Chapter 2

19.7K 433 16
                                    

ASHLEY’S POV:

6am pa lang ay wala ng tigil sa pagriring yung phone ko. Kinapa-kapa ko ito para sagutin pero nakapikit pa rin ako dahil antok na antok pa talaga ako.

“Hello?” inaantok pang sabi ko.

“BIE!!!!!!!!!!!!GISING NA! MAAGA YUNG LARO MO TODAY!” sigaw nung nasa kabilang linya.

“Bie, maaga pa. Tulog pa ko please” pakiusap ko dito.

“NO BIE! TUMAYO KA NA DYAN O BAKA GUSTO MONG PUNTAHAN PA KITA DYAN SA CONDO MO!” nagbabantang sabi nito.

Agad akong napamulat sa sinabi nito. Alam kong hindi ito nagbibiro.

“Bie gising na ko, maliligo na ko. Kita kits na lang sa school bye!” sabay pindot ko sa end call. Baka kung ano pang maisipang gawin nung bababeng yun.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis para maagang makarating sa school. Tumakbo agad akong papuntang gym. Nakita kong papunta pa lang din si coach.

“Wow Trinidad, aga mo ah! May 1 hour pa bago magsimula yung game” sabi nito.

“May nanggising kasi sakin coach eh. Dito na lang ako maghihintay” nakabusangot kong sabi.

Tatawa-tawa naman nya kong iniwan. Pumikit na lang ako para makatulog ulit. Wala pang limang minuto na nakapikit ako ay naramdaman ko na parang may nakatingin sakin. Agad akong nagmulat ng mata. Nakita kong nakangiti si Allysa habang nakatingin sa akin.

“Bie! Kanina ka pa dyan?” tanong ko sa kanya.

“Nah, kakarating ko lang bie. Dinalhan kita ng breakfast, alam kong hindi ka pa kumakain.” Nakangiti pa ring sabi nito.

“Ano yan pambawi mo dahil ginising mo ko ng pagkaaga-aga?” sabay irap dito.

Bigla na naman itong nagpout.

“God bie! Wag na wag ka na ngang magppout sa harap ko!” inis na sabi ko dito.

“Bakit na naman ba?!” galit na tanong nito.

Dahil baka mahalikan kita.

“Ang pangit mo kasi eh” yun na lang yung nasabi ko.

Bigla nitong inagaw yung binigay nyang pagkain kanina.

“Ah ganon? Pwes wag kang kakain!”

“Bie naman eh, joke lang. Akin na yan bilis gutom na ko o” pagmamakaawa ko dito.

“AYOKO! Sinabihan mo ko ng pangit diba?”

“Joke nga lang, ikaw yung pinakamaganda dito sa school bie. Promise. Akin na yang pagkain bilis” pambobola ko dito.

“Talaga bie?”

Tumango-tango naman ako.

“Kiss mo nga ako” sabi nito.

Halos maibuga ko sa kanya yung sinubong pancake kanina. Alam kong namula ako dahil sa sinabi nya.

“Bie! Ok ka lang?” nag-aalalang tanong nito.

“Oo bie at kung pwede wag kang makahingi-hingi ng kiss sakin at kinikilabutan ako sayo” sabi ko pa dito.

Nakita ko na naman na sumimangot ito.

“Kiss lang eh, ang damot damot nito” bulong pa nito.

“Bie, ayun si Gab o papalapit dito, dun ka humingi ng kiss” sabay turo ko sa papalapit na si Gab.

“Tse! Ayaw mo wag mo!” yun lang at tumalikod na ito papunta kay Gab.

“Salamat sa breakfast bie! Mwah!” iniwas ko na lang din yung tingin ko sa kanila dahil nakita kong hinawakan ni Gab yung kamay ni Allysa.

“Hello” bati sakin ni Lloyd. Nakalapit na pala sya sakin, di ko man lang napansin.

