Chapter 40

13.9K 352 18
                                    

A/N: Hooooo! Konting-konti na lang, matatapos na talaga to! Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagbasa, bumoto and nagcomment sa story na to.

Mamimiss ko sila Allysa and Ashley T_T

Enjoy guys! Iloveyouall :* CIAO!

=============================================================================

ASHLEY'S POV:

PInagmamasdan ko lang sya habang nakaupong mag-isa sa tambayan. Sinabihan ko kasi si Kristal na papasukin ng maaga si Allysa para makapag-usap kami. Bakit hindi ako yung nagsabi sa kanya? Kase hindi ko kaya. Kase natatakot ako nab aka galit pa rin sya sakin dahil sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Sana lang talaga hindi pa huli ang lahat.

Napansin ko na bigla syang napaupo ng ayos ng makalapit ako. Napangiti naman ako dahil kahit hindi pa nya ko nililingon, may pakiramdam akong alam nya na ako yung papalapit sa kanya. Agad akong umupo sa tabi nya.

Ilang minunto na kaming magkatabi pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Rinig na rinig ko yung tibok ng puso ko dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Kanina ko pa sya gustong yakapin pero pinipigilan ko yung sarili ko. Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na yung nag-iisang bie ko.

Napalingon ako sa kanya ng makarinig ako ng impit na pag-iyak. Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng makita kong umiiyak na naman si Allysa. Umiiyak na naman sya dahil sakin. Wala na kong ginawa kundi saktan sya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit pero mas lalo syang umiyak ng ginawa ko yon.

"I'm sorry bie. I'm sorry" bulong ko sa kanya habang patuloy pa rin sya sa pag-iyak sa balikat ko.

Parang dinudurog yung puso ko habang naririnig ko yung paghikbi nya at nararamdaman ko yung pagtulo ng mga luha nya sa balikat ko. Kasalanan ko lahat to, kasalanan ko kung bakit nasasaktan si Allysa.

Nagstay kami sa ganung posisyon hanggang mahimasmasan sya. Pinahiran nya muna yung mga luha nya bago humarap at ngumiti sakin. Wala sa sarili na napangiti din ako. Ang tagal kong hindi nakita yang mga ngiting yan ni Allysa. Yung mga ngiti na nagpapalambot sa mga tuhod ko tuwing nakikita ko, yung mga ngiti nya na nagpaparambol sa mga paru-paro sa tyan ko tuwing nasisilayan ko. Yung ngiti ng kaisa-isang taong minahal ko.

"Hi bie" nakangiting sabi nya sakin.

Lalo naman akong nakaramdam ng guilt. Nagagawa pa nyang ngumiti sa taong nanakit sa kanya? Bakit ba ang bait-bait ng babaeng to?

"H-hey" nahihiyang sabi ko sa kanya.

"I missed you bie. Soooo much"

"Hindi mo lang alam kung gaano kita namiss bie"

"Nasabi sakin ni Kristal na gusto mo daw akong kausapin kaya sinabihan mo sya na papasukin ako ng maaga. Bakit hindi ikaw yung tumawag o nagtext sakin?"

"Nahihiya kase ko, at natatakot dahil baka i-reject mo lang ako"

"Bakit naman kita irereject?"

"Dahil nasaktan kita. Dahil ang sama-sama ko sayo."

"Shhh, hindi ka masama bie. Nasaktan ka din naman eh"

Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha ko. Kung nakinig lang ako sa paliwanag nya, hindi na sana kami parehong nasasaktan ngayon.

Masuyo naman akong niyakap ni Allysa at hinalikan sa noo.

"Bie tahan na please. Ayokong umiiyak ka, mas nasasaktan ako" malungkot na sabi nya sakin.

Agad ko naman pinahid ang mga luha ko.

"Bie, I'm sorry kung hindi kita pinakinggan. I'm sorry kung nagmatigas ako. I'm sorry kung nasaktan kita ng sobra. And I'm sorry dahil sa ginawa ko sayo kahapon"

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon