E P I S O D E 2 0 - N O T

9.5K 203 2
                                    

Chapter 20

Shara's PoV

Nagising ako nang makaramdam ako nang sakit sa aking puson. Parte ba ito ng pagbubuntis? Napapikit ako dahil talaga namang masakit. Maagang umalis si Chaze dahil nagpapatuloy parin siya sa pag-iimbestiga sa mga nagtatrabaho sa kaniya.

Nagising na ako kanina ngunit nang makaramdam ako nang hilo ay nagpahinga muna ako at tuluyan nang nakatulog. Pumasok ako sa banyo para umihi ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko.

May bahid nang dugo ang underwear ko. So, hindi ako buntis? Sa pangalawang pagkakataon ay naligo ako upang linisin ang sarili ko. Nang matapos akong magbihis ay bumalik ako sa kama at nanood nalang nang telebisyon.

Ilang oras akong natulala. Matatanggap ba ito ni Chaze? Ngayong malinaw na sa amin ang nararamdaman namin para sa isa't isa ay natuwa ako na ako sa pag-asang baka may buntis nga ako. Kaya ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kung nalulungkot ba ako dahil hindi ako buntis o nalulungkot ako dahil baka hindi matanggap ni Chaze ang resulta.

I called and texted him about this matter ngunit wala akong natanggap na reply o tawag mula sa kaniya. Napasandal ako sa headboard nang kama. Tumungo ako at ginamit pangsuporta ang tuhod ko habang ang mga braso ko ay nakayakap sa mga binti ko.

All of sudden, I feel so lonely. Wala si Chaze, wala si Dad...pero sina Jane at Callie nariyan naman sila diba? Inangat ko ang ulo ko saka mabilis na pinunasan ang luha ko gamit ang likod nang palad ko.

"Chaze..." wala sa sariling sambit ko sa pangalan niya. Natatakot ako.

Nagkulong ako sa kwarto buong hapon at sinabihan ko na rin ang mga kasambahay na dalhan nalang ako nang pagkain kapag oras na. Kumakain ako nang hapunan nang tumawag si Jane.

"Hello?" bungad ko.

"Hello, Kelly? Nasa trabaho ngayon si Callie, pupunta ako sa inyo para sunduin ka. Puwedeng dito ka muna?" saad nito na parang bata.

Agad naman akong pumayag dahil sa gusto ko ring lumabas ngayong oras na ito at gusto ko nang may makakausap ako. Maraming marami na ang natulong sa akin ni Jane, silang dalawa ni Callie, kaya naman gusto ko silang suklian sa pagiging napakabuting kaibigan nila.

Nagrequest pa nga ako sa kaniya na dito nalang sa bahay namin ngunit mas gusto niya raw sa kanila dahil ayaw niyang magkalat rito. Pinagbigyan ko naman dahil malakas talaga ang topak niya lalong lalo na't buntis siya.

"Are you okay? Kanina ka pa tulala" pansin ni Jane. Nandito kami ngayon sa kusina nang bahay nila at tinutulungan ko siyang magluto nang kung ano. Wala din naman akong karanasan sa pagluluto kaya naman nakatulala nalang ako.

"Baka nakakalimutan mo nang napakagaling ko sa larangan pagluluto!" sarkastikong sagot ko naman kaya natawa lang siya. Natawa nalang rin ako dahil nakakamiss din pala ang pagkukulitan naming dalawa.

Buong gabi akong tinuruan ni Jane sa pagluluto kaya naman hindi na namin namalayan ang oras hanggang sa dumating si Callie galing trabaho.

"Oh Shara, you're here?" takhang tanong naman ni Callie nang madatnan niya ako sa dining area. Tumawa naman si Jane at sinabi ang dahilan kung bakit ako present sa hapag nila.

"Alam mo naman si preggy girl ang daming nalalaman at sinundo sundo pa ako sa bahay" kuwento ko. Tumawa naman si Callie sa chika ko saka umupo sa hapag.