“Uy Lloyd, anong ginagawa mo dito?” nakangiting tanong ko dito.

“Diba sabi ko papanoorin kita?” sabay kindat nya sakin.

Ewan ko pero parang wala naman akong kilig na naramdaman pero ngumiti pa rin ako ng pagkatamis-tamis.

“Salamat. Sige dun na ko tinatawag na ko ni coach” paalam ko dito.

Napalingon ako sa pwesto ni Allysa at nakita kong nakataas ang kilay nito habang nakatingin samin. Nagkibit-balikat lang ako at dumerecho sa pwesto ni coach.

“Ready Trinidad?”

“Ready coach!”

Lumakas ang sigawan ng mga tao sa gym nung ihudyat na magsisimula na yung laro.

Infairness sa kalaban ko magaling din sya, nahahabol nya bawat bolang pinapalo ko. Pero hindi pa rin ako magpapatalo, nagtie kami, panalo ako sa 1st set, panalo sya sa 2nd set. Binigyan muna nila kami ng 10 mins na break. Napansin kong tumayo si Allysa at akmang lalapitan ako pero natigilan nung makitang nakalapit na sakin si Lloyd.

“Ash, dinalhan kita nito o” sabay abot sakin ng Gatorade.

“Thanks Lloyd ha, kailangan ko talaga nito ngayon, medyo nakakapagod yung patakbo takbo ko kanina eh”

“Galingan mo ha! Pag nanalo ka, iitreat kita ng dinner mamaya” sabi pa nito.

“Wow, gusto ko yan libreng dinner” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Talaga? Ok lang sayo?” nagniningning ang mga matang tanong nito.

“Oo naman friends----“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinalikan sa cheeks.

“Goodluck” yun lang at bumalik na ito sa upuan nya. Napalingon agad ako sa pwesto ni Allysa, nakita kong nakikipaglampungan lang ito kay Gab.

Oh well, ano pa nga bang ineexpect ko? Na magseselos sya? Na magagalit sya? Eh wala naman syang gusto sakin diba? Para kay Gab lang ang puso nya.

Bumalik na agad ako sa court nung tawagin ako ni coach. Dahil sa nakita ko kanina, lalo akong naging mas determindong manalo.

“Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt”

Pito ng referee, ibig sabihin tapos na ang laban. And nanalo ako. Gusto ko sanang maging masaya kaya lang nasaktan ako ng walang pakialam si Allysa sakin.

Agad akong nilapitan ni Lloyd. Tuwang-tuwa nya akong niyakap.

“Ash! Congrats!! Ang galing-galing mo talaga!”

“Thanks sa suporta ha!”

“O mamaya ha, treat kita ng dinner”

Tumango naman ako.

“Ehem, baka gusto nyong maghiwalay dyan bro” si Gab, agad tuloy akong binitawan ni Lloyd.

“Sorry, natuwa lang ako bro” sabay kamot sa ulo ni Lloyd na halatang nahihiya.

“Btw Ash, congrats ha! Ang galing-galing mo!” si Gab.

“Thanks Gab!” nakangiting sabi ko dito. Tumango lang sakin si Allysa.

Tsss, ano na naman bang ginawa ko?

“Btw bro, sama kayo later? Ttreat ko ng dinner si Ash eh” nakangiting sabi ni Lloyd.

“Sure b------“

“Hindi kami pwede Lloyd eh, may pupuntahan din kasi kami ni Gab, kayo na lang dalawa, enjoy kayo ni Ashley ha” matabang na sabi nito.

Magsasalita pa sana si Gab pero hinila na ito palabas ni Allysa. O eh di sila na magkaholding hands.

Nagkibit-balikat na lang ako.

“So pano mamaya ha!” paalala sakin ni Lloyd bago sya magpaalam.

“Opo sir”

Ginulo nya muna yung buhok ko bago sya tuluyang umalis.

Aish! Ang hirap-hirap ayusin nitong buhok ko eh! Tsss! 

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon