E P I S O D E 2 4 - C H A Z E

8.4K 201 3
                                    

Chapter 23

Chaze's POV

Halos magwala ako nang madatnan kong wala ang asawa ko sa hospital room. Tanging nurse lang na nagliligpit ang nadatnan ko. Shit! This can't be happening. Wala sa banyo at wala sa kahit anong sulok ng hospital.

"Sir, kakaalis lang po. Sinundo po siya nang tatay po niya"

Napapikit ako nang maalala ko na naman ang sinabi ng nurse na nadatnan ko. Fuck! Dapat hindi ko nalang siya iniwan. I drive as fast as I can papunta sa mansyon nila. Tumawag na ako sa bahay ngunit wala rin siya roon. Walang habas akong pumasok kahit panay ang harang sa akin ng guard sa labas.

"Where the hell is my wife?!" I shouted. The old man faced me, smirking. Wala akong pake kung siya pa ang nagpalaki sa asawa ko. This man is son of the devil! Papaanong nagagawa niya ito sa sarili niyang pamangkin . You read it right. Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang kapatid ng totoong ama nang asawa ko.

Sinira niya ang buhay ng babaeng mahal ko dahil sa kasakiman niya.

"Why? Iniwan kana ba niya, sa wakas? Sadly for you, she finally realize that you're just mistake" he said mockingly. Kumuyom ang kamao ko.

"Don't fool me, saan mo siya dinala?" humahakhak ito at umiiling iling. This motherfucker! Luckily I didn't brought my gun with me or else he'll be dead smiling.

"Relax, Hailstorm. If you really want to see my daughter, sign this" daughter? Tch. He handed me a piece of paper. Annullment. Mataman ko siyang tiningnan. He handed me a pen. The thought of her leaving me is painful as fuck not until I saw her signature in this bullshit paper.

I stared at those paper at ginawa ko ang nararapat kong gawin.

Shara's PoV

Tatlong araw na nakakalipas at miss na miss ko na si Chaze. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka nilalandi siya ngayon ni Camille pero may tiwala ako sa asawa ko kaya naman nakakalimutan ko na rin. Para sa akin naman kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'to.

"Anak, kumain kana. Naku! Masama sayo nagbababad sa TV" nag-aalalang saad ni Manang Fe. Tumango ako at pinatay ang TV. Hinayaan kong tawagin akong anak ni Manang dahil mas komportable ako at masarap pakinggan. Mas mabuti na iyon kaysa sa Ma'am.

Ngayong nandito si Manang kasama ko naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina. Inaalagaan. Napahawak ako sa tiyan ko na unti-unting umuumbok. Napangiti ako. Excited na ako sa paglabas mo baby!

Umupo sa tabi ko si Manang at nakingiti sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. "Naku! Mukhang sabik kana sa baby mo, anak!" inayos ni Manang ang buhok ko.

"Excited na nga po ako, Manang" ngumiti ako. Iniisip ko na kung anong magiging pangalan niya. Kapag lalaki ay Chris at kapag babae naman Shaze. Napangiti ako, sasabihin ko ito kaagad kay Chaze kapag nagkita na kami.

Nagkuwentuhan kami ni Manang tungkol sa mga bata. Galak na galak siya habang kinukuwento niya ang mga anak niya at kung paano niya unang nasilayan ang mga anak. Muntik na ngang maiyak si Manang dahil namimiss niya na raw ang mga anak. Inalo ko nalang si Maang. Ganoon pala ang pakiramdam na maging isang ina. Mas lalo akong na-excite makita si baby.

"Napasobra ata ako sa pagdadrama, kumain na tayo" natawa kami ni Manang sa sinabi niya. Kaya naman pumunta na kami sa hapag at kumain. Hindi na nagsalita pa si Manang habang kumakain kami. As much as possible ay sinabihan ko siyang huwag munang magkuwento tungkol kay Chaze dahil alam ko na mamimiss ko lang ito ng sobra. Baka hindi ako makapagpigil at dalawin ko siya sa office niya.