"Pagbigyan mo na ako! For your future inaanak naman, right?" saad ni Jane habang papunta sa amin dala dala ang ulam na inihanda namin. Mukhang narinig niya ang chika ko kay Callie kaya naman natawa itong isa at nilandi nang bongga si Jane.

"Stop flirting in front of me!" saway ko naman sa kanila kaya natawa ang dalawa. Para hindi na ako masuka pa sa kalandian nang dalawa ay pumunta nalang ako sa kusina para iserve ang iba pang niluto namin dahil mukhang landiin forevsss na ang dalawa.

Buong magdamag ay tawanan at kulitan ang ginawa naming magkakaibigan. Kagaya noong dati. Pansamantala kong nakalimutan ang nasaksihan ko kaninang umaga.

"OMG! It's almost 11 pm" halos maibato ko ang phone ko nang makita ko ang oras. Hindi pa naman ako nagpaalam kay Chaze! Excuse naman siguro ako dahil wala naman sa bahay. Kaya naman nagpahatid ako kaagad kay Callie pauwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong dinaluhan nang mga katulong. Kaya naman nagtakha ako sa kanila.

"Buti naman umuwi na kayo, Ma'am!"

"Nag-aalala na po si sir"

"Pagod na pagod po iyon pagdating kaya nang hindi po kayo nakita ay---"

"Tumigil na nga kayo! Mabuti pa Ma'am, umakyat na po kayo sa kwarto niyo dahil kanina pa po kayo hinahanap ni sir"

Tumango naman ako kina Manang na mukhang mga nag-aalala talaga kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto namin ni Chaze.

"Where have you been?" halos magtindigan ang balahibo ko sa lamig ng kaniyang boses kaya napayuko ako. Hindi ko siya sinagot kaya naman mas lalo akong kinabahan nang maramdaman kong lumakad siya papunta sa akin.

"Alam mo ba kung gaano nag-aalala sayo? Hindi ko nabasa kaagad ang mga text at tawag mo kaya naman ginawa ko ang lahat para makauwi kaagad. You're not fucking answering your phone! At halos mabaliw ako, only to find out you're with Jane and Callie. You should've informed me!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ang hikbi ko. Nanginig ang balikat ko sa pagpipigil. Tumulo ang luha ko na parang ulan habang nanatiling nakayuko. Natatakot ako na baka masaktan niya ako.

Napaangat nalang ako nang tingin nang marahan siyang bumagsak paluhod at niyakap ako. Napaatras ako sa lamig ng kaniyang kamay at ramdam ko ang panginginig nito. Ibinaon niya ang mukha niya sa tiyan ko kaya naman tuluyan na akong napahikbi.

"I-I'm sorry" saad ko nalang. Hindi ko alam kung saan ako nagsosorry. Sorry dahil hindi ako nagpaalam. Sorry dahil hindi ko sinagot ang tawag mo dahil nakasilent ang phone ko. Sorry dahil hindi ako nakauwi kaagad. Sorry dahil hindi naman ako buntis. Sorry dahil binigo kita. Sorry!

Naramdaman ko ang pagtingala niya kaya naman yumuko ako at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Pinunasan ko ang luha niya. Pagod, pag-aalala at takot ang pinaparating ng kaniyang kumikislap na mata.

"I'm not pre-pregnant. I'm sorry" huminga ako nang malalim dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Umiling siya at dahan-dahang tumayo. Ngayon ako naman ang nakatingala at siya naman ang nakayuko.

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang mainit niyang palad. Ang isang kamay naman niya naglakbay sa baywang ko at inangkin iyon. He kissed my forehead lovingly making me feel safe.

"I'm sorry for being rude. I'm not mad, I'm worried I might lose you kaya naman pagdating ko rito at wala ka ay kinabahan na ako. You're not answering your phone and damn it! I'm fucking worried about you. I'm sorry, alright? Forgive me, my baby"

Malumanay na paliwanag nito. Tumango naman ako at yumakap sa kaniya. I just need him. Okay na ako.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now