E P I S O D E 4 - L E A V E

15.3K 305 1
                                    

Chapter 4

Naglakas loob akong pumasok sa school kahit na masakit parin ang 'ano' ko.

Oo, medyo masakit pero keribels lang.

"Hey Kelly! What happened?
Are you okay? Alam mo bang hindi ako makatulog nung isang gabi , wondering where you are at kung anong nangyari sayo?!"
bungad sa akin ni Jane nang makita niya ako.

Kinurot niya ako sa pisngi, tumawa lang ako dahil alam kong pinag-alala ko na naman siya.

"I'm still alive, okay? You don't have to worry about me!",ngumiti ako ngunit naglaro na naman sa isipan ko ang nangyari samin ni Chaze at ang desisyong ginawa ni Daddy.

Pinilit kong hindi umiyak. Mabuti naman at hindi traydor ang mga luha ko ngayon.

"Tara na nga, gaga! Inom pa kasi eh!",ngumiti nalang ako at inakbayan naman aki ni gaga.

Marami kinuwentong kabulastugan sakin si Jane hanggang sa makapasok kami sa silid namin.

Bumungad naman samin si Callie na hindi ko maipaliwanag ang mukha. Natatakot na nag-aalala na nakakita ng multo na parang natatae na nilalamig.

Anong nangyari sa lalaking ito?

Nagliwanag kaagad ang mukha niya nang mapabaling siya sa amin.

Tinanggal ni Jane ang pagkakaakbay niya sa akin dahil tumakbo papalapit sakin si Callie at yinakap ako ng mahigpit.

Miss na miss?

"Ayos ka lang ba?",paninigurado nito at sumulyap kay Jane na tahimik lang sa gilid namin.

Hinawakan niya ang dalawa kong braso at pinagmasdan niya ako na parang ang sagot ko ang pinaka-importante sa lahat.

"Of course! Promise hindi na talaga ako iinom ng bonggang bongga",itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang namamanata ako.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at itinaas ng dalawang beses ang mga kilay ko habang nakangiti.

Tumawa naman silang dalawa at inanyayahan na kami ni Callie malapit sa upuan niya dahil ilang minuto nalang dadating na ang professor namin.

Buong klase ay wala akong ginawa kung hindi ang isipin kung bakit ang drama ng buhay ko at kung ano ng mangyayari sa buhay ko ngayon.

Oo nga pala, aalis din naman na ako dito. Bakit ko pa kailangang mag-aral. Ito lang ang magandang benefit ng pag-aasawa ko ng isang lalaking rapist.

Nang magbreaktime na ay diretso kami nina Callie at Jane sa cafeteria pero sa totoo lang ayokong kumain dito. Nakakaurat na kasi ang pagmumukha ni Camille, lagi nalang akong ginugulo.

Mas maganda naman ako sa kaniya!

Siya lang naman kasi ang babaeng inggit na inggit sa akin.
Wala naman akong ginagawang masama.

Kasalanan ko bang maganda ako?

Sobra na ako ah.

"Kelly, what's with that ring?"
pare-pareho kaming natigilan sa pagkain nang biglang magtanong si Jane.

Parehong kuryoso ang dalawa habang tinitignan nila ang engagement ring na binigay sakin ni Chaze.

Nakalimutan kong suot ko pala ito.

Tumikhim aki at ibinaba ko iyon upang itago sa kanila. Kaso nakita na nila.

They're my friends kailangan nilang malaman.

"Umm...I'm leaving",kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Iyon lang ang tanging nasabi ko na lalong nakapagpaisip sa dalawa kong kaibigan.

Kumunot ang noo ni Jane habang nawalan naman ng emosyon si Callie.

Nakalimutan kong suot ko parin iyong singsing because it feels so comfortable in my finger.

Kinakal ko ang mga gamit ko pag-alis ni Dad. Isa-isa ko itong nilabas dahil baka may naiwan ako sa condo ni Chaze para kung may nakalimutan ako, pupuntahan ko nalang siya para may dahilan ako para sabihin sa kaniyang pumapayag na ako sa kagustuhan niyang magpakasal kami.

Puwede namang pumunta lang ako basta-basta pero hindi ko kayang gawin iyon matapos kong sabihin lahat ng mga masasakit na salita na totoo naman talaga.

Pero pareho lang rin naman iyon kahit na may naiwan pa ako sa condo niya diba?

Napakabobo ko naman.

Pero mukhang kakapalan ko talaga ang mukha ko dahil kumpleto ang mga gamit ko, sumobra pa yata dahil nandito rin ang singsing na balak niya sanang ibigay sakin kaso ayoko dahil nga galit na galit ako sa ginawa niya hindi ba?

Sino bang hindi magagalit?

Rapist siya.

Kinuha ko ang singsing at sinukat ko ito.

It's pretty cool.

Okay, aaminin ko gusto ko talaga itong singsing na ito. It reminds me of something.

At iyon na nga, ang pagsukat ko ay dinala ako hanggang ngayon.

"Kelly, are you listening? Why are you leaving?",napabalik naman ako sa kasalukuyan ng magsalita si Jane.

Kanina paba siya nagsasalita?

Ang kuryosong mukha ng dalawa ay nadagdagan ng pag-aalala dahil siguro sa pagtulala ko kanina.

"I'm marrying someone",and tears started pooling in my eyes.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari pero hindi iyong part na may nangyari sa amin.

Crying and desperately telling them what happened.

They deserve to know.

Kaibigan ko sila. 

I badly want to tell them what happened, gusto kong ilabas ang mga damdamin na kinikimkim ko kasi ayokong sumabog nalang bigla dahil sa sobrang bigat na ng pakiramdam ko.

"What? Yu-yung youngest Billionaire?", marahan akong tumango kay Callie.

Natahimik ito at parang may ibang iniisip samantalang si Jane ay walang katapusang pagpapagaan ng loob sa akin.

That's why I love them!

Tumahan na ako sa mahina kong pag-iyak at tinapos na ang drama ko sa dalawa. And another danger came in.

"Hey there, Shara"

Halos sabay kaming nagbuntong hininga ni Jane nang dumako samin si Camille. Bitch.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now