E P I S O D E 4 1 - S A M E

5.5K 118 16
                                    

Chapter 41

Shara's PoV

"Just a second, Mr.Hailstorm" pilit na ngiti ko. Nangangawit na ang panga ko kaya naman tumalikod pa ako sa kaniya para pakawalan ang irap ko. Humarap naman ako kay Arthur na nakikichika lang.

Hawak ko parin ang bouquet. Para kaming mga namatayang tatlo rito dahil pare-pareho kaming nakangiti. Kundi namatayan ay para kaming sasayaw. Binigay ko sa kaniya ang bouquet. Saglit lang naman siguro ang meeting at mas mabuting ako na ang kakausap sa kaniya. Baka ito na ang oras para magkaroon kami ng closure para naman habang nandito siya ay wala ng bigat sa akin.

Kahit nakakainis ang pag-uugali niya. Inisip ko nalang na baka hindi maganda ang gising niya o kaya naman ganito siya sa mga nakakatrabaho niya. This is just a plain business pero bakit parang may galit siya sa akin. Naguguluhan ako, hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko.

"Pumunta kana muna sa mansyon at pakisabi kay Mommy na nandito na si Mr. Hailstorm. Pagkatapos nalang ng meeting tayo tutuloy, okay?" marahang saad ko sa kaniya. Tumingin na muna siya kay Chaze bago sa akin at tuluyan na siyang umalis. Humarap na ako sa kausap ko kanina kaya balik na naman sa pormal na ngiti.

"I'm sorry about that, Mr. Hailstorm. Please follow me to the-"

"I want to roam around the island, you see I'm not familiar into this place. You can tour me" putol niya ulit sa akin. Muntik na akong mapairap, kailangan ko lang ng pasensya at ganito naman talaga ito. Kung ano ang gusto niya pagpipilitan niya talaga. Be professional!

May asawa na ba siya o anak? Nagkatuluyan ba sila noong kahalikan niya o sila ni Camille? Ano namang pakialam ko roon? Closure lang naman kailangan namin, tapos.

"Yes, we can. I will just call someone to tour you aro-"

"No, I want you to tour me in this island while we're discussing about the activities and the venues" kaunting-kaunti nalang talaga. Tiis pa. Palagi nalang pinuputol ang mga sinasabi ko. Ginagawa pa akong alipin. Nakakainis!

"Alright, Mr. Hailstorm" pormal na saad ko. Napabaling naman ako sa mga receptionist sa front desk na halos humaba na ang leeg sa kausap ko. Napatingin rin naman ang kausap ko at nginitian niya ang mga ito. Tsk!

Nauna na akong lumabas ng hotel at ramdam ko naman ang pagsunod niya. Bago ko pa siya maidala sa kung saan ay sumulpot sa kung saan si Mommy nasa likod nito si Arthur na dala-dala ang bouquet saka ang paperbag para sa pagkain namin.

"Good morning, hijo. I am Lorianne Filton, I'm sorry I'm late. May inasikaso lamang ako sa aming tahanan" nakangiting saad ni Mommy na pormal pang nagpakilala sa lalaking nasa likod. Hindi ito sumagot kaya naman lumingon ako sa kaniya na nasa gilid ko na pala.

Hindi ko alam kung namangha ba siya kay Mommy o nagulat siya na buhay ito. Of course, ako rin hindi inasahan. Pero nagpapasalamat ako na buhay siya.

"I'm Chaze Hailstorm, Ma'am" nilahad niya naman ang kamay nito na kaagad namang tinanggap ni Mommy. Hindi man lang nagpakilala kay Arthur, pili lang talaga ang gusto niyang makilala. Sa bagay, kanina nga ay hindi na siya nagpakilala pero pagdating kay Mommy.

"So, what do we have in here? I'll be managing the hotel while my daughter's away with Arthur. So, we'll be talking to each other instead" may kasama pang halakhak si Mommy, pinapagaan ang atmosphere. Kaya naman kumilos na kaagad ako.

"Uh yeah, I'm sorry for that Mr. Hailstorm" pormal na saad ko. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Mommy. Matagal pa siya rito kaya naman makakapag-usap pa kami. Tsaka kailangan ko talagang pumunta kay baby baka magtampo sa akin. Kailangan ko siyang puntahan.

HE IS MY HUSBANDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα