Chapter 28

15.7K 371 11
                                    

A/N: Guys sorry ha, ngayon lang ulit ako nakapag-update. Sumama kasi yung pakiramdam ko kanina kaya natulog muna ako. Pero ok na ko ngayon. Try ko ulit mag-update later.

============================================================================

ALLYSA'S POV:

"So kayo na?" halos sabay na tanong nila Kristal at Lindsey.

Nakwento ko na kasi sa kanila yung nangyari kahapon. Sila din kasi yung nagsabi kahapon na puntahan ko at kausapin si Ashley.

"Siguro" sagot ko sa kanila.

Halos sabay din nila kong pinagtaasan ng kilay.

"Nag I love you sya, nag-I love you too ka, so malamang kayo na" si Lindsey.

"Huh? Ganun ba yun? Diba dapat tatanungin pa nya ko kung payag akong maging girlfriend nya? Diba ikaw noon Kristal, sinabi nya sayo na sinasagot ka na nya kaya naging official kayo diba?"

Nagkatinginan naman yung dalawa.

May point naman kasi ako diba? Hindi naman porke nagsabihan na kayo ng I love you eh kayo na agad. Pano kung mahal nga nya ko pero hindi naman nya ko gustong maging girlfriend?

"How about the kiss?" tanong ni Kristal.

"Normal lang naman yun diba? Saka hello tal, nauna nyang ninakaw yung 1st kiss ko no!"

"So anong plano nyo ngayon?"

"Ang plano ko, maghintay na tanungin nya ko kung gusto ko syang maging girlfriend, yung plano naman nya, hindi ko alam."

"Ang arte-arte mo Allysa! Ang dami mong gusto. Pag ako nainis sayo aagawin ko ulit si babe"

"Tama, ako din, pwede ko ulit ligawan si best"

Tiningnan ko sila ng masama.

"Subukan nyo lang" naniningkit na yung mga mata ko sa kanilang dalawa.

"O anong gagawin mo?"

"Basta hindi nyo magugustuhan yung gagawin ko" (insert evil smile)

"Gosh! Scarrrrryyyyy" sarcastic na sabi ni Kristal.

"Ah ayaw nyo talaga kong tigilan ha!" nagulat ako ng biglang tumakbo yung dalawa. Agad ko naman silang hinabol. Paliko na sana ko sa may gate ng school ng biglang may tumawag sakin. Agad ko naman itong nilingon.

"Hi" nahihiyang sabi nito.

"Uy, Gerald, hi" nakangiting sabi ko naman dito.

"Mukhang masaya ka ah"

"Sobra"

"Hmm, dahil ba yan dun sa taong mahal mo na sinabi mo sakin kahapon?"

Tumango lang ako.

"I'm happy for you Allysa. Sige una na ko, may klase pa ko" yun lang at umalis na ito.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya habang nakangiti.

"Ganda ng ngiti mo ah! Baka gusto mong sundan na lang sya" nagulat ako ng biglang may magsalita sa tabi ko. Pero mas lalo lang lumapad yung ngiti ko ng makilala kung sino yung nagsalita.

"Bie!" nakangiting bati ko dito.

Tiningnan nya lang ako pagkatapos ay lumakad na palayo sa akin. Agad ko naman syang hinabol.

"Hoy bie, anong drama yan?" tanong ko dito ng makarating kami sa tambayan.

Hindi pa rin kasi nya ko pinapansin. Napatingin naman samin yung apat pagdating namin.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon