E P I S O D E 8 - L I K E

12.6K 262 6
                                    

Chapter 8

Shara's PoV


Pagkatapos naming kumain ay masaya akong dumiretso sa kwarto ko. Ako na sana ang maghuhugas ng plato kaya lang nag-insist siya kaya pinabayaan ko nalang. Saka awkward kaya!

Kasi naman ang gwapo gwapo niya bigla. Well, matagal na naman na siguro siyang gwapo pero bakit sobrang gwapo niya ngayon?!

Baka nagayuma na ako!

Nakakabaliw!

Baka naman linagyan niya nang love potion iyong pagkain na ipinadeliver niya kanina habang nagkukulong ako rito sa kwarto ko!

NABABALIW NA TALAGA AKO!

Dahil sa lalaking 'yan! Kung anu-ano nalang pumapasok sa isip ko.

"Iligo mo nalang, Shara!"

Pagpupumilit ko sa sarili ko para makalimutan panandalian ang mga ginawa ko ngayong araw.

Ang pagsusungit niya, ang paghalik ko sa kaniya at ang paghingi niya ng tawad sa akin. The end.

Talaga namang nakakabaliw.

Ang plano kong paglimot ng panandalian ay nasira dahil sa kaniyang makasalanang mukha lalong-lalo na ang labi niya.

Hindi matanggal-tanggal sa utak ko ang mapungay niyang mata habang nakatitig ng mariin sa akin. Ang magulo niyang buhok!

ANG GWAPO!

Bakit pa lagi ko nalang siyang pinupuri ngayon? Buti nalang hindi niya nababasa isipan ko. Kung hindi, sobrang nakakahiya iyon!

Nakabathrobe ako na lumabas ng banyo ay dire-diretsong pumasok sa walk in closet. Kumpleto ito. Damit. Bag. Sapatos.

Nagmistulang kwarto na ito. May round couch ito sa gitna. Lahat ng klasi ng damit ay nandito. This is all my size.

This man can literally buy a human. Nabili na niya ako dahil rito sa mga paandar niya.

Lumapit ako sa vanity mirror at halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang buksan ko ang cabinet dahil kumpletong kumpleto talaga lahat ng gamit ko rito. Jewels, cosmetics...oh man.

Nagbihis na ako at pinigilan ko nang humanga rito sa walk in closet na ito. Sinuot ko ang short printed silk pajama.

Paglabas ko sa walk in closet ay halos mapatalon ako nang madatnan ko si Chaze na prenteng nagsecellphone habang nakahiga sa kama. Katulad ko ay nakasleepwear na rin ito.

"Ang tagal mo, matulog na tayo!", reklamo nito.

Tamad siyang tumingin sa akin at tinap ang gilid niya. Anong kahunghangan sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Sa-Saan ka matutulog?"tanong ko.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kabilang banda na malayo siya.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now