Chapter 6

17.8K 411 21
                                    

ASHLEY'S POV:

Nandito lang ako ngayon sa gym dahil may practice daw kami ngayon ng buong araw. Hindi ko na naman makikita si Allysa. Hindi na rin kasi kami masyadong nakakasama dahil busy sya sa boyfriend nya. Yeah, dun sa prince charming nya.

How can something so wrong feel so right all along

Catch me I'm falling for you

How can time be so wrong for love to come along

Catch me I'm falling for you...

Yeah pati yung kanta dito sa gym umaayon sa nararamdaman ko. W-wait, wala namang music dito sa gym ah. Nagulat ako ng biglang may tumawa sa likod ko.

"Best!!!!!Bwisit ka forever!!!" sigaw ko dito.

"O diba naman best bagay na bagay yung kanta sa pag-eemote mo dyan"

"Ewan ko sayo!" napipikon na sabi ko dito.

"Btw best kaya ako nandito kase may papakilala daw satin si coach ngayon. Bagong recruit daw. At ang bali-balita, maganda daw."

"So?" walang kagana-ganang sabi ko.

"Well, baka lang kasi matipuhan mo!"

"Thanks but no thanks best! Sa isang babae lang ako tumitingin"

"Eh sya ba tumitingin din sayo?" sabay nguso sa labas ng gym.

Nakita namin na magkaholding hands si Allysa and Gab and sweet na sweet na nag-uusap sa isang bench.

I just sighed. Ti-nap ako ni Lindsey sa balikat. Naiiyak na naman ako.

"Don't worry best, you'll get over her"

"How I wish--- aray!" hindi natapos yung sasabihin ko dahil nadali ako ang bola ng tennis sa ulo.

"Stupid" narinig kong may nagsalita.

"What?" napatingin ako sa kanya. Ang ganda, ang amo-amo ng mukha nya, ang haba ng buhok. At naaamoy ko dito yung pabangong gamit nya. Hmmm, amoy strawberry.

"You're crying because of a taken girl? Ang stupid lang!"

"What the hell did you just say miss?" galit na sabi ko dito.

"Uh-oh trouble" si Lindsey.

"Bakit mo sya kailangang iyakan, eh parang wala naman syang pakelam sayo? Don't waste your time sa isang taong hindi ka naman pinapahalagahan."

Maang na napatingin lang ako dito.

"I don't even know kung bakit ako nakikialam. It's just that, ayoko lang kasing makakita ng babaeng umiiyak. Alam mo miss, maganda ka, sigurado kong maraming magkakagusto sayo. Wag kang mag-alala, kung sikreto yang nararamdaman mo para dun sa babaeng yun" sabay nguso kay Allysa. "hindi ko ipagkakalat. Pero sana lang maisip mo na maraming pang taong magpasaya sayo. Tumingin ka lang sa paligid mo, baka nandyan lang sa tabi tabi." Yun lang at umalis na ito.

Nagkatinginan kami ni Lindsey.

"Wow best! Na-love at first sight ata ako, ang ganda nya and ang galing mag-advice" si Lindsey.

"Whatever best, lahat naman ng nakapalda bet mo"

Pero naisip ko din yung sinabi nung babae, tama sya, why do I have to hurt myself kung pwede naman din akong maging masaya. And to think, akala ko kanina, kaaway sya.  Napangiti na lang ako habang nakatitig kung san sya pumasok kanina.

"Trinidad" sigaw ni coach.

"Yes coach?"

"May papakilala ako sayo, bagong recruit, magaling sya pero ipapatrain ko pa din sayo" sabi nito.

Noon biglang lumapit yung babae kanina. Nice, sya pala yung ittrain  ko. Napangiti ako ng wala sa oras.

"Trinidad, eto pala si Kristal Chua, Ms Chua, si Ashley Trinidad, sya yung magttrain sayo"

KRISTAL'S POV:

So sya pala yung sinasabi ni coach na best player nya. Hmmm, exciting. Si Ms brokenhearted.

"Nice to meet you" masayang bati ko dito.

Napasinghap naman ako ng bigla itong ngumiti. Oh gosh! Ang ganda.

"Ashley Trinidad. Nice to meet you too"

Nagpaalam muna ito dahil magwwarm up lang daw. Nakatingin lang ako sa kanya habang tumatakbo sya paikot ng gym. I will ease your pain babe. I promise.

-FLASHBACK-

Aish! Ang aga ko naman dito sa gym. Bat kasi excited akong pumasok eh. Tsss. Maglalaro na muna sana ako ng mapansin kong may isang taong nakaupo sa isa sa mga bleachers. Kahit malayo ay kitang-kita ko yung itsura nya. Straight hair na medyo naka-curl sa dulo, expressive eyes, pointed nose, and kissable lips. Ang ganda-ganda lang nya. Para akong namesmerize sa kanya. Lalapitan ko n asana sya ng biglang may lumapit sa kanyang maganda ding babae. Hmmm, girlfriend? Parang may tumusok sa dibdib ko bigla. No, I don't believe in love a first sight.

I know it's wrong pero nakinig ako sa usapan nila. Bestfriend nya lang pala yung girl and may itinuro sila sa labas na isa pang girl. And nakita ko na para syang naiiyak. Really? Dahil lang sa isang babae? Magpapakalungkot sya ng ganyan? Tsss. OMG so meaning? I like the idea. So may pag-asa pa pala ako.

Dahil gusto kong mapansin nila ako ay ibinato ko yung bola na hawak ko. And dun nagsimula ang lahat.

-END OF FLASHBACK-

"Tal?" kulbit sakin ni Ashley.

Takang napatingin ako dito.

"Kanina pa kasi kita tinatawag. Magsisimula na yung training" sabi pa nito.

"Oh, sorry, may iniisip lang ako"

"Boyfriend?" tanong nito.

"Fishing?"

"Nah, just wanna know. Kasi pag magttrain tayo, malelate tayo ng uwi, baka kasi may magalit, um, alam mo na" paliwanag naman nito.

"Don't worry walang magagalit. I don't have a boyfriend, and wala din akong girlfriend ngayon, baka gusto mong mag-apply" kindat ko sa kanya. Bago pumunta sa locker para kunin yung raketa ko. Naiwan ko syang nakatulala.

Cute.

ASHLEY'S POV:

Weird girl! Naiwan akong nakatulala dahil sa sinabi nya. Ako? Girlfriend nya? Hell no!

"Best, nakatulala ka dyan. Inlove ka na kay Kristal no?"

"Inlove yer fes best! Sayong-sayo na sya"

"Best naman, why don't you give her a chance. Ang alam ko open naman dito sa school na BI sya eh, so kung manligaw din sya sayo, wag ka ng umarte, at least dalwa na sila ni Lloyd na manliligaw sayo, mas mawawalan ka ng time magmukmok dahil kay Allysa.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Best, pwede mo na kong pasalamatan dahil sa brilliant mind ko." Sabi pa nito.

But she has a point. In order for me to forget my feelings for Allysa, kailangan kong tumingin sa iba. 

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon