Chapter 14

15.1K 335 1
                                    

A/N: Sorry guys ha kung may mga nauulit na eksena, kailangan ko lang kasing isingit yung mga naramdaman ni Allysa nung time na yun eh.

At matapos ang nakakabadtrip na gabi, at least natapos ko pa rin sya. Hahaha!

Maraming salamat sa pagbabasa.

ALLYSA'S POV:

5am ako gumising kanina. Pano ba naman kailangan ko pang gisingin at takutin si Ashley para kumilos na. Nagmamadali din akong umalis sa bahay kasi bibili ko pa ng breakfast yung isang yun. Malamang hindi na naman kumain ng breakfast yun. Nagmamadali akong pumasok sa gym pagdating ko sa school. Kumabog bigla yung dibdib ko ng makitang nakaupo na sa loob si Ashley, nakapikit pa. Halatang antok na antok pa. Kawawa naman yung bie ko. Imbes na gisingin ko, lumapit lang ako sa kanya habang nakatitig sa itsura nya. Ang ganda-ganda talaga nya. Gustung-gusto kong haplusin ang mga pisngi nya.

Nakaramdam yata na may nakatitig sa kanya kaya biglang nagmulat ng mata si bie. Iniabot ko agad sa kanya yung breakfast na binili ko. Nagkulitan lang kami bago sya kumain. Naisipan kong magbiro para makita yung reaction nya.

"Kiss mo nga ako" tukso ko dito.

Natawa ako ng muntik ng maibuga ni bie yung pancake sakin. Ang cute cute. Hahahaha.

"Bie ok ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo bie at kung pwede wag kang makahingi-hingi ng kiss sakin at kinikilabutan ako" ouch ha! Parang diring-diri naman to sakin. Napasimangot tuloy ako.

"Kiss lang eh, ang damot damot nito"

"Bie, ayun si Gab, papalapit dito, dun ka humingi ng kiss" hay nako, ang hilig hilig talaga nitong itulak ako kay Gab. Sasabuntan ko to eh.

"Tse! Ayaw mo, wag mo!" lumapit na lang ako kay Gab.

Nakakaloka naman tong lalaking to, biglang bumulong.

"Nakatingin sha, hawakan ko kamay mo ha" sus, chumachansing lang to eh! Umupo kami sa pwesto namin, paglingon ko kay bie. Aba, andun yung friend nitong lalaking to, papano sila nagkakilala? Bat parang close na close sila?

"May nagseselos" tukso ni Gab

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Pero binalik ko agad yung tingin kay Ashley. So kailangan ganun kasweet yung smile nya dun sa lalaking yun. Nakita kong lumingon sya sakin kaya tinaasan ko ng kilay. Sa harap ko pa sya lumalandi ha! Tsss.

Lumapit na si Ashley sa coach nya so meaning magsisimula na. Shoot! Kinakabahan ako para kay bie. Ang galing-galing nung kalaban nya. Halatang napapagod sya dahil magaling ding pumalo yung isa. Hala, tie, halatang nahihirapan si bie, kawawa naman.

Nang sinabi na may 10 mins na break, lalapit sana ako kay bie dahil iaabot ko yung Gatorade na binili ko. Napatigil ako ng makitang nakalapit na si Lloyd. Nanghihinang napaupo ako.

"O eto sayo na!" abot ko kay Gab.

"Wow para sakin?"

"Malamang hinde!"

"Sows, naunahan ka lang eh" tatawa-tawang sabi nito.

Hinahampas-hampas ko si Gab pero hindi nakawala sa paningin ko na biglang hinalikan nung Lloyd si bie sa cheeks.

"Hindi na nakakatuwa yung kaibigan mo ha! Grabe ha, sino sya para halikan si bie?" bulong k okay Gab.

"Nagpahalik naman yung bie mo"

"Hindi kaya!! Nabigla nga sya o! Tsss. Mamaya susuntukin ko na yang kaibigan mo ha!"

Tatawa-tawa naman si Gab. Natigil lang kami sa pagtatalo nang magsimula na ulit yung laban.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon