E P I S O D E 2 3 - W E A K

8.7K 176 3
                                    

Chapter 23

Shara's PoV

Nagising ako sa hindi pamilyar at puting silid. Nagpalinga linga ako at napagtanto kong nasa hospital ako. Anong nangyari?

Akmang uupo na ako nang napabaling ako sa pintuan at iniluwa si Chaze. Nagtama ang tingin namin. Bigla naman akong natakot kung paano siya tumingin sa akin na parang babalatan niya ako ng buhay. What really happened?

Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makaupo siya sa couch sa gilid ng hospital bed. Umayos na ako nang upo at akmang ibubuka ko na ang bibig para magtanong pero naunahan niya ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" malamig na tanong nito. Kumunot lalo ang noo ko at matalim siyang tiningnan. Ako pa talaga ang may hindi sinasabi? Bakit hindi niya kaya kay Camille itanong?

"Wala akong alam sa sinasabi mo" saad ko. Gusto ko nalang na matulog at kumain. I crossed my arms as I remember Camille's text. Ano na bang oras? Baka maglalunch na sila ni Camille. Ng kabit niya.

"Ito ba ang plano mo? Ang iwanan ako? Ang makipaghiwalay sa akin? That's why you always deny our baby when you're obviously pregnant! Ayaw mo na sa akin?" nagulat naman ako nang bigla nalang nanluha ang mga mata niya, halatang nasaktan sa mga binitawan kong salita kanina. More shockingly is I am pregnant?!

"I-I'm pregnant?" napahawak ako sa tiyan ko. Hindi na pinansin pa ang iba niyang sinabi ko. I bit my lower lip to prevent me from crying but I failed. I have a baby!

"Yes, we have a baby and please don't act like you know nothing about it. Mahina ang kapit ng bata, Shara. Our baby's weak" napabaling naman ako sa kaniya na umiiyak na rin. Nakasapo ang dalawa niyang kamay sa kaniyang ulo habang paulit-ulit na bumubulong ng 'it's my fault'.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtayo at pagdalo sa kaniya. I hugged him very tight. I'm not gonna lie that I miss him! I really miss him. His scent, his touch and his touch. I miss all of him.

"I'm sorry, m-my Dad is feeding me with his lies! Ang sabi niya ginamit mo lang ako at may iba kana, akala ko totoo na dahil sa mga texts na nabasa ko sa phone mo galing kay Camille" humihikbing paliwanag ko. Hoping that was the truth. Inaamin ko na papatawarin ko siya kapag ginawa niya, I was just scared that it will hurt me so much. I was just scared na baka kapag nabulag ako sa sakit ay magkamali ako sa mga desisyon ko. Na may mawawala sa akin.

"No, stop crying it's bad for you" pang-aalo niya sa akin. Kinalas niya ako sa pagkakayakap sa kaniya. He faced me and cupped my face. Pinunasan niya ang luha ko using his thumb. He kissed me lightly and immediately pulled away.

"We'll talk about this kapag maayos kana, alright? You need to be strong for our baby and stop crying, okay? We will clear things out but not now, my love" pagpapatahan niya. Punong-puno nang paglalambing ang boses niya. Hinalikan niya ako nang mariin sa noo. That sweet gesture made me close my eyes.

"I want to eat and I want to sleep" parang bata ko namang hiling sa kaniya. Ngumiti ito at hinalikan ako sa labi ng mabilis. Binuhat niya ako at inihiga sa hospital bed.

"What do want to eat?" malambing na tanong nito. I pursed my lips at tumingin sa taas upang mag-isip. Ano nga ba ang gusto ko?

"I like any food with chocolates and oh, I haven't eat my breakfast buy me a rice with sunny side up, bacon and pancake. And I want chocolates, really" natawa naman siya sa dami nang gusto kong kainin. Gutom na gutom na ako. Ilang oras ba akong nakatulog?

Tumayo siya at may kinuha sa mukhang table sa paanan ko. Oh, that's my breakfast. Inayos niya ang breakfast in bed ko at ang table saka ako hinalikan upang magpaalam para bumili. Habang kumakain ako ay natigilan ako nang maalala ko yung period ko. Now this is getting weird.

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now