Chapter 9

16.7K 406 22
                                    

A/N : sa wakas, after ko tumulala maghapon, at kumanta-kanta ng parang baliw. natapos ko na din tong chapter 9 sa paraang gusto ko. ilang beses ko to inulit-ulit. 

salamat sa isang magaling na writer na nagsabi sakin na relax relax lang, makakapag-isip din ako ng maayos. dahil dyan, sayo ko dndedicate tong chapter na to. 

================================================================

 ASHLEY'S POV:

"No no, confused ka lang Ash, hindi totoo yan" malungkot na sabi ni Lloyd. Sinabi ko na kasi sa kanya na tigilan na nya yung panliligaw dahil wala naman syang pag-asa.

"Lloyd, I'm really really sorry. Hindi ko talaga kayang pilitin yung sarili ko na mahalin ka"

"So si Kristal na talaga?"

Tumango na lang ako.

"I'm sorry" pahabol ko pa dito dahil bigla na nya kong iniwan sa gym.

Agad namang lumapit si Kristal.

"Babe? What happened?" nag-aalalang tanong nito.

"Wala, nasaktan lang ako kasi kailangan kong sabihin kay Lloyd na wala na syang pag-asa." Naiiyak pang sabi ko.

"Dahil ba kay Allysa?" malungkot na tanong nito.

Umiling-iling ako.

"Dahil sayo" bulong ko sa kanya.

Biglang nagliwanag ang mukha nya.

"Anong sabi mo?" masayang tanong nya.

"Wala na, isang beses lang dapat sasabihin yun, walang ulitan"

"Babe naman eh, dali na please"

"Hmm, binasted ko na si Lloyd kase may pangit akong sasagutin."

"Sinong pangit babe?" nanuksong tanong nito.

"Eh di yung nagsabi sakin na bakit ko kailangang iyakan yung isang tao kung wala din namang pakelam yung sakin"

"Eh babe, hindi kaya pangit yung nagsabi sayo non, dyosa!" abot hanggang tenga na yung ngiti ni Kristal.

"Dyosa yer fes!"

"Kaya nga nainlove ka diba?" sabay kindat pa nito.

"Whatever BABE" nakangiting sabi ko dito.

Bigla na lang nya akong niyakap at hinalikan sa labi.

"I love you babe! I really do"

"I love you too babe. And thank you for coming into my life" nakangiting sabi ko dito.

Pagpasok namin sa classroom at tampulan na agad kami ng tukso dahil hawak-hawak ni Kristal yung mga kamay ko.

"Asus, ano yan HHWWPSSP?" si Lindsey.

"Like what's that best?" nakangiting tanong ko dito. Masaya ako dahil natutunan ko din mahalin si Kristal.

"Holding hands while walking, pa sway sway pa" natatawang sabi nito.

"Yeah right best!"

"So ano na nga? May gusto ba kayong sabihin samin?" tukso pa nito.

"Hmm, kami na?" mahinang sabi ni Kristal.

"Hindi ko marinig." Si Lindsey

"Sabi ko sinagot na ko kanina ni Ashley" nakangiting sabi ni Kristal.

"Ayun o! best, sa babae ka din naman pala babagsak sana sakin na lang"

"Hoy lumayo ka dyan sa babe ko! Tigilan mo yan! Sakin lang yan!"

"Woooot wooooot! Madamot ka Kristal! MADAMOT!"

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon