Chapter 20

15.4K 391 7
                                    



ALLYSA'S POV:

"Allysa, bakit ka umalis non? Bat mo kami iniwan?" gulat na napatingin ako kay Ashley. Kahit yung mga kasama namin sa table ay napalingon din dito.

"Bat mo natanong?"

She shrugged her shoulders.

"Wala lang, naisip ko lang, kasi diba close tayo noon, tapos bigla kang umalis. Bakit?"

Malungkot na ngumiti ako sa kanya.

"Kailangan ko kasing samahan si Mama na magpagamot sa states, dapat 1 month lang yun, kaso kinausap ako ng doctor na kailangan nila obserbahan si Mama so yung 1 month, naging 1 year. And bukod don, gusto ko din kasing umiwas non"

"Umiwas saan?"

Nagkatinginan kami ni Kristal.

"Kase babe, yung mahal nya non, akala nya may ibang mahal" sabi nito kay Ashley.

"Oo nga, pano kasi pareho nilang tinago yung feelings nila sa isa't-isa" singit naman ni Lindsey.

"Kaya ayun, hindi nila alam, pareho na silang nasasaktan." Si Kristal.

"At ang nakakatawa pa, nagpumilit yung dalawa na ibaling yung nararamdaman nula sa iba kaso hindi nila nagawa." Si Gab.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin samin si Ashley. She's so cute.

"Wag mong pansinin yang mga yan bie. May mga topak yan eh"

"Eh sino ba kasing iniiwasan mo?"

"Sasabihin ko sayo babe, basta treat mo ko" sabay kindat ni Kristal.

Pinanlakihan ko sya ng mata.

"What?" nakangiting tanong nito sakin.

"Ako na lang manlilibre"

"Vikings?"

"Whoa! Ang mahal don ha!" natatawang sabi ko.

"Eh mahal mo naman kaming lahat diba lalo na si-----"

I cut her off. Ang galing mamblackmail.

"Fine! Sa Friday, magpapareserve ako"

"Yes" sabay-sabay na sabi nila.

"Pero sino nga kasi yung iniiwasan mo?"

Ay hindi pa rin pala tapos yung topic na to Ashley.

"Wala, nakalimutan na rin naman nya ko eh."

"Eh bat ayaw mong paalala sa kanya?"

"Mas gusto kong sya yung makaalala"

"So mahal mo pa sya hanggang ngayon?"

Napansin kong nakatingin silang lahat sakin at naghihintay ng sagot.

"Yes, mahal na mahal ko sya hanggang ngayon" malungkot na sagot ko.

ASHLEY'S POV:

Bat parang nasaktan ako nung sinabi nyang may mahal syang iba? This is wrong. Hindi ko dapat nararamdaman to. She's just my friend, nothing special. Pero there's a part of me na umaasa na sabihin nya kanina na hindi na nya mahal yung taong yun.

"Hey Ash, lika na, male-late na tayo sa klase" sabay hila sakin ni Lloyd.

Wala pang tao sa room nung dumating kami.

Malungkot na umupo lang ako sa upuan ko. Si Lloyd and Lindsey pa lang yung kasama ko.

"May problema ka ba Ash?" tanong ni Lloyd.

Umiling lang ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasaktan ako sa sinabi ni Allysa kanina.

"Parang alam ko na kung bakit nagkakaganyan yan" si Lindsey.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon