E P I S O D E 1 5 - R E A D Y

9.9K 226 0
                                    


Chapter 15

Shara's PoV

Saka ko naramdam ang pagod pagkatapos naming magdinner. Maraming tinatanong si Chaze ngunit hindi ko naman masagot dahil idinadahilan ko ang pagod ko na totoo naman isama na rin ang mga nalaman ko kina Jane at Callie.

"Tell me something, huwag mo naman akong iwasan" bakas sa boses nito ang pag-aalala habang sinusundan ako sa walk in closet.

Kumuha ako nang damit ko at hinarap ko siya. His eyes lingered on my body intensely bago lumipat sa akin na ngayon ay may pagsusumamo na sa kaniyang mga mata. Halos makalimutan kong nakatapis lang pala ng twalya ang katawan ko.

"Tell me" pakiusap nito.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang siko ko. Hindi ko alam kung maiirita na ako o ano dahil kahit sa hapag ay pinaulit-ulit kong sabihin na pagod ako.

"I said I'm tired! Sasagutin ko ang tanong mo bukas. Now, let me go para makapagbihis at makatulog na ako!" medyo irita kong sagot. Bahagya naman siyang napabuntong hininga at pinakawalan ako.

Mabilis akong nagbihis pagkalabas niya. I badly need to sleep! Hindi ko alam kung anong kinapagod ko sa pag-uusap namin magdamagdag kasama ang mga kaibigan ko. Malamang mapapagod! Alas siyete na akong inuwi ng dalawa rito.

Pumasok na ako sa bedroom. Wala itong pang itaas na damit at jogging pants naman ang pangbaba. Nakahiga ito habang ang kanang kamay niya ang ginawa niyang unan, nakatingin lamang ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Tingin niya ba may ginawa siyang mali?

Napabaling naman ang tingin niya sakin at umayos sa pagkakahiga nang tumungtong na ako sa kama at nahiga. Napakakomportable at napakalambot nang kama ngayong antok na antok na ako.

"Goodnight" ani ko.

Hindi ito sumagot kaya naman umayos na ako nang higa patalikod sa kaniya at pumikit na. Hindi pa ako nakakatulog nang maramdaman kong pinadaan niya ang kamay niya sa likod ko para mapaharap ako sa kaniya. Hindi ko na iminulat ang mata ko dahil sa kagustuhan kong matulog sa halip ay niyakap ko na lamang siya.

"Goodnight" bulong niya.

Alas sais ng umaga ay nagising na ako. Mahimbing parin ang tulog ng katabi ko habang mahigpit na nakayakap na parang mawawala ako. Wala sa sariling napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

Iisa pa sana ako nang halik nang maramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko kaya naman kumalas ako sa kaniyang yakap. Hindi naging madali iyon dahil mahigpit kaya naman medyo nahampas ko na siya.

Tumakbo ako sa banyo at naduwal ako. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sakit na dala nito. Nang matapos ay pinunasan ko ang luha ko at nanatili sa puwesto ko upang kumuha nang lakas.

Nagulat naman ako nang makarinig ako nang paglagabog kaya naman napatingin sa pinanggalingan noon. Bumungad sa akin ang morning face ni Chaze na mukhang nag-aalala.

"What's the matter? Are you okay? Are you sick? Do you need anything?" sunod sunod na tanong nito. Pagod akong umiling kaya naman lumuhod ito para pantayan ako.

I covered the toilet and flush it. Umupo ako roon.

"Tell me, anong masakit sayo?" malambing nitong tanong. Bahagya itong lumapit sa akin at inabala ang magkabila niyang braso para abutin ang baywang ko.

"Nothing, sumuka lang ako. Masyadong marami yata nakain ko kahapon" sagot ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko habang inaaalala ko ang mga kinain ko kahapon.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now