"Manang, ako na po maghuhugas pinggan" prisinta ko. Natututo na ako ng mga gawaing bahay kahit papaano. Minsan ayaw ni Manang dahil makakasama kay baby pero ayaw ko naman na wala akong gawin. Baka lumobo ako kung kain at tulog lang ang gagawin ko. Excercise na din namin ni baby.

"Oh siya, kaya niyo na iyan ni baby. Ngayon na kasi yung dramang gusto ko, manonood lang ako" excited na saad ni Manang. Natatawa ako sa tuwing nanonood siya ng mga drama, lagi niyang ipinaglalaban ang opinyon niy kahit hindi naman siya naririnig ng TV.

Naghugas ako saglit ng pinggan at pumasok sa kwarto para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng white tshirt at cotton shorts. Sinilip ko si Manang na seryosong nanonood, hindi ko na siya inistorbo at pumunta ng kusina para kumuha ng chocolates sa fridge. Nubayan! Konti nalang ang mga chocolates ko. Bibili na lang kami ni Manang, pero wala akong pera. Sad.

Nalulungkot na kinuha ko ang isang box ng Amedei Porcelana. May dalawang box pang natitira pero nai-stress na ako dahil apat na araw pa ako dito. Ito pa naman ang favorite ko! May teuscher pa naman pero hindi ko naman kasi favorite iyon eh.

Ngumuso ako at halos maiyak dahil sa kulang na chocolates. Pinuntahan ko si Manang na seryosong nanonood ng TV, umupo ako sa tabi niya at pinatong ang chocolates sa kandungan ko.

Bago ko pa kainin ang chocolate ay narinig ko ang doorbell. Napatingin naman ako kay Manang na busy sa panonood hindi ata narinig ang doorbell sa focus niya. Kumuha ako ng isa...dalawa...tatlo sa chocolate at nilapag ko sa tabi ko ang chocolate saka tumayo para tignan kung sino ang tao. Sino naman kaya? Si Daddy?

Pagbukas ko nang pinto ay bumungad sa akin ang isang gwapong nilalang. Nagtatakha akong tumingin sa kaniya.

"Chaze? Anong ginagawa mo rito?" takhang tanong ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang makita niya pero mabilis ring tumalim ang tingin niya sa akin nang magsalita ako.

"Why? Am I not suppose to be here?" naramdaman ko ang galit sa tono niya. Bakit siya galit?

"Oo, hindi ba dapat nagtatrabaho ka ngayon? Sabi ni Dad aalis ka raw ng bansa dahil may aayusin ka sa work mo within one week" paliwanag ko. Hindi naman nagbago ang galit sa kaniya. Hindi ko na kaya!

Walang pasubaling niyakap ko siya nang mahigpit. Niyakap ko ang mga hita ko sa baywang niya at ibinaon ko ang ulo ko sa leeg niya. Hindi ko alam kung bakit na naman ako umiiyak. Agad namang pumalupot ang braso niya sa akin.

"Miss na miss kana namin ni baby!" bulong ko sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang halik niya sa leeg ko papunta sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit nag-init bigla ang pakiramdam ko.

"I miss you even more, my love and our baby" he chuckled. Akmang ibababa niya ako nguniy hinigpitan ko ang kapit ko sa kaniya.

"Take me to bed" bulong ko. Inangat ko naman ang ulo ko nang maramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nang tignan ko siya ay namumula ang mukha niya hanggang sa taeng niya.

"Why?" I asked. Bumuka ang bibig nito para magsalita ngunit walang lumabas. Ipinalibot ko ang braso ko sa leeg niya bilang suporta. Tinignan ko lang siya, naghihintay sa sasabihin niya. Ngunit tumitig lang ito sa akin hanggang sa maabot niya ang labi ko sa labi niya. He kissed me. Pinalalim niya ang halik kaya naman buong buo akong tumugon na halos sabunutan ko na siya sa sarap ng halik niya.

Tumigil siya. Habol habol namin ang hininga habang magkadikit ang noo namin. "I love you" bulong niya at humabol pa ng isang halik. My eyes twinkle as repond "I love you too".

to be continued...

HE IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon