Chapter 7

16.2K 484 66
                                    

ASHLEY'S POV:

We're here in our room. Hinihintay namin yung prof namin for our first class. Pagdating nya ay biglang tumahimik lahat. Napansin ko din na parang may kasunod sya sa likod. And I think I know her. Napangiti ako ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"Class, I would like you to meet your new classmate, Kristal Chua."

Pumunta naman agad ito sa gitna. Pero napansin ko na sakin lang nakatutok yung mga mata nya habang nagsasalita.

"Hi guys! My name is Kristal Chua, I'm new here, but I'm also a part of the tennis team. And I have a really really cute trainer" sabay kindat nito sakin.

Naramdaman kong namula ako dahil nakatingin sakin lahat ng classmates ko. Napalingon din ako kay Allysa sa tabi ko. Nakataas lang yung kilay nya sabay irap sakin.

Nagulat na lang ako dahil biglang tumayo si Lindsey sa tabi ko at lumipat ng upuan. Wala na namang magawa yung bestfriend ko, alam ko kung anong ginagawa nya.

"Ms Chua, you may take your seat" sabi ng prof namin. At dahil bakante yung katabi kong upuan, malamang sa alamang, dito uupo sa tabi ko si Kristal. Great! Nararamdaman ko kasing may matatalim na matang nakatingin sakin. At kahit hindi ko lingunin alam ko kung sino yun.

Ngumiti sakin si Kristal bago umupo.

"I missed you babe" bulong nito, na narinig naman ng buong klase. Crap!

"Ms Trinidad, Ms Chua, mamaya na yung landian dyan, makinig muna kayo sa klase ko"

"Yes sir sorry po" nahihiyang sabi ko. Ngingiti-ngiti naman si Kristal sa tabi ko.

Noon biglang may nagtext.

"Best, wag kang lilingon sa kaliwa mo, baka bigla kang humandusay" si Lindsey.

Pero hindi ako sumunod, unti unti akong lumingon sa kaliwa ko at nakita kong parang umaapoy sa galit yung mata ni Allysa. Napayuko na lang ako.

"I told you best!" text pa ni Lindsey.

Pagkatapos ng klase ay sabay kaming naglakad ni Allysa papunta sa caf. Lunch na kasi at sanay naman kaming dalawa na magkasabay. Hindi pa rin sya nagsasalita kahit kumakain na kami.

"Bie, may problema ba?"

Tiningnan lang nya ako ng matalim.

"Bie? Ano na naman bang ginawa ko?"

"Wag kang maingay kumakain ako" cold na sabi nito.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Gab. Agad naman nitong hinalikan si Allysa sa cheeks. Ok nawalan na ko ng gana.

"Hi baby! Kumain ka na?" sweet na sabi ni Allysa.

Weirdo. Kanina ang cold cold tapos nahalikan lang ng boyfriend, naging sweet na.

"Hey," si Lloyd, kasunod pala ni Gab.

"Ok lang bang sumabay ako?" tanong nito sakin.

Tumango naman ako.

Bigla namang sumulpot sa kung saan si Lindsey at kasama pa si Kristal.

Umupo si Kristal sa tabi ko. Bale ganito yung positions namin.

Lloyd-Ako-Kristal

Gab-Allysa-Lindsey

"Hi babe! Dito ko sa tabi mo ha" bati ni Kristal.

"Ahm, Gab, Lloyd, Allysa, si Kristal nga pala, Kristal, mga friends ko" pakilala ko sa kanula.

"Kilala ko na sya, classmate natin sya diba?" masungit na sabi ni Allysa.

Ngingiti-ngiti lang naman si Kristal.

Hi, I'm Gab, Allysa's bf" pakilala ni Gab.

"Oh so you're the---aray!" tinapakan ko kasi sya bago pa nya maituloy yung sinasabi nya.

"Sorry babe, me and my big mouth" sabay bulong sakin ni Kristal.

"Ehem, ako nga pala si Lloyd, suitor ni Ashley" pakilala ni Lloyd.

"Oh, so ikaw yung karibal ko?" nakangiti pa ring sabi ni Kristal.

"Huh?" takang tanong ni Lloyd.

"I like Ashley kasi eh, and gusto ko din syang ligawan. Well, alam naman ng lahat ng tao dito kung ano talaga yung preference ko diba?" walang kagatol-gatol na sabi ni Kristal.

Halos maibuga ko yung iniinom ko. Tatawa-tawa lang si Lindsey. Jusko, imbes na tulungan ako, mas pinagtawanan pa ko ng lukaret na to. Napatingin ako kay Allysa, blangko yung expression ng mata nya. Pero nakatingin din ito sakin.

"Yeah, I know you Kristal" si Lloyd.

"So ok lang sayo na ligawan ko din sya?"

"Hindi naman ako yung magdedecide nyan" sabay tingin sakin.

Nakatingin sila saking lahat at hinihintay yung isasagot ko.

"C'mon babe, wag ka ng mahiya. Just tell them na papayag ka." Sabay kindat sakin ni Kristal.

Tumingin ako kay Lindsey na parang humihingi ng tulong. Agad naman nya akong naintindihan.

"Ahm Kristal, si Ashley kasi hindi yan nagpapaligaw sa girls. Ako kasi dati binasted nyan eh" sabi nito.

"Did I hear the word DATI? So meaning ngayon, may pag-asa ko?" nakangiti pa rin nyang sabi.

Tahimik lang ako dahil hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Ayoko namang ipahiya si Kristal sa mga tao dito.

"Babe, silence means yes " nakangiting sabi ni Kristal.

"Uhm," shet wala talaga kong masabi. Tss, bahala na. Bahala na si Batman.

"Yeah, ok lang Tal." Sabi ko sa kanya.

"That's my girl, thanks babe" sabay kiss sa cheeks ko. "So pano ba yan Lloyd, may the best suitor win"

Tumango naman si Lloyd.

"Maging fair ka, wag kang basta nanghahalik" si Lloyd.

"Nakakahiya naman sayo Lloyd, ikaw din naman diba basta mo hinalikan si bie! May hug pa nga diba?"  napatingin kaming lahat kay Allysa ng magsalita ito.

"Pero hindi ibig sabihin na gusto na rin kita para sa bie ko Kristal." Mataray na sabi nito.

"Don't worry Allysa, ako na lang yung magmamahal dito kay Ashley, total hindi naman sya kayang mahalin ng taong mahal nya eh" makahulugang sabi nito.

Natahimik na kami at kumain na lang ng lunch.

Hayy, ano bang gagawin ko? Help me pleaseee...

=============================================================================

A/N: so guys, kanino kayo? Kay Lloyd o kay Kristal? Comment na ^_____^

Salamat pala sa pagbabasa nitong 2nd story ko.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon