E P I S O D E 1 6 - B A B Y

9.6K 207 2
                                    

Chapter 16

Shara's PoV

Humiwalay ako sa yakap para harapin siya. Seryoso itong nakatingin sakin habang ang mata niya'y matiyagang naghihintay ng sagot.

"Are you pregnant?" ulit niya.

Marahan kong kinagat ang ibabang labi ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya. Pwede ko namang itanggi lalo na't hindi pa ako sigurado sa kalagayan ko. But the symptoms are freaking showing the truth.

"I-I don't think so.Paano mo naman nasabi?" sinamahan ko pa ng tawa ito iniiwasan ang seryoso niyang titig.

"Then you're finally in love with me that's why you're acting like that?" he said hopefully.

Hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako ngunit natahimik ako, naghahanap ng itatanggi kaya naman kinagat ko ulit ang ibabang labi ko. Matagal akong hindi nakasagot kaya hindi rin siya umimik.

Dumako ang tingin ko sa sahig nang hindi siya kumibo. Maybe, waiting for my answer.

"So?"

Umiling ako. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Alam ko sa sarili kong mahal ko siya pero hindi ko iyon maamin sa hindi ko rin malamang dahilan. Kumirot lalo ang puso ko.

"Then, you are pregnant" he said like he was so sure.

"Hindi ba dapat magpasalamat kana lang na ginagawa ko ang duty ko bilang asawa mo?" hindi napigilan ng boses ko ang pagtaas. Nakita ko ang sakit na dumaan sa kaniyang mukha na kaagad-agad napalitan ng galit.

"What are you? An actress? Hindi kita binayaran o binili para maging asawa ko. Pinakasalan kita para mapasakin ka! Para mahalin mo ako..."

Nagbadya ang mga luha ko sa sinabi niya. He's right, definitely right! Namumula na ang kaniyang mata. Samu't saring sakit ang gumapang sa akin lalong lalo sa puso ko. Ang bigat sa pakiramdam.

"Kung hindi mo ako mahal huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin! And stop acting as if you care dahil kahit na kasal na tayo, hahayaan pa kitang ibato sakin ang lahat ng masasakit na salita dahil hindi mo ako gusto! We can do something about that. Kaya ngayon huwag mong sabihin sa akin na ginagawa mo lang ang lahat ng ito dahil ginagampanan mo ang pagiging asawa mo sa akin. I will accept all your hate because I know I'm a jerk for dragging you in this marriage! But don't you ever push yourself to me just because it's your duty. Fuck! That's is fucking more painful! "

My tears started falling as I let him talk. As I let him confess what he's been feeling about us, lalong-lalo na ngayong linilito ko siya. Ang kaniyang mata ay nanatiling mapula. Ang dibdib niya taas-baba sa rahas ng kaniyang paghinga at dahil sa dami ng kaniyang sinabi.

I want to say I love him...so bad. Hindi ba ako ready dahil pa ako sure? No! Sure na sure na ako! Pero I can't. Hindi na ako nagsalita, I'm afraid I might hurt him if I talked more.

"Baby, you're hurting me" dagdag niya.

Umiling ito bago umalis sa harapan ko at pumasok sa banyo. Napaupo ako sa kinatatayuan ko. I covered my face with palms and cry more. Some other time, Chaze, I will let you know that I love you without any hesitation.

Inayos ko ang sarili ko nang may kumatok. Pinagbuksan ko at bumungad sa akin ang mayordoma.

"Handa na po ang hapunan" pagbibigay alam nito.

Tumango ako. Pansin ko naman na tumagal ang titig niya sa mga mata ko kaya naman umiwas ako at marahang isinara na ang pinto.

Inantay kong makapagready si Chaze para sabay na kaming kumain. I don't wanna be rude kahit alam kong nag-away kami. I wanna see him eat.

Nang marinig ko ang kaniyang mga yapak ay niready ko na ang sarili kong harapin siya. Napalunok ako nang lumabas siya nang nakaboxer lang. Is he seducing me?

"Uhh Chaze, the dinner's ready" I said nervously.

Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko na rin hinintay ang reaksyon niya o ang isasagot niya.

Hindi na ako magugulat kung hindi man siya sumunod sa akin pababa para samahan akong kumain dahil alam akong nasasaktan ko siya. Sino ba namang hindi masasaktan kapag nakikita mo ang taong nananakit sayo hindi ba?

Pero nasasaktan din ako...

Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan. To be honest, Dad traumatized me. Kaya ganito ang nadarama ko tungkol sa feelings ko sa kaniya. Kaya pareho kaming nasasaktan ngayon.

Bago ko pa maabot ang seradura ng pinto ay may yumakap sa akin mula sa likod. Alam na alam niyo kung sino.

"I'm sorry. I know I told you I'll wait but this past few weeks you had me excited about us so I thought..." bigo nitong sabi.

Hindi niya na tinuloy ang kaniyang balak sabihin at ibinaon na lamang ang ulo niya sa leeg ko. My heart race!

"It's alright, Chaze. Kasalanan ko rin naman"

"No, it's all my fault. I'm sorry, baby" malambing nitong bulong.

Tumindig ang balahibo dahil kasabay ng huling sinabi ay ang marahang pagbaba ng mga kamay niya sa tiyan ko. Chaze fucking Hailstorm is sure about the human growing inside and it almost had me in tears!

Maya-maya pa inaya niya na ako sa pagkain kaya naman bumaba na kami. Tahimik lang kami habang kumakain ngunit napapansin ko ang paninitig ng mga katulong sa bawat galaw namin. Lagi naman silang nakatingin sa amin ngunit ngayon kakaiba kaya naman binalingan ko sila.

Sabay-sabay naman itong nagsiiwas ng tingin. Is it about the fight? Narinig ba nila?

Pagkatapos naming kumain ay pumanhik na kaming dalawa sa kwarto. And Chaze is back again nga lang nilambing ako ng nilambing na para akong bata. I like it really...no, I love it but it makes me shiver everytime he called me baby because I feel like I'm not the one he's pertaining of.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang