Chapter 1

27.2K 502 27
                                    

ASHLEY’S POV:

“Bie! May goodnews ako sayo” nakangiting sabi sakin ni Allysa.

“Yes bie ano yun?” walang ganang tanong ko dito. Parang may idea na kasi ako kung bakit sya masaya ngayon.

“Si Gab” sabi ko na eh.

“What?”

“Nanliligaw na sya sakin!!” patalon-talon pa na sabi nito.

“Eh di good for you” matabang na sabi ko.

Sumimangot ito at nagpout.

“O anong inaarte-arte mo dyan?” tanong ko pa dito.

“Hindi ka ba masaya para sakin?” malungkot na sabi nya.

Ngumiti naman ako sa kanya.

“Malamang masaya ako para sayo. Kaibigan kita eh, at nakikita ko naman na masaya ka” sincere na sabi ko.

Yes nasasaktan ako pero wala naman akong magagawa, mas pinili kong maging kaibigan lang nya.

 “Btw bie, gusto mo double date tayo?”

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito.

“Meron kasi syang friend eh crush na crush ka daw, nagpapalakad nga eh” nakangiti pa nyang sabi.

“Nah, not interested bie. And aalis kami ni Lindsey mamaya” sabi ko naman dito.

“Kayo ni Lindsey bakit?” tanong nito na parang nagbago yung mood.

“Baka nakakalimutan mo bie, si Lindsey yung bestfriend ko at magpapasama sya mamaya dahil may kailangan daw syang bilhin sa bookstore” paliwanag ko naman dito.

“Pero may gusto sayo si Lindsey bie.” Sabi pa nito na hindi tumitingin sakin.

“So? Sinabi ko naman na hanggang bestfriends lang kami at ok lang naman sa kanya. And hindi ko sya iiwasan dahil sinabi nya sakin na gusto nya ko”

Tiningnan nya ako ng derecho sa mata.

“Bie, may gusto ka din ba kay Lindsey?” medyo galit na tanong nya.

“Pwede ba bie. Wala akong gusto sa kanya no! At kahit kelan, hindi ako magkakagusto sa babae. Duh!” pagsisinungaling ko dito.

Nakita kong biglang lumungkot ang mga mata nito pero agad din namang ngumiti.

“Ok, sama na lang ako sa inyo” sabi pa nito.

“No bie, matagal mo ng hinihintay na i-date ka ni Gab kaya sa kanya ka na sumama ok?”

Naiiyak na tumingin sya sakin.

“Ayaw mo na ba kong kasama bie?”

Naiiling na binatukan ko naman ito.

“Nako wag mo na kong artehan dyan Allysa Mae De Leon at hindi na ko naniniwala sa mga drama-drama na ganyan. Hala, mag-ayos ka na dyan para sa date nyo. Nagtext na si bestfriend, magkita na daw kami sa may gate.” Paalam ko dito.

Napansin kong parang gusto nya kong pigilan pero tumahimik na lang.

“See you tomorrow bie” sigaw ko pa dito bago tuluyang lumakad palayo.

Napabuntonghininga naman ako habang naglalakad.

“Lalim non bestfriend ah” si Lindsey, nakalapit na pala sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.

Btw, ako nga pala si Ashley Trinidad, 19 years old, 3rd college na dito sa University of Perpetual Help. I’m taking up Communication Arts, Major in MassCommunication. Well hindi naman sa pagmamayabang pero sabi nila papasa na daw akong campus crush. Pero sabi-sabi lang yun, di naman ako naniniwala.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon