Chapter 22

14.8K 388 38
                                    

ALLYSA'S POV:

"Kelan mo sasabihin sa kanya na mahal mo sya?" tanong sakin ni Lindsey. Nandito kami ngayon sa gym, may laban kasi si Ashley and si Kristal ngayon so eto kami, magccheer para sa kanila.

"Gusto ko kasi Linds, pag nakakaalala na sya. Kase naisip ko, what if sabihin ko sa kanya na mahal ko sya tapos bigla syang makaalala, bigla nya kong kamuhian. Ayoko naman ng ganon"

"Bat ka naman nya kakamuhian. Ang oa mo Allysa!"

"Bakit? Sino bang may kasalanan kung bat sya naglalasing non? Kung bat sya napaaway? Kung bakit sya nagka-amnesia? Ako diba?"

"Lagi mo na lang sinisisi yung sarili mo. Walang may kasalanan ok?"

Umiling-iling lang ako. Kahit ilang beses nilang sabihin na walang may kasalanan sa nangyari, hindi ko pa rin maalis sa isip ko na ako yung dahilan kung bakit nangyari yon.

Magsasalita pa sana ito ng biglang lumapit samin sila Kristal at Ashley.

"Allysa, goodluck kiss daw muna sabi ni babe"

Namula naman si Ashley.

"Wow best, nagbblush ka na, dalaga ka na!" tukso dito ni Lindsey.

"Pwede ba tigilan nyo kong dalawa!" naiinis na sabi nito.

Agad ko naman syang nilapitan. Inabot ko yung Gatorade na dala ko.

"Eto bie! alam kong nakalimutan mo na naman yung Gatorade mo"

Agad naman nyang kinuha.

"Salamat ha" nahihiyang sabi nya.

"Goodluck bie" sabay kiss ko sa cheeks nya.

Lalo naman itong namula.

"Ayun o! goodluck kiss! Ang saya-saya ni babe" tukso ni Kristal.

"Tse! Lika na nga! Salamat Allysa ha" yun lang at umalis na yung dalawa.

"Tss, hanggang kailangan mo itatago yang nararamdaman mo na yan" sabay iling ni Lindsey.

"Don't worry Linds, hindi ko man sabihin sa kanya, ipaparamdam ko na lang sa kanya lagi" nakangiting sabi ko dito.

"Whatever you say Allysa." Sarcastic na sabi nito sakin sabay belat nito sakin.

Tatawa-tawa naman na itinuon ko na lang yung mata sa laro.

Gaya ng inaasahan, nanalo na naman sila Ashley. At least hindi nya nakalimutan yung galing nya sa tennis.

ASHLEY'S POV:

Mas lalo akong ginanahang maglaro dahil kay Allysa. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero alam ko masaya ako ngayon.

"Congrats best! Congrats Tal!" bati samin ni Lindsey.

"Congrats Tal!" narinig kong sabi ni Allysa kay Kristal. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala ito. Naramdaman ko na lang na niyakap nya ko sa likod. Literal, nanigas ako. "Congrats bie, I'm so proud of you" bulong nya sakin.

"Hala wala na, nanigas na si babe" tukso ni Kristal.

"Huy best! Magsalita ka!"

Pero hindi pa rin ako makapagsalita dahil nakayakap pa rin sakin si Allysa.

"Ahm bie, gusto mo bang tanggalin ko na yung yakap ko?" bulong pa nito sakin.

Shoot! Seriously anong ginagawa nitong si Allysa sakin.

"Ahm Allysa, pawis kasi ako, nakakahiya naman, ok lang ba kung magbibihis muna kami ni Tal?"

Lalo naman akong nanigas nung inamoy-amoy nya ko.

"Hmmm, hindi ka naman amoy pawis eh bie, ang bango-bango mo nga o. Ang sarap amuyin"

Ilang milyong boltahe na yung nararamdaman ko. Hindi na ko makahinga. Ano ba tong nangyayari sakin. Niyayakap din naman ako ng ganito ni Kristal pero bakit iba yung epekto ni Allysa.

"Hoy Allysa, bumitaw ka na nga dyan, hindi na makahinga si best. Namumutla na o!" tatawa-tawang sabi ni Lindsey.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumitaw na si Allysa. Or so I thought.

Humarap sya sakin at hinawakan yung pisngi ko. Ang lapit-lapit ng mukha nya sakin. Napatitig ako sa lips nya. Napalunok naman ako. Ano ba namang torture to.

"Hoy! Baka naman maghalikan pa kayong dalawa dito sa harap namin ni Lindsey. Get a room guys!" si Kristal.

"Bie, ok ka lang ba? Bat hindi ka makahinga? Bat namumutla ka?" si Allysa habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.

"Ahm, Allysa ok lang ako, ok lang din ba kung medyo lalayo ka. Baka kasi mahalikan kita" Pak! Bat ko nasabi yun. Napatingin silang tatlo sakin. Namumula na ko, shoot shoot! Bat ko sinabi yun.

"So gusto mo pala akong halikan bie" nangingiting sabi ni Allysa.

"No, ano, ahm," wala akong masabi T___T

Tinatawanan lang nila ako.

"Ikikiss na ba kita bie?" nang-aakit na sabi ni Allysa.

"Ano Allysa, wag mong pansinin yung sinabi ko. Nabigla lang ako"

"Sorry bie, hindi na maaalis sa isip ko yun"

Tumingin ako kay Kristal at Lindsey na parang humihingi ng tulong.

"Best, narinig din namin. You're into girls din pala, at in fairness kakakilala mo lang ulit kay Allysa pero gusto mo na syang halikan. Samantalang kami ni Tal, hindi mo naman sinasabihan nyan"

"Best ang alam ko kakampi kita" hindi pa rin ako tumitingin kay Allysa. Alam ko kasing nakangiti pa rin sya.

"Game na ba bie? ok lang naman sakin kahit sa harap nila" sabay kindat pa nito sakin.

"Whatever Allysa. Magpapalit muna kami ni Tal"

"Gusto mo ako na yung magpalit ng damit mo?"

"Ewan ko sayo!" sabay talikod dito.

"Nga pala bie, kung gusto mo kong i-kiss ok lang naman sakin, hindi kita pipigilan. Tutal nakuha mo na naman yung first kiss ko." Pahabol na sabi ni Allysa.

WTF, anong pinagsasabi nyang first kiss? Ang weird talaga ng babaeng yun.

Pero mas weird tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung kissable lips nya. Ugh! I hate this torture!

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon