Chapter 3

18.3K 419 6
                                    

ASHLEY’S POV:

Agad kong tinabihan si Allysa pagpasok ko sa room. Nagsmile agad ako sa kanya pero inirapan nya lang ako.

“Bie, nagtatampo ko sayo, di mo ko cnongratulate” sabi ko sa kanya.

Agad naman nya akong tinaasan ng kilay.

“May nagcongratulate na naman sayo diba?” mataray na sabi nito.

“Eh syempre iba pa rin kung ikaw yung magccongratulate sakin”

“O talaga? Parang hindi naman tuwang-tuwa ka pa nga sa kanya diba? Nagpa-hug ka pa diba at kiss sa cheeks” galit pa rin na sabi nya.

“Bie naman, sya naman yung gumawa non diba? Hindi naman ako”

“Pero pumayag ka!”

Bigla akong napangiti ng malaki.

“Hmmm, nagseselos ka ba bie?”

Mas lalong tumalim yung tingin nya sakin.

“Bat naman ako magseselos sayo eh may Gab na ko?” Aray!

“Ok. Eh bat ka ba galit na galit? Diba kahapon lang pinipilit mo kong makipagdate sa kanya!”

“Ayoko na ngayon! Ayoko sa kanya”

“Bie, mabait naman si Lloyd.”

“Fine, magsama kayo!” galit na sabi pa rin nya sakin.

Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit.

“Wag ka ng magalit Bie. Malay mo sya na yung lalaki para sakin. At least pareho na tayong may lovelife”

Malungkot na tumingin sakin si Allysa.

“Sige bie, kung yan yung gusto mo” malungkot na sabi nito.

“Thanks bie! Bati na tayo ha!”

Ngumiti naman ito. Agad ko syang hinalikan sa cheeks.

“Thanks bie!  Love you!”

Nakita kong namula ito. Magsasalita pa sana ako pero dumating na yung prof namin. Ngingiti-ngiti lang ako dahil nahalikan ko si Allysa sa cheeks at hindi naman sya nagreklamo.

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam agad ako sa kanila.

“Best, Bie, alis na ko ha, hinihintay na daw kasi ako ni Lloyd sa may parking eh” paalam ko sa kanila.

Paalis na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Allysa.

“Yes bie?” takang tanong ko dito.

“Sasama na kami ni Gab. Ayokong masolo ka non, baka kung ano pang gawin non sayo” sabi nito.

“Aww, sweet naman ni bie. O sige lika na, nakakahiya naman kay Lloyd kung maghihintay pa sya ng matagal”

Pagdating namin sa parking lot ay kasama na ni Lloyd si Gab. Papaupuin sana ko sa harap ni Lloyd pero hinila ako ni Allysa sa likod. Si Gab na lang yung tumabi sa kanya sa harap.

“Bie, ang bad mo” bulong ko kay Allysa.

“Pano kasi bie, masyadong clingy yang manliligaw mo”

“Bie, hindi ko sya manliligaw, magkaibigan lang kaming dalawa”

“Pero gusto mo sya diba?”

Hmmm, gusto ko nga ba sya? Siguro bilang kaibigan, mabait naman si Lloyd, gwapo pa at gentleman.

Inirapan lang ako ni Allysa ng hindi ako sumagot. Pagbaba namin ay hinawakan nya agad yung kamay ni Gab at iniwan akong mag-isa. Tsss, hindi ko talaga maintindihan tong babaeng to.

Masarap naman kausap si Lloyd at nakakatuwa sya dahil madami din syang alam, at marami kaming pagkakaparehong dalawa. Tahimik lang si Allysa habang kumakain kami.

Paalis na sana kami ng biglang magsalita si Gab.

“Guys, icongratulate nyo din ako! Sinagot na ko ni Allysa!!” tuwang-tuwang sabi nito.

Noon ako nakaramdaman na parang may tumutusok na karayom sa puso ko. Ang sakit-sakit, pero hindi ako dapat magpahalata dahil kaibigan lang ako.

“Wow bro congrats!” masayang bati ni Lloyd.

“Congrats Gab! Wag mong papaiyakin yang kaibigan ko ha! Patay ka talaga sakin!” biro ko dito. Babatiin ko din sana si Allysa kaya lang hindi ito tumitingin sakin, nakayuko lang sya.

“Bro, ikaw galingan mo din yang panliligaw dyan kay Ashley ha, baka maunahan ka pa. Alam mo naman kung gaano karami yung manliligaw nyan” biro ni Gab kay Lloyd.

Tumingin lang sakin si Lloyd at ngumiti. Nagsmile na lang din ako sa kanya. Pagkahatid nya samin sa school ay agad akong sumakay sa kotse ko at dali-daling umalis. Kanina pa ko naiiyak. Ang sakit pala talaga pag nalaman mong may ibang mahal yung mahal mo. At alam mong masaya sya sa piling ng iba.

“Ang hirap-hirap mong mahalin Allysa, ang sakit-sakit na”

Natulog akong may luha pa rin sa mga mata.

Maaga pa lang kinabukasan ay nasa school na ko. Inayos ko rin ang sarili ko para hindi halatang umiyak ako. Nakaupo ako sa may bleacher ng gym ng biglang may tumabi sakin.

“Best, lalim ng iniisip mo ah” si Lindsey.

“Napagod lang ako sa match kahapon best!” pagsisinungaling ko dito.

“Nga pala, balita ko si Allysa and Gab na”

“Yes best! Kagabi lang, tuwang-tuwa nga si Gab e”

“Talaga?! Sa wakas natupad na yung pangarap ni Allysa”

“Oo nga eh, malungkot lang kasi hindi na sya masyadong makakasama satin. Alam mo na, may boyfriend na eh”

“Oo nga no! eh kayo ni Lloyd kamusta?”

“Ayun mukha naman syang mabait, tapos maginoo pa, sweet pang kausap.”

“So gusto mo na sya?”

Umiling-iling lang ako.

“Best, pwede ka bang maging honest sakin?”

Kinakabahang napatingin ako dito.

“What do you mean?”

“Alam mo naman na safe yung secret mo sakin if ever diba? Hmmm, napapansin ko lang naman to ha, may gusto ka ba kay Allysa?”

Maang na napatingin ako sa kanya. 

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon