Chapter 21

14.7K 374 10
                                    

ASHLEY'S POV:

"Yey excited na ko!" narinig kong sigaw ni Kristal.

Ngayon daw kasi kami ililibre ni Allysa dun sa favorite daw 'namin' na kainan. Symepre hindi ko matandaan yun.

"Ash, sayo na lang sasabay si Allysa ha. Puno na kami dito sa kotse ni Lloyd eh" si Gab.

Yeah right, dalawa lang kami dito sa kotse ko. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi ko alam pero hindi ko mahanap yung dila ko. Hindi ako makapagsalita.

"Hmm bie, bat ang tahimik mo?" basag nito sa katahimikan.

"Huh?"

"Kasi dati araw-araw mo kong hinahatid sa bahay, tapos habang nasa byahe kwento ka ng kwento. Kaya lang ngayon, ang tahimik mo" sabi pa nito.

"Sorry ha, wala talaga kong matandaan sa sinasabi mo eh"

Malungkot na tumingin ito sakin.

"Ok lang bie. It's my fault anyway. I'm sorry" naiiyak na sabi nito.

Parang biglang may humaplos sa puso ng umiyak ito.

"Hush, wag kang umiyak, walang may kasalanan sa nangyari sakin" itinabi ko muna yung sasakyan.

"Pero kung hindi kasi ako umalis non---"

"Don't blame yourself ok?" lumapit ako sa kanya para punasan yung luha nya.

Hindi ko alam pero mas nasaktan ako nung nakita ko syang umiyak. This girl is really something. Alam kong mali pero masaya ako pag kasama ko sya.

Noon sya tumingin sa akin. Napatingin din ako sa mga mata nya. I don't know pero parang may nagsasabi sakin na I have to kiss this girl. I was about to kiss her ng biglang nagring yung phone nya.

Shoot! What the hell was wrong with me? Why would I kiss a girl? And for god sake, she's my friend.

"Ahm bie, andun na daw sila, hinihintay na nila tayo" nakatungong sabi nito.

Agad ko namang pinatakbo ulit ang sasakyan. Sinalubong nila agad kami pagdating namin.

"Hoy! Bat ang tagal nyo? May ginawa kayo no?" si Kristal

Napansin kong nakatungo pa rin si Allysa.

"Uh-oh, I smell something fishy" sabi naman ni Lindsey.

"Pwede ba guys, tigilan nyo kami, pumasok na tayo sa loob" sabi ko naman dito.

"Wooshoo, binabago yung topic. Ano nga, nagkaaminan na ba?"

"Shut up best! Anong pinagsasabi mo dyan. Lika na nga sa loob." Napalingon ako kay Allysa, nakatungo pa rin sya. Agad ko syang nilapitan at hinawakan sa kamay.

"Wag ka ng malungkot dyan. Lika na sa loob" magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob.

"Maybe this time, it'll be lovin' they'll find" narinig kong kanta ni Lindsey.

"Best, ang pangit ng boses mo kaya wag kang kumanta" sabay batok ko dito.

"Eh babe, what's with the holding hands ba?" tukso naman ni Kristal.

Agad ko namang binitawan yung kamay ni Allysa.

"Inakay ko lang sya papasok dito"

"Oh, so disabled si Allysa. Hindi kayang pumasok ng walang hahawak ng kamay nya?"

Napansin kong napangiti na si Allysa.

"Baka maligaw"

Lalong nagtawanan yung mga kasama namin kasama na si Allysa.

"Ano yan batang musmos? Nakakatawa ka best!"

"Tse! Kumain na lang tayo, nagugutom na ko."

Sabay-sabay silang tumayo kaya nagpaiwan na lang ako para magbantay ng mga gamit nila.

Nagulat ako ng biglang may mag-abot sakin ng pinggan na may salad and chicken.

"Eto, sabi mo kasi gutom ka na kaya ikinuha na muna kita."

"Salamat Allysa"

"Anytime bie. Sige kukuha lang ako ng pagkain ko don."

OMG! How can I resist that girl? She's so sweet. Alam kong mali pero nararamdaman kong there's something special about her.

"Huy! Best! Nakatulala ka dyan, kumain ka na! Gabi na nagdday dream ka pa!"

"Best, waley!" saka kami nagtawanan.

"Sino palang kumuha nyang pagkain mo, diba hindi ka naman tumayo?" tanong pa nito.

Noon biglang umupo si Allysa sa tabi ko. Nakangiting tumingin naman sakin si Lindsey.

"No need to answer best. Alam ko na kung sino"

Napatingin naman samin si Allysa.

"Sino ang?" tanong nito.

"Kung sino daw yung love ni best" tukso pa rin ni Lindsey.

"Ah" sagot nito. Wow ha, ang haba ng sagot nya. Halatang hindi interesado kung sino yung mahal ko. Ano pa nga bang ineexpect ko, eh may mahal naman syang iba.

"Gusto mong malaman Allysa?"

"Alam ko na" sabay kindat nya kay Lindsey.

Bigla namang nanlaki yung mata ko. Shoot! Alam nya? Pano?

"A-alam mo?"

"Joke! Nakakatawa yung itsura mo. Hahahaha" natatawang sabi nito. Sinimangutan ko silang dalawa at pinagpatuloy ang pagkain. Nakakabwisit lang talaga!

Hindi ko sila ulit tiningnan. Baka mapikon lalo ako sa kanila. Naiwan na naman akong mag-isa sa table. Andami kasing kinuha ni Allysa na pagkain. Hindi tuloy ako makatayo.

"Bie, galit ka pa?" nakangiting sabi nito sakin.

Inirapan ko lang sya. Pinakaba nya ko kanina ha. Nakakainis sya!

"Psst bie." tawag nya. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.

"O eto, peace offering" sabay abot nya sakin ng ice cream. Kumislap ang mga mata ko, green tea, avocado, mint. Yehey!

Nakangiti lang sya habang pinagmamasdan akong kumain.

"So bati na tayo?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Thanks bie" sabay kiss sa cheeks ko.

Oh my gosh! Feeling ko ako yung ice cream dito, matutunaw yata ako. Gosh Allysa, what are you doing to me?

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon