Chapter 26

16.2K 389 17
                                    

A/N: Ayan, dahil mahal na mahal ko kayo, kahit masakit yung ulo ko, nagtry akong mag-update, sana magustuhan nyo :)

Para sayo to bata! Ang kulit ulit mo kase..

===================================================================

ASHLEY'S POV:

"Tal, tingin mo ba pag sinabi ko kay Allysa yung nararamdaman ko, magagalit sya?"

"Hmm, hindi ko alam babe, hindi ko naman alam kung pano mag-isip yang lab op yor layp eh" sagot naman nito.

Ewan ko ba, habang tumatagal, mas lalo kong minahal si Allysa. Habang umiiwas kasi ako, lapit naman sya ng lapit. Araw-araw ginigising ako ng maaga, dinadalhan ng breakfast, binibigyan ng Gatorade, tinetext ng sweet nothings. Sino bang hindi maiinlove sa kanya?

"Babe, andami ng ginagawa ni Allysa para sayo no?" sabi ni Kristal na parang nabasa yung nasa isip ko.

Tumango naman ako.

"Hindi ko nga alam kung papano ko makakabawi sa lahat ng mga nagawa nya sakin eh"

"I-date mo kaya babe?"

"Ano ko lalaki? Ayoko tal!"

"Babe naman, hindi lang naman lalaki yung nagyayayang magdate diba?"

"Nahihiya ako tal, papano kung hindi naman nya gusto? Kung ayaw nya kong makasama?"

Ang hirap kasi ng kalagayan ko ngayon, babae ako, pero babae din yung minahal ko. Malamang mas gusto ni Allysa magmahal ng tulad ni Gab. Dun sya magiging masaya.

"Tal, kung i-set up ko na lang kaya sila ni Gab ng date?"

Bigla naman akong binatukan nito.

"Sira ka din eh no babe?"

"Eh malay mo nga kasi yun yung gusto nya!"

"Tinanong mo na ba sya? Bat mo sya pinapangunahan?"

"Eh kasi"

"Heh, tumigil ka dyan! Kung gusto mong makabawi, ikaw mismo yung dapat kasama nya sa 'date'. O ayan na sya o, papalapit na dito, dala yung breakfast mo mahal na prinsesa" sabay nguso nito sa paparating na si Allysa.

"Hi bie" nakangiting bati nito.

Shocks! Nakakatunaw talaga yung ngiti nya. Nakakaloka lang, parang naggoglow sya habang papalapit samin. Sino ba namang hindi maiinlove sa babaeng to.

"Bie?" tawag ulit nito.

"Huy babe" sabay hampas sakin ni Kristal.

"Ha?"

"Nakakatawa ka babe, punasan mo muna yung bibig mo, tumulo laway mo o" nakangiting sabi sakin ni Kristal.

Naramdaman kong namula ako kaya pinahiran ko yung bibig ko.

"Wala namang laway eh" sigaw ko kay Kristal.

"Babe kase, nakatunganga ka lang kay Allysa, nakanganga ka pa!" tatawa-tawang sabi pa nito. Napalingon ako kay Allysa, nakangiti lang sya.

"Bie, kain ka na o!" sabay abot sakin ng breakfast.

"Salamat bie ha. Ang laking abala na nito sayo. Pwede mo namang hindi gawin to eh" nahihiyang sabi ko dito.

"No bie, ok lang sakin, masaya naman ako sa ginagawa ko eh" nakangiti pa ring sabi nito. Bakit ba hindi maalis yung ngiti nya sa labi?

"Pero bie, sobra na ka-----"

"No, I insist bie. Eto na lang yung pwede kong gawin para sayo"

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige na nga bie. Ang tigas ng ulo mo eh"

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon