo ako. Napahiya ako sa mismong naiisip ko.

"Salamat sa paghatid" masigla ang tono ng pananalita ko habang kinakalas ang seatbelt. Tumingin naman ako sandali sa restaurant at bumaling sa kaniya.

"Call me if you need me, okay?" banayad na pagpapaalala nito. Tumango naman ako at ngumising inabot ang pisngi niya para halikan. Namula naman ang pisngi ko sa manghang reaksyon niya binuksan ko na ang pinto at bumaba na ng sasakyan niya.

Kumaway muna ako saglit sa kaniya at hinintay siyang umalis bago ako pumasok sa loob. Hinanap ko sina Callie at Jean, nagbabaka sakaling narito na ang dalawa.

Natagpuan ko naman silang naglalandian sa isang pangtatluhang table kaya nakataas ang kilay sa kanilang dalawa habang papalapit ako. Kung hindi lang ako tumikhim ay hindi pa yata nila malalaman na nandito na ako.

"Okay, what's happening?" takhang tanong ko.

Nakagat ni Jane ang ibabang labi niya at napakamot naman sa batok si Callie kaya naman lalong kumunot ang noo ko.

"Are you two dating?" pinangunahan ko na silang dalawa dahil walang naglakas loob na magsalita.

What is happening?!

Nagkatinginan muna silang dalawa na parang magdedesisyon pa kung sasabihin pa nila o hindi. Medyo naluluhang tumingin sa akin si Jane nang kinuha niya ang kanang kamay ko at ikinulong sa dalawang palad niya.

"Listen to me, first, okay?" malambing na umpisa niya. Her hands are shaking kaya naman ipinatong ko ang kaliwang kamay ko assuring her that I'm here to listen.

Tumango ako at hindi ko alam kung bakit naiiyak na rin ako kahit wala pa. Si Callie naman ay tahimik lang sa gilid at ipinaubaya si Jane sa akin.

"Alam kong nasabi na sayo ng asawa mo ang plano namin ni Callie. Noong una, akala namin ay pinakasalan ka niya dahil sa kompanya niyo at para sa sariling kagustuhan niya lang but, no..." tumigil siya pansamantala at tumingin kay Callie na tumango naman.

So they were trying to save me from Chaze? Kaya nila sinubukang pigilan ang kasal dahil akala nila ay makakasama si Chaze sa akin? How I love them!

"Hindi ko alam na tinuloy ni Callie ang plano, iyon ang pag-amin sa iyo ni Callie that's why I nearly freaked out when your husband came into my house saying we should stop our stupid plan dahil matutuloy ang kasal niyo kahit ano pang gawin namin. So I asked him why he's marrying you..." hindi natuloy ang pagluha ni Jane habang ako naman ay naghihintay parin at nakikinig parin sa kaniya.

Kailan pumunta si Chaze kina Jane?

"He showed me your diary and I'm not sure if I'm allowed to say this but malalaman mo rin naman sasabihin ko na. He said he adores you so much that he can give you anything and he will grant all your wishes so you could just stay with him. He's madly inlove with you that's why, this time, I freaked out for real. Kailan pa? You just met month ago..." kumabog ang puso ko kasabay nang pagtili ng ilan sa mga nerves ko. What the hell, Mr. Hailstorm? Why are you so obsessed with me?

"Back to the diary thing, your diary is your secret possession and I remember you saying that the diary is your companion in life before us kaya naman bago ka ikasal dapat mananatili 'yan sa tabi mo..." natawa naman ako sa ibinahagi niya.

"We were just highschool back then! Anong iniisip mo?" hindi ko na napigilan ang magsalita. Natatawa kong saad na may halong panlalait.

"I know right! That was then I realized that I was so freaking dumb ng wala man lang kumuha sa diary kaya naman ako nalang nagbigay sayo to at nag-imbento pa ako nang kung ano hoping that it would pissed your husband dahil napahiya ako!" naiiling pa siya at natatawa nalang sa kaniyang sarili sa katangahang nagawa niya.

"The last thing is ang naabutan mo kanina, we're in a relationship already for about two months. Sasabihin naman na namin sayo pero pinigilan ko muna si Callie dahil dinadaluhan ka pa namin noon sa mga nangyari sa inyo ni Tito. Then, three weeks ago I found out that I was pregnant..." natigilan ito sinusukat ang reaksyon.

"What the hell, Callie?!" galit na bumaling ako kay Callie na nakatingin lamang kay Jane. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Sasabihin na sana namin kaso dumating ang asawa mo kaya naman ikaw muna ang inasikaso namin. Gusto naming maging masaya ka. Kaso hindi lang talaga sumang-ayon ang panahon eh" tuluyan nang tumulo ang luha ni Jane.

"Jane, it's okay! Okay lang na sabihin niyo sakin, your relationship is not a problem. Kaibigan ko parin kayo kahit na kayo pa o kahit na mag-asawa na nga kayo eh. We're friends, alright? Bestfriends! I think I'm allowed to be mad dahil kahit ano pang nangyayari sa buhay ko dapat sinabi niyo. But I'm happy for you! I really love you, guys!" napaiyak narin ako.

Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko. Thank God! For giving me this kind of friends. All along I they were trying to save me but here I am not seeing this things because I was busy aching my own life.

Matapos naming kumain ay hinatid nila ako sa bahay. Inaway ko pa si Callie dahil hindi ko alam kung mabubuhay niya ba nang maayos ang kaibigan ko. Then suddenly I remember, milyonaryo pala ang gago.

Nakatira na sila sa iisang bahay. Why does this things fall on us so fast?

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now