E P I S O D E 4 2 -B L U E

4.8K 95 14
                                    

Chapter 42

Shara's PoV

Buong araw akong hindi lumabas ng mansyon habang si Mommy ang nagmamanage sa hotel. Hindi ko kayang harapin si Chaze lalo na't pinangungunahan ako ng takot na saktan niya ako. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ko ang mga salitang binitawan niya at hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit siya galit sa akin.

"You're not married? O baka naman ayaw mong malaman ng iba na kasal ka para malaya kang makapang-akit ng mayaman na lalaki para protektahan ang totoong mahal mo? Same old plan, Shara?"

"Fucking liar!"

Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang mga binitawan niyang salita. Saan siya humugot ng lakas para sabihin iyon sakin? Dapat ako itong galit dahil ako ang niloko niya. Ginawan ko pa nga siya ng pabor dahil ako na ang gumawa ng paraan para maging malaya siya, kaming dalawa. Na wala na siyang iisiping kasalanan ang ginawa niya at nang hindi na siya makonsensiya pa. Konsensiya? Hindi ko alam kung mayroon pa siya noon.

Kakatapos ko lang maligo at magbihis ng pangtulog. Buti nalang ay nagawa kong ngumiti kanina sa dinner kahit papaano. Ayokong sabihin sa kanila ang nangyari dahil ayokong mag-aalala sila at gumawa kaagad ng aksyon. Kailangan ko ulit harapin si Chaze pero hindi ko alam kung paano at kailan. Natatakot ako na baka saktan niya ako lalong lalo na't galit siya sa akin.

Hindi ko siya maintindihan. Parang nabaliktad ang sitwasyon namin.

Umayos ako ng higa at pinilit ang sarili na matulog. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok. Tumayo at tumingin sa wall clock bago pinagbuksan ang pinto kung sino man ang kumatok. Almost 11 in the evening.

Bumungad ang nakangising Jane, sa likod ay si Callie na nakahalukipkip lang at nakatingin kay Jane. "Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko. Inayos ko ang buhok ko at napatingin sa suot nila. Si Jane ay nakasuot ng red halter top and black fitted skirt with dark red heels. Pulang-pula ang labi nito habang nakaponytail naman ang buhok. Si Callie naman sa likod ay nakasuot ng pair of black ripped pants and dark red shirt with black coat on top. Sa itsura nila ay mukha silang teenager na gagala, hindi mo masasabi na may dalawang anak na sila.

"Surprise!" sarkastikong saad naman ni Jane na umirap pa. "What's with your outfit? Saan lakad niyo?" tanong ko naman. Tamad na mukhha ang pinakita sa akin ni Callie at tinuro si Jane. Kumunot ang noo ko. Nasaan ang mga anak nila?

"To have fun, of course! Kinuha kasi nina Mommy ang mga bata kaya naman naisipan kong pumarty muna with you" paliwanag naman ni Jane. Ngumisi ito at tinaas baba ang mga kilay niya, kinukumbinsi akong lumabas kasama siya.

"Ayokong uminom" maikling saad ko. Nababaliw lang ako kapag umiinom ako at nawawala sa sarili. Baka magising nalang ako sa kwarto ng ibang lalaki na walang damit at sabihan niya ako na asawa ko siya. Ano ba naman itong iniisip ko.

"Ugh! Ang boring mo halatang hindi pa nakakamove on!" giit niya pa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong connect? "Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko naman. Napahawak nalang ako sa hamba ng pintuan at pinakatitigan silang dalawa. Napabuntong hininga naman si Callie na mukhang hindi rin gusto ang trip ng asawa niya.

"Nakita ko siya kanina ah, kaya ba hindi ka lumabas at si tita Lorianne ang nakatoka sa hotel?" pang-aasar naman nito. Sinundot niya pa ang tagiliran ko. Napangiti nalang ako dahil parang nagbalik kami sa dati, miss na miss ko rin sila. Hindi naman masamang lumabas ako.

"I'm just tired, bawal na ba akong magpahinga?" pagdadahilan ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay, mukhang hindi naniniwala sa excuse ko. "Buong araw ka nang nagpahinga kaya naman, may energy kana ngayon. Ano, ayaw mo parin kundi kakalad-"

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now