Chapter 25

14.5K 361 16
                                    

A/N: Sorry guys kung medyo hindi maganda tong update na to. distracted ako sa fes ni Michelle Gumabao eh. nakatitig lang ako sa kanya habang nagttype.

====================================================================

ALLYSA'S POV:

"O nagkaaminan na kayo nung isang linggo diba? Eh bat parang ang layo-layo nung isa sayo?" tanong sakin ni Gab.

"Nagkaaminan ka dyan. Eh tungkol nga sa project yun diba?" sagot ko naman dito.

"Asus, kami pa ba lolokohin mo Allysa?" natatawang sabi naman ni Lloyd.

"Eh bakit nga ba umiiwas sayo yung isa?" tanong pa rin ni Gab.

"Aba malay ko, iniiwasan nga ako diba? Papano ko malalaman?"

"Eh bat ayaw mong tanungin?"

"Ni hindi nga nya ko tinitingnan diba? Kausapin pa kaya!"

"Eh bat parang ok lang sayo?" nagtatakang tanong nila.

"Pano kasi nakwento ni Kristal and Lindsey yung confession ni Ashley. Na mahal na nga daw nya ako ULIT. Tapos naguguluhan daw sya kasi daw what if bumalik na yung ala-ala nya tapos mawala daw yung nararamdaman nya sakin ngayong may amnesia sya. At bigla daw bumalik yung pagmamahal nya dun sa dating mahal nya, which is ako rin naman diba. Ayun nga, ayaw daw nya kong masaktan" paliwanag ko sa kanila.

"Nakakatawa kayong dalawa. Ang aarte nyo. Girls girls girls and their drama sa buhay" natatawang sabing ni Gab.

"So ok lang sayo na hindi ka nya pinapansin?"

"Malamang hindi ok sakin. Miss na miss ko na kaya sya."

"Gusto mo bang tulungan ka namin na pansinin ka nya?"

"Nako kung paselos-selos na naman yan, wag na no! Dyan nagsimula lahat!"

"Hindi yun! Basta trust us" ngingiti-ngiting sabi nung dalawa.

Tss ano na naman kayang pinaplano nung dalawang yun.

Kasalukuyan kaming kumakain lahat ng lunch ng biglang tumabi ulit sakin si Gab.

"Ready?" bulong nito sakin.

Ready saan? Eh hindi naman nila sinabi sakin kung ano yung plano nila no!

"Psst, Ashley, dito ka muna sa tabi ko may tatanong ako sayo." Narinig kong sabi ni Lloyd.

Lumingon naman dito si Ashley.

"Bat hindi dito? Ikaw may kailangan diba? Ikaw lumapit!" mataray na sabi nito.

"Bat ba ayaw mong lumapit dito? Dahil iniiwasan mo tong si Allysa?" derechong tanong ni Lloyd.

Napatingin kaming lahat kay Ashley.

"Wala akong iniiwasan" matabang na sabi nito.

"Talaga? Eh halos 1 week mo ng hindi kinakausap si Allysa diba?"

"Big deal ba yun?" sabay irap nito.

Natatawa lang ako dahil alam ko naman yung dahilan ng pag-iwas nya.

"Fine!" sabi nya sabay tumabi sakin. Nagulat na lang ako ng may maramdaman na bakal sa kamay ko. Really posas? Cliché!

"What the hell? Ano to Lloyd?" sigaw ni Ashley.

"Tatanggalin lang namin pag ok na kayo ni Allysa"

Tumingin sya sakin.

"Alam mo ba tong plano na to?" tanong nya sakin.

Umiling ako. Totoo naman diba? Hindi ko naman alam na eto yung plano nila.

"Tanggalin nyo na to please" pagmamakaawa ni Ashley.

"No! mag-usap muna kayo!"

Tatawa-tawa naman sila Kristal at Lindsey. Sabay-sabay silang umalis na apat.

"Hoy De Leon, tulungan mo naman ako, sabihin mong tanggalin na nila to"

"Ayoko nga!"

Tumingin sya ng masama sakin.

"At bakit?"

"Dahil iniiwasan mo talaga ko!"

"Hindi kita iniiwasan!" sabi nito na hindi tumitingin sakin.

"Tingnan mo nga ni ayaw mo kong tingnan" sabi ko sa kanya.

"Hindi totoo yan! Wala kang alam!" seryosong sabi nito.

"Sige nga kung hindi mo ko iniiwasan tingnan mo ko sa mata"

"No!"

"Eh di hayaan na lang natin na forever tayong nakaposas. Sakin ok lang, ewan ko sayo"

"Hindi kita iniiwasan dahil galit ako" mahinang sabi nya.

"Eh bakit ka umiiwas? Ayaw mo ba kong kasama?" malungkot na sabi ko. (best actress ako eh, ehem)

Umiling lang sya.

"Bakit?"

"Hindi mo maiintindihan"

"Pano mo nasabing hindi ko maiintindihan?"

"Basta"

I just sighed.

"Eto lang gusto kong malaman mo. Importante ka sakin. Sobrang importante ka sakin" seryosong sabi nya.

"Hindi mo lang alam kung gaano ka kaimportante sakin bie"

"I'm sorry. I'm sorry kung nasasaktan kita dahil sa pag-iwas ko"

"Kung anuman yang dahilan mo, naiintindihan kita bie"

"It's just that I'm confused now."

Tumango-tango lang ako.

"Iiwasan mo pa ba ko?"

Umiling sya.

"Ang hirap pala, ang sakit dito" sabay turo nya sa dibdib nya.

"Ikaw kasi eh, iiwas-iwas ka pa. Lika nga dito, pa-hug nga!" sabay yakap ko sa kanya.

Niyakap nya din ako ng mahigpit.

"Hindi mo alam kung gano kita namiss bie" naluluhang sabi nya.

"Mas hindi mo alam kung gano kita namiss" bulong ko sa kanya.

"I'm sorry bie."

"Ok na bie. naiintindihan kita. So ok na tayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya.

"Wag mo ng uulitin yan ha!" sabi ko pa.

"Opo bie ko" pagkatapos ay inihilig nya yung ulo nya sa balikat ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit pala cliché yung inisip na paraan nung dalawang mokong, nakatulong naman sila. Masaya ako na ok na kami ni Ashley pero iniisip ko pa rin na papano na lang pag nakaalala na sya. Kahit laging nyang sinasabi sakin na wala syang sinisisi, kinakabahan pa rin ako dahil alam kong malaki yung kasalanan ko sa kanya.

"Bie, lika na sa classroom, magsstart na yung klase natin" sabi nito sakin.

Agad naman kaming tumayo at magkahawak-kamay na pumasok sa classroom.

Napatingin agad yung apat sa mga kamay namin.

"Oy Lloyd, tanggalin mo na yung posas, mukhang hindi na nila kailangan o!" tatawa-tawang sabi ni Gab.

"Oo nga, ayun o, magkahawak na yung kamay" sabi naman ni Lindsey.

Namumula naman na umupo si bie sa tabi ko. Ang cute cute nya talaga pag nagbblush.

"So ok na kayo ha" si Lloyd habang tinatanggal yung posas.

Nagkatinginan naman kami ni bie at sabay ngumiti.

"Ok na ok na kami" sabay na sabi namin.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon