E P I S O D E 40 - I M P L Y

5.3K 110 3
                                    

Chapter 40

Shara's PoV

Nagulat naman ako nang makita ang lalaking palangisi na nakilala ko sa elevator. Ngumisi ito sa amin ni Arthur, mukha kaming tanga sa postura namin. Napatingin ako sa kaniya at napating rin ito sa akin, nagkatinginan kami sabay humagalpak ng tawa. Tinulak ko siya habang tumatawa parin kami. Kadalasan ay ito ang reaksyon namin sa mga napapagkamalang may relasyon kami. Ghadd no!

"Hi!" kaway ko naman sa lalaki kahit na kanina ay ang sungit ko sa kaniya. Awkward naman akong napatingin kay Arthur na hawak hawak ang tiyan na mukhang nahihirapan na hinihingal na kakatawa habang nakaturo sa lalaki. Iba talaga ang tama nito kapagb sumusumpong.

"Hoy, okay na" hinampas ko ang kamay niya. Mabilis pa sa alas-kuwatro na umayos ito ng tayo at bumalik sa pagiging mysterious Arthur face. Namumula ang taenga nito. Bumaling naman ako sa lalaki na nakilala ko sa elevator. Ano ngang pangalan nito?

"Hi!" ngising tugon nito at pinakatitigan ang kasama ko. Siguro ay iniisip nito na baliw na ang kasama ko. O kaya naman ay ito ang oras para magkalovelife na ang friend ko.

Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil medyo nahiya ako sa sukatan nila ng titig. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Mabilis namang ngumisi ang lakaki at nilahad ang kamay kay Arthur. Medyo nanlaki ang mata ni Arthur at napatingin sa akin, namamanghas sa inasal ng bata. Nagkibit balikat nalang ako at ngumisi.

Gaya ng ginawa niya sa akin kanina sa elevator ay kinuha niya ang kamay ni Arthur para magkamayan sila. "I'm Darwin, nice to meet you!" ngisi niya parin kahit na awkward na awkward na ang isa. "Arthur" saad lang ng aking friend at binawi ang kamay niya.

"Nag-eenjoy ka ba rito? Pasensya kana, nasungitan kita kanina. I'm Shara, by the way" ngiti ko at hinarap siya. Akmang iaabot ko na ang kamay ko ngunit tumanggi naman ito at ngumisi na naman. Nasaan na ba ang magulang nito? Kahit matangkad siya ay bakas naman sa kaniyang mukha na bata pa siya at sa pananamit niya. Nakasuot ito ng stripe na tshirt na natack-in sa kaniyang slacks at nakabelt. Maputi ito at medyo magulo ang buhok, medyo hawig sila ng kung sinong manloloko.

"I know you, ikaw ang may-ari ng hotel and it was fine, I'm enjoying. Pero iyong kasama ko ata hindi eh" nagpanggap pa itong malungkot ngunit agad namang ngumisi. "Tinutukoy mo ba ang magulang mo?" tanong ko. Mukha kami nagchichikahan rito kung titignan kami sa malayo.

"What?! Do I look like a minor to you? Baka nga magkasing-edad lang tayo eh" saad nito na mukhang nainsulto sa sinabi ko. Iniwasan kong ngumisi sa reaksyon niya, para siyang bata talaga. Namimiss ko tuloy ang siraulo kong kapatid.

"Wala naman akong sinabi" pinilit kong kaswal na ngumiti. Pagtingin ko naman kay Arthur ay parang tuod lang itong nakatayo at nakikinig sa usapan namin.

"Ah sige na, aalis na kami ng babe ko. Enjoy, Darwin!" kumapit ako kay Arthur at pasimple siyang kinurot. Ngayon ko lang napansin ang buhangin sa damit ko. Nagpaalam nalang ako kay Darwin at hinatak na paalis si Arthur na ngumingiwi sa sakit ng kurot ko.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga katulong na naghahanda para sa hapunan. Kasama ko parin si Arthur, magrereport na naman kay Daddy kung anong nangyari sa araw na ito. Dito na sa mansyon naninirahan si Arthur dahil wala naman siyang uuwiang pamilya. Tumakas siya sa ampunan at napapadpad rito. May mangingisdang kumupkop sa kaniya ngunit namatay rin ito kaya naman siya ang pumalit rito at pinaglingkuran ang pamilya namin.

"Magandang gabi, Ma'am Shara" bati sa akin ng mga kasambahay. Ngumiti naman ako at bumati rin pabalik. Pagpunta ko sa kwarto ay naligo ako at nagpalit ng damit pantulog. Para isang bagsak nalang pagkatapos kumain. Chineck ko ang phone ko kung may text ba galing sa kapatid ko kaso wala naman.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now