Chapter 11

16.2K 360 15
                                    

A/N: Eto na po yung update, pasensya na po kung medyo natagalan. na-blangko kasi ako kahapon eh. try ko ulit mag-update mamaya. 

Enjoy :D 

 =======================================================================

ALLYSA'S POV:

Ready na kong sabihin kay Ashley kung ano talaga yung nararamdaman ko. Matapos kong magmuni-muni ng bongga kagabi. Kakayanin ko to.

Maaga pa lang ay nasa school na ko. Kailangan ko pa kasing mapractice yung sasabihin ko eh.

Nandito ako ngayon, mag-isa sa tambayan. Hinihintay kong dumating si Ashley.

Pano ko nga ba sasabihin?

Bie, may sasabihin ako sayo, mahal kita pero hindi bilang kaibigan lang. Mahal kita at gusto kitang maging girlfriend. Aish! Masyado naman yatang mabilis yun!

Eto lang.. Bie, alam mo naman kung gaano ka kahalaga sakin diba? Magagalit k aba kung sasabihin kong mahal kita romantically? Tsss panget panget!

Hi bie, I know that this is so hard to believe pero I'm inlove with you. Pinilit kong pigilan kaso wala eh, mahal talaga kita. Aish hindi rin to! Panget!

"Bie?" nagulat ako ng biglang may tumawag sakin.

Kinakabahan akong lumingon dito pero agad ding napalitan ng pag-aalala ng makitang umiiyak ito.

"Bie, anong nangyari? Bat ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Bie, si best...."

"OMG anong nangyari? Buhay pa ba sya? Sang ospital sya dinala?"

Nagulat na lang ako ng bigla syang napatawa. Aish, bipolar yata to eh. Iiyak tapos tatawa, extreme change of mood, check! Isa yun sa sign na bipolar sya.

"Alam mo bie, iba ka talaga! Kahit super lungkot ko na, nagawa mo pa kong patawanin."

"Eh ano ba kasing nangyari talaga? Yung iyak mo kasi para kang namatayan eh"

"Kasi nga si best, kinausap ako kanina, inabangan ako sa gate, tapos..."

"Tapos?"

"Excited ka ba bie? Nakita mong kumukuha pa ko ng lakas ng loob para sabihin sayo eh"

"Serre bie, hahaha, eh kasi naman nakakatawa yung itsura mo, mukha kang nalugi eh, o sige hulaan ko ha, don't tell me sinabi sayo ng bestfriend mo na type ka nya, so cliché ha!"

Maang na napatingin sya sakin. Hindi sya makapagsalita na parang tama yung sinabi ko.

"OMG bie, don't tell me?"

Naiiyak na tumango ito. Bigla kong naramdaman na parang bumigat yung pakiramdam ko, yung parang tinutusok ni Jollibee yung puso ko. Wahhh, naunahan pa ko. Tsss.

"Yes bie, nagtapat sya sakin kanina. Sabi nya sana daw hindi magbago yung tingin ko sa kanya. Wag daw akong umiwas. Gusto lang daw nya kasing malaman ko kung ano talaga yung nararamdaman nya para sakin."

"Anong sabi mo bie?"

"Sabi ko hindi naman issue yung gender nya and nararamdaman nya sakin, bata pa lang magkasama na kami kaya hindi ko naman pwedeng itapon yung pinagsamahan namin."

"Do you love her bie?" malungkot na sabi ko.

"Of course I do" ouch. "Pero hindi romantically. She's like a sister to me, sya yung lagi kong kasama simula pa noon."

Nagliwanag bigla yung mukha ko.

"Pero pwede mo naman syang matutunang mahalin diba."

"Nah, I don't think na pwede akong mainlove sa kanya."

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon