E P I S O D E 1 8 - F O R G I VE

9.1K 202 2
                                    

Chapter 18

Shara's PoV

Alas otso nang gabi nang maihatid ako ni Callie sa bahay. Nagpasalamat ako sa kaniya at sinabihan ko siya tungkol sa kalagayan ng asawa niya. Tawa lang ito nang tawa dahil parang buntis na rin daw ako kung makaasal.

Dapat pala hindi nalang ako nagpahatid sa kaniya para bumili ako ng pregnancy test para malaman ko na rin talaga kung anong kalagayan ko. Oo, hindi pa ako handang maging isang ina pero kung nagdadalang tao nga ako hindi ko ito ipapalaglag o babalewalain ko nalang.

Naalala ko ang pangako noong kinasal kami ni Chaze, nangako akong pasasayahin ko siya. Then if he's happy with us having a baby, I'll make it with him.

Inaasahan ko nang wala si Chaze pagdating ko ngunit hindi ko parin maiwasang malungkot na wala pa siya. I missed him.

Kahit na sinabi na maghihintay siya sa tingin ko ay nasasaktan parin siya sa sitwasyon namin. Kaya bukas na bukas, aaminin ko na ang nararamdaman ko sa kaniya.

Kumain ako nang hapunan kasama ang mga kasambahay dahil mamimiss ko lang si Chaze lalo kapag ako lang mag-isang kumain.

"Ma'am Shara, buntis na po ba kayo?" tanong ng isa sa mga katulong. Si Karen, noong una ay inakala kong dalaga pa ito ngunit ng malaman kong may asawa't anak na siya ay nagulat ako. Wala sa kaniyang itsura.

" Uhm hindi ko alam pero balak ko na sanang magpacheck up the next day para makapag-ingat ako kung sakaling magkakababy na kami" sagot naman.

Hindi ko alam kung bakit bukas na bukas ako sa kanila samantalang sa mga kaibigan at asawa ko ay halos itanggi ko.

Natuwa naman ang mga matatatanda. Pinaulanan naman nila ako nang mga payo tungkol sa pagbubuntis kung ano ang dapat kong gawin at hindi ko dapat gawin.

Natuwa ako sa kanilang mga kuwento at paandar. Masigla ang hapag na nakalimutan na naming kumain. Pansamantala kong nakalimutan na nasasabik na ako sa pag-uwi ng asawa ko.

"Huwag niyo na pong antayin si Sir, Ma'am, mamaya pa ho ang uwi no'n" sabi ni Manang Fe.

Ilang oras na kasi akong nanonood ng TV dito sa living room para libangin ang sarili ko at para makaramdam rin ako nang antok. Kandong ko ang throw pillow na tumatakip sa tiyan ko. Bumuntong hininga nalang ako at tumango saka umakyat na sa kwarto para matulog.

Ilang saglit lang ay nakatulog na ako. Naalimpungatan ako alas dos ng madaling araw. Napasimangot nang wala parin sa tabi ko si Chaze. Bumaba ako para uminom ng tubig. Madilim na ang buong paligid kaya naman binuksan ko pa ang switch para makita ko ang liwanag.

Pagdating ko sa kusina ay binuksan ako ang fridge. Imbis na tubig ang kinuha ko ay gatas ang inabot ko nang makita ito. Hindi ko na ito isinalin sa baso at kinuha nalang ang buo. Binuksan ko ito at uminom nang konti, nang magustuhan ko ay dinala ko sa kwarto.

Pagdating ko sa kwarto ay nilapag ko muna ito sa table sa side ng kama. Kinuha ko ang phone ko ngunit wala man lang text or tawag galing sa kaniya. Bakit hindi pa siya umuuwi?

Me: Pauwi kana ba?

Me: I miss you

Me: Anong oras ka uuwi?

Me: Makakauwi ka pa ba?

Me: Nagdinner kana ba?

Me: I really miss you!

Nang hindi ako makuntento sa text ay tinawagan ko siya. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard nito habang tinatawagan ko siya. Nagriring naman ito ngunit hindi sumasagot ko. Nakalimang tawag na ata ako ngunit wala paring sumasagot.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now