E P I S O D E 4 6 - F I G H T

Start from the beginning
                                    

Nanahimik ako at hinintay na dumaan ang apat na taon ngunit walang kasalang naganap. Pinapangako ko sa sarili ko na kapag hindi ko siya nakitang may singsing sa darili hihilain ko siya sa pinakamalapit na simbahan at papakasalan ko siya kahit ano pang suot o itsura niya. Wala akong pake. Ako parin ang asawa. I'm still his husband! Ako parin, walang saysay ang annullment namin kung ngayong mahal ko parin siya at baliw na baliw parin ako sa kaniya.

Nang mapapad ang kapatid niya sa Manila para sa binubuo nitong business ay walang pag-aalinlangan na nag-invest ako rito. Nakatulong ang investment ko dahil kalaunan ay hinabol na siya nang mga investors nang malaman ang isang Hailstorm ay sinuportahan ang kaniyang business. Tinulungan ko siya hindi lang dahil kay Shara kundi dahil sa husay at talino niya bilang isang businessman.

I didn't get a chance to meet him dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Si Darwin ang kanang kamay ko ang kaniyang nakakausap.

"Pure business, wala siyang tinatanong tungkol sayo at sarado palagi ang bibig niya tuwing makakahanap ako nang tiyempo para tanungin siya tungkol sa pamilya niya" report sa akin ni Darwin na nakadekwatro sa sofa at kumakain nang mansanas. If it weren't for his smart ass ay hindi ko siya tatanggapin sa akin. Masyadong malaro ang isang 'to at walang pakialam sa paligid. Panay pa ang ngisi.

"Then you're making it obvious" saad ko na nakadekwatro sa couch kaharap niya. Kinamot ko ang kilay ko gamit ang hintuturo ko habang iniisip kung paano ko makukuha ang loob nang kapatid niya.

"Not obvious, sadyang matalino lang siya at professional!" pagmamagaling na naman niya at kumuha na naman nang isa pang mansanas. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya kung hindi naglalaro ay kumakain ng kumakain. Hindi ko alam kung nag-aalaga ba ako o ano.

"Forget it! Mauna kana sa Batangas, did you already-?"

"Always ready!" putol naman niya sa sinabi ko kaya naman tinaasan ko siya nang kilay. "Joke lang, boss! Tapos na ho" ngisi naman niya at tumatangong kumagat nang mansanas. This shithole is weird as fuck.

Sa unang beses na pagkikita namin pagkatapos nang mga nakalipas na taon ay iniwan niya na naman ako para sa ibang tao. Yeah, that's my Shara. Always my Shara! Pinagpalit pa ako sa lalaking mukhang tuod. And that's what I think.

Her mother, tita Lorianne, is like his brother. Pure business. Ngunit napapansin ko na tuktok siya sa akin. Her eyes are telling me how mad she is and how curious she is. Hindi ko alam kung anong i-aakto ko kaya naman nagpakapormal ako.

"Woah! That's Lorianne Filton?" mangha namang saad ni Darwin matapos ang meeting. Kumunot noo lamang ako habang pinagmamasdan namin ang papalayong Mrs. Hindi na ako sumagot at nanguna papunta sa elevator para bumalik sa hotel room namin.

"That's her mother? Bakit parang ang bata pa?" hindi talaga makapaniwalang saad nito habang nakahawak ang hintuturo niya at ang hinlalaki niya sa kaniyang baba. Umiling-iling pa ito na nakatingin sa pinto nang elevator na para bang naroon parin si tita Lorianne.

"Let me remind you that she have her own family now. Kung wala siyang asawa ngayon ay hindi rin kita hahayaang maging manugang ko" seryoso kong saad sa kaniya. Tumawa siya habang pumapalakpak. Great! He look dumb. A fucking sea lion.

"Magaling magaling! Kasing edad ko nga lang si Ms.Shara eh, hindi rin naman ako makakapayag na maging anak siya lalo na ikaw" biglang seryoso niya at bumalik sa normal na para bang walang nangyari. Lunatic.

Napaupo ako sa buhangin matapos nang mga nalaman. Hindi ko alam ang nangyari at alam kong kasalanan ko lahat. Hindi ko dapat siya pinabayaan. I am so fucking stupid for not finding her. Sana ay ako nalang ang humanap sa kaniya. Masyado akong nagtiwala sa mga tauhan ako.

Yumuko ako at hinawakan ang batok ko gamit ang mga kamay ko. So fucking stupid! Pagkatapos ay ako pa ang galit?! Pagkatapos ay gagantihan ko pa siya?!

Napaling ako nang tumulo ang luha ko na parang ulan. Hindi matigil-tigil. Hindi ko alintana ang lamig ngunit ang sakit at panghihinayang sa puso ay unti-unti akong pinapatay. I didn't know! I didn't know!

Nanginginig ang kamay ko nang ihilamos ko ito sa mukha ko. Napakuyom ako at agaran na tumayo nang maalala ko si Camille. That motherfucking bitch! Ang lakas pa nang loob niyang gawin iyon sa pinakamamahal ko. Maswerte ka, Ben. Pinatay kita basta-basta dahil kung nabubuhay ka pa ngayon ay pahihirapan kita higit pa sa paghihirap na ginawa mo sa asawa ko, pahihirapan kita hanggang sa hindi kana makakibot pa dahil sa sakit na iniinda mo sa buong katawan na unti-unti kang pinapatay.

Naghalo-halo na ang lahat sa akin. Ang galit at poot sa mga taong naging dahilan para kamuhian ako nang mahal ko. Ang mga naging balakid sa relasyon namin. Hinding-hindi ko hahayaan na magkakalayo na naman kaming muli dahil sa mga taong ito.

"We're better without each other"

"We're better without each other"

"We're better without each other"

Napailing ako. Mas magiging matatag tayo kung pareho tayong lumalaban. I'll get this things done, Shara. Lalaban ako para sa atin, lalabanan ko silang lahat. Pagkatapos ay gagawin ko ang lahat para lumaban ka kasama ako. We can make the best of us together.We will win this fight. I promise.

Pagbalik ko sa hotel room namin ay sinalubong ako ni Darwin na may pagtatakha. Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang isang larawan.

"Go and kidnap her. Dalhin mo siya rito nang nakagapos ang buong katawan" utos ko saka pabagsak na umupo sa couch.

"Dead?" excited na tanong pa nito nang may nakakalokong ngisi.

"Papahirapan ko na muna siya" mabilis na saaad ko. Napapalakpak na naman ang sea lion at excited na lumabas nang hotel room.

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